Pilipinas Game ka na ba?

Getting one year na ako sa office this coming May..sinong magaakalang ang isang kamoteng tulad ko ay makakakita ng trabaho sa bansa ng mga malalakas ang jutok... :) Akala ko dati walang patutunguhan ang paghahanap ko ng work ko dito sa singapore... Pero sabi ko nga lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay madahilan ng Diyos...

Matapos ang aking matagal na paghihintay at heto na ako... I know sobrang aga pa para mag-predict pero UUWI na ako sa Pinas sa SEPTEMBER... hahaha.. Siguro maraming matatawa sa aking blog ngayon kasi ba naman ang tagal tagal pa ang September pero heto at may PRESS RELEASE na agad ako... Maybe the main reason kung bakit ako excited kasi na-miss ko na ang Pilipinas... I know maraming mga tao sa pinas na gusto ng umalis ng bansa para makipagsapalaran sa ibayong dagat... pero ang nakakatuwa sa atin.. after nating makakita ng trabaho at mag-stay sa ibang bansa... na-mi-miss naman natin ang pinas... hayy buhay parang life...

Sino ba namang hindi makaka-miss sa pinas... kasi ilan lang atang bansa ang may jollibee... walang boy bawang sa ibayong dagat except sa Lucky Plaza dito sa Singapore... :) Maraming mga bagay ang nakaka-miss sa pinas... tulad ng jeep.. walang jeep sa ibang bansa.. sa Thailand may tuktuk pero parang tricyle lang ang dating.. sabi ng mga kaibigan kong Indians.. sa kanilang bansa may jeep din pero unlike sa pinas mas colorful daw at mas marami sa atin...

Well, ano man ang reason kung bakit ako masyadong atat umuwi ng pinas ang masasabi ko lang: PILIPINAS GAME KA NA BA? :)

See you Pilipinas... hehehe

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin