PBT [Pag Babalik Tanaw]: When I grow up I want to be.... ~ Ika-Apat na Yugto

Noong nasa elementarya pa lang ako sa aming nayon usong uso yung mga Informal Theme, Formal Theme.. yung gagawa ka ng kwento... yung margin ay 1 inch sa Left at .5inch naman sa right... :) So kung di ka maka-relate sorry... getting old na ata ako at hindi ka maka-jive sa aking panahon... hahaha...

Kabilang sa mga sinusulat dito yung Christmas Vacation, About Undas, About vacation day, etc... pero isa sa hindi ko malilimutan yung My Autobiography Moment.. hehehe.. dito mo isasalaysay ang lahat-lahat sa buhay mo.. kung ilan kayong magkakapatid, pangalan nina nanay, ni tatay... parang formal Slum Book ito.. hehehe.. kaso walang about crushes dito.. hehehe...

Minsan sabi ng guro namin gumawa daw kami ng My Autobiograhy... so gawa naman ako... Noong matapos na ako, sabi ng aking kaklase kung pwedeng pakopya... sabi ko di pwede kasi magkaiba naman kami (O d ba bata pa lang suwapang na sa sagot.. hahaha... ) So sabi ko cge tulungan kita... Sa may last part inilagay namin yung "WHEN I GROW UP I WANT TO BE..." sabi nya.. ano yun??? sabi ko kung ano ang gusto niya paglaki... aba malupet ang sagot... sabi ba naman... I want to be a MAJORETTE... hahaha... pati ba naman pag ma-majorette pangarapin... Diyos por santo.. hahaha... eh kahit ata sino pwedeng gawin yun except sa mga lalaki.. hehehe.. :) sabi ko sigurado ka??? isang masiglang sagot na OO ang kanyang binitawan... :) Astig di ba... Eh ano nga ba naman ang iyong kahihita sa mga tulad namin na lumaki sa bukid...hehehe at least decent ang pangarap niya... :)

Yun sa awa ng Diyos kumare ko na cya ngayon.. hahaha.. ninong ako ng kanyang anak at hindi siya Majorette... Plain Hosewife lang po cya ngayon..

====
Mga Paalala:
1.)Kumare Peace tayo ha... hahaha...
2.) Majorette po yung may hawak ng BATON pag may mga musikero na tumutugtog... hehehe

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin