Hansel


I can still remember yung mga salitang.. "AJA lng bro! makakakita din tayo ng trabaho!", "Kung ayaw nila eh di wag sinong tinakot nila, di ba?", "O saan tayo ngayon? may opening sa may International Plaza gusto mong sumama?", "Good morning ma'am, we would like to inquire if you have an opening for IT. Maybe we could leave our resume here for your reference." at kung anu-ano pang mga dialogue... Yan ang hitsura namin ni Hansel...

Paano ko nga ba malilimutan ang taong ito, siya ang kasa-kasama ko sa hirap at saya noong mga unang panahon ko dito sa Singapore. Ang mga panahong kailangan mo ng kausap, pagsasabihan mo ng frustrations mo, yung kukuwentuhan mo tungkol sa pag-aapply mo today, kung ilang beses ka naligaw at ilang kilometrong paglalakad ang ginawa mo... Yan ang hitsura namin ni Hansel sa ilalim ng mga buildings sa Raffles Place habang kumakain ng fries at umiinom ng walang kamatayang ice lemon tea.

Nakakatuwang isipin na sa hindi mo inaasahang pagkakataon ng iyong buhay makakatagpo ka ng isang taong makakasama mo sa tuwing ikaw ay may problema, andyan lang siya para makinig sa mga kwento mo kahit minsan sobrang nakakasawa na, andyan lang siya para sakyan ang mga kapraningan mo sa buhay, andyan lang siya para mag-up-lift ng iyong soul...

Hindi pumasok sa isip ko na minsan isang araw makakasama ko itong taong ito sa loob ng iisang bubong ng bahay... Noong una ko siyang nakilala sa Citibank sa Pilipinas, hindi naman kami nag-uusap... pero ganun ata talaga ang buhay, sabi nga puno ng Surprises... Sinong mag-aakalang matapos naming makakita ng trabaho ay magsasama kami sa iisang bahay, hindi bilang mag-asawa (which hindi pwede... hahaha) kundi bilang housemate.

Well, wala lang akong magawa kaya ako sumulat nito... Nagpapasalamat lang ako at nakita ko siya dito sa Singapore... Despite ng aming differences sa buhay, magkaiba man kami ng point of view sa buhay, meron kaming similarities na I know mahirap ipagkatiwala sa ibang tao... Thank's bro for sharing your time with me, thanks for sharing your life with me... I will keep yung mga secrets mo sa buhay... same thing with me... keep mo din yung sa akin... I'm glad nagkita tayo dito and I'm glad nag-cross ang buhay natin while having this journey called life... Siguro punuin ko man ng thank you ang bahay natin, hindi pa ito sapat.. pero ganoon pa man... I will continue to say THANK YOUR FOR TOUCHING MY LIFE...

AJA!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin