PBT [Pag Babalik Tanaw]: Senior Citizen ~ Ikalawang Yugto
Sa mga nasabik sa aking PBT stories heto at muli kong babalikan ang aking nakaraan... Isang nakaraan na hindi ko malilimutan.
Hindi ko tahasang maalala kung buwan ng Agosto o Disyembre ito naganap pero ang alam ko may isang malaking okasyon sa aming komunidad na kung tawagin ay Christus Vincit [CV].
Maaga pa lang nagkita-kita na kami ng aming mga kapatid sa CV para sa preparasyon sa okasyon. Ang iba ay nagaayos ng lugar na pagdarausan ng okasyon. Ang iba ay abala para sa paghahanda ng pagkain. Isa sa aming kapatid na si ate Miles [Kilometers for short] ay naghanda ng pagkain kaso dahil medyo may kalayuan ang bahay nila sa San Marcelino at may gagawin din siya ng araw na iyon kaya kailangang puntahan pa sa Malibay ang pagkain na kanyang inihanda.
Dahil hindi naman ako sanay sa Malibay, kasama ko si Deck papunta sa lugar. Sumakay kami sa LRT sa UN Station papuntang Pedro Puyat este Pedro Gil pala.. hehehe...
Kwentuhan kami habang nakatayo sa loob ng tren, knowing LRT swerte mo kung makakaupo ka dyan. Ilang minuto na kaming nakatayo ng biglang tumayo ang lalaki na nakaupo sa tren sa harap namin. Ewan ko bigla na lang siyang tumayo at pinaupo ako. Napaka-ironic kasi hindi pa naman siya baba. So no choice ako at umupo. :)
After naming bumaba sa Pedro Gil itong aking butihing kaibigan nag-arrive sa conclusion na kaya ako pinaupo ng lalaki kasi mukha na daw akong senior citizen... :( Ganun na ba ako katanda knowing na 2003 pa lang yun a 23 years old pa lang ako that time...
Hayyy... whatever yung reason ng lalaki kung bakit niya ako pinaupo, ang masasabi ko lang... Salamat dahil sayo may new brand na ako: SENIOR CITIZEN... :)
===============
Lesson Learned: Wag tumayo sa loob ng tren kung ayaw mong mapagkamalang Senior Citizen... hehehe...

Mga Komento