Siguro Milyonaryo ka na?

Ito yung connotation nating mga Filipino pag nasa ibang bansa ang isang tao. Dati ganun din ang iniisip ko na pag ang isang tao ay nagta-trabaho sa ibang bansa, hanggang ako ay makapgtrabaho dito sa singapore at napagtanto ko na ito pala ay isang malaking pagkakamali.

Akala ng mga tao pagnasa ibayong dagat ka para kang namumulot ng dolyar at pagkatapos iipunin mo at iyong ibang parte ay ipapadala mo sa pilipinas. hahaha.. THIS IS A BIG JOKE!!! Alam mo bang bawat dolyar na kinita ng mga iyan ay higit na puyat at pagod compare sa trabaho sa pinas. and to think ang ginagastos din nga mga iyan ay dolyar...

Bigyan kita ng halimbawa... Assuming kumikita ka ng 2500 SGD kung ico-convert mo sa philippine peso mga almost 80,000.00. Pero sa loob ng 2500 na yan kasama ang bayad sa bahay, Kuryente, tubig, bills ng telepono, bills ng internet at kung anu-ano pang mga bills. Kasama din dyan ang monthly remittance mo sa mga kapamilya mo, monthly na gastos mo including transportation, & foods. More or less ang pinaka reward mo na lang yung makabili ka ng isang pirasong damit at konting savings.

Sinabi ko ito hindi para magbigay ng litanya bagkus nais kong iparating na ang isang tulad kong OFW ay hindi nagmimina ng ginto sa ibayong dagat. Kasabay ng kinikitang dolyar ay ilang baldeng luha sa bawat kalungkutan ang hatid ng pangungulila sa mga taong mahal mo na umaasa sayo.

Kaya ngayon pagtinanong akong MILYONARYO KA NA? heto lang ang sagot ko: BISYO NA ITO!!! hahaha...

====
Nota Bene: Para sa mga kababayan ko sa ibayong dagat, malungkot man tayo ngayon... alam ko darating ang araw muli tayong sasagwan pabalik sa ating pinagmulan... Ang bayang sinilangan na kung tawagin ay Pilipinas...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin