BOBBY


Madilim na ang paligid, tahimik at payapa ang bawat tanawin. Kasama ko si Hansel at si BF(bestfried)Romy habang naglalakad patawid sa kahabaan ng sengkang east way. Malayo pa lang kami ng may mabanaagaan na kaming dalawang taong nakaupo sa may baba ng Blk.323A, isang lalaki at babae habang nagkukwentuhan.

Napansin kong nakangiti na si Romy kahit malayo pa kami ewan ko kung bakit mukhang masaya si Romy ng makita niya ang dalawang taong yun.. hhhmmm (next story na lang yun...)
"Sina Bobby at Liza!" wika ni Romy
Sa isip-isip ko.. "Eh ano ngayon MA at PA..." (malay ko pakialam ko... ang taray.. hahaha... ) Kidding aside kilala ko na si Liza that time pero yung lalake niyang kasama di pa... Nadidinig ko lang kay Romy ang kanyang pangalan... BOBBY daw...

First time naming siyang na-meet at heto na alaskahang umaatikabong agad ang aming pagkakakilala... saan ka pa... Una ko siyang na-meet OKRAY agad siya sa akin... hahaha...

Hindi man ako ang lagi niyang kasama, well i'm glad to have him as one of my buddy here... Promise sarap matulog sa kwarto niya kaso... OFF THE RECORD na kung bakit ako nagwa-walk-out pagnatutulog sa kanila... hahaha...

Well, super expert din itong taong ito sa pagluluto... I tell you girls, grabe as in the best... hehehe.. ang sarap sarap niyang magluto... hehehe...

Siguro kung naging babae lang ako baka ako na ang manligaw dito... bakit kamo... SWEET, super maalalahanin, sarap magluto, maayos, maporma, ma-ANDA, at lahat lahat na... hehehe.. =)

Imagine sa aking 26th Birthday... sila lang ni Tatay ang aking kasama sa bahay and guess what may CAKE ako... (wag ng itanong kung bakit parang de-form ang cake... hahaha)

Kasama namin siya ni Tatay sa mga pangarap namin... na sana isang araw makapunta kami sa Beijing, sa New Zealand, Cambodia, Taiwan, Vietnam at kung saan-saan pa... =)

Hindi siya ang taong super maingay or makwento... sometimes you keep guessing kung ano ba ang nasa loob ng taong ito... pero sabi nga nya.. BAKIT AYAW MONG AKONG TANUNGIN... well, now I know... always ask him pag tahimik siya at nakatanaw sa malayo... Pero Bro sabi nga sa mga fliers dito sa Singapore: "MALAYO PA ANG BABA..." meaning wag ka daw tumalon sa building.. hahaha.. joke lang..

We shared some of his secrets also... hehehe.. o wag ng itanong kung ano, kaya nga secrets eh...

Well, I'm glad I met him also dito sa Singapore... Just like Hansel, I know time will come we will seperate our path... but even then, I'm glad na-share ko yung life ko sa kanya... I'm happy for the friendship na nabuo sa loob ng maliit na isla ng singapore...

For you Kuya Bobby, thanks for everything... I wish one day hindi mo na ma-miss si Angel mo, because I belive ma-meet mo na din siya in PERFECT TIME...

May our friendship will continue to grow...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin