My name is Ernie!

Nakakatuwang isipin na bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangalan... mahirap ka man.. mayaman ka man.. bingot ka man... mukhang nasagasaan ng pison ang ilong mo... carry lang may name ka naman... so ngayon iyon ang kwento ko sa inyo...

Maniniwala ka bang ang dapat kong pangalan ay Ernie? Astig feeling ko ka-berks ko si Bert.. hahaha... sesame na sesame street ang dating ko... :) Two or three years old na ako ng matuklasan ng magulang ko na iba ang pangalan ko... dahil malayo kami sa bayan kaya napakalimited lang ang mga pumunta doon.. Pinsan ko ang ang nagpa-register sa akin sa bayan.. Bilin nina Nanay na Ernie ang pangalan ko...

Lumipas ang taon at laging Ernie ang tawag sa akin... Hanggang magtaka ang pinsan ko kung bakit laging Ernie ang tawag sa akin, eh di daw naman yun ang aking pangalan.. Ng ma-check ang aking birth certificate doon pa lang nalaman nila na RENIE ang aking pangalan at hindi ERNIE.. ayaw daw pumayag ng mahaderang registrar na Ernie pangalan ko kaya ginawang RENIE.. (O di ba nakikialam ang Registrar ng Munisipyo namin...)

Simula noon.. naging RENIE ang pangalan ko... pero ang pronounce ng tao sa amin.. RENE...(asa ka pa mga magtatanim ng kalabasa at mais ang tao sa amin kaya di kagandahan ang pronounce ng name ko... hehehe)
Nagkaroon din ako ng pangalan na IRENEO... Halos lahat ng mga matatanda sa amin tawag sa akin IRENEO.. dahil yung isang sister ko IRENE ang pangalan at pareho kami ng BDAY.. astig di ba...

Pero para kay lola ko... ERNIE-BOL ang name ko... hehehe.. ERNIE BOL PITO ANG BULBOL... hahaha. promise yan ang tawag sa akin ni lola.. hehehe.. ewan ko kung bakit pito ang bulbol.. wherein wala naman me ganun noong bata pa ako... hehehe..

Pero tawag ng mga pinsan ko sa akin OTO.. para sa TOTO.. kasi ako ang bunso sa aming magkakapatid kaya OTO ang tawag sa akin.. yun ang na-adapt ng mga pinsan ko... kaya OTO lahat ang tawag nila sa akin... (please wag mong ulit-ulitin magiging OTO-OTO yan.. hahaha..)

Ng mag-high school na ako ng mapalitan ang name ko ulit... naging RENIE na ang name ko.. from RENE naging RENIE.. noong una akong tinawag ako ng titser ko ng 1st year ako.. hindi pa ako tumayo kasi iba ang dinig ko.. hehehe... aba akalain mo nga naman instant sosyal ang pangalan ko... ang dating taga bukid ngayon tunog imported na ang pangalan... pwede na akong ihanay kina RENEE RUSSO... hahaha..

Minsan iniisip ko kung ERNIE ang name ko... hmmm.. tunog taga-barrio.. as in barriotic... buti na lang nag maganda ang Registrar sa aming bayan... hahaha... a least naging tunog imported ang pangalan... sabi nga nila unique ang pangalan ko... o d b! hehehe...

yun lang...

Again my name is ERNIE RENIE!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin