Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2014

Mahina ang Signal

Makabago na ang panahon ngayon. Masasabi kong talagang hightech na tayo sa ngayon, pero alam kong darating ang panahon na mas magiging hightech pa ang pamumuhay natin. Malay mo balang araw lumilipad na talaga ang mga sasakyan! Oh! di ba! ang sosyal! Pagtinanong ka kaibigan mo kung saan ka pupunta. Sasabihin mo mag-fly lang ako sa North Pole bukas gamit ang new car ko... HONTARAY!!! sosyalan ang labanan!! bawal ang mga mahirap. hahaha.. well, atleast wala ng tatanga-tangang masasagasaan sa kalsada kasi lahat ng sasakyan ay lumilipad na. LOL! Kaso maraming magsasarang insurance company. LOL!!! (ito naman ay prediction ko lamang!) hehehe! Pero bago naging hightech ang panahon natin ngayon... dumaan tayo sa panahon na feeling natin super hightech na pero pagmagbabalik tanaw ka parang maiisip mo.. OhEMGee!!! Super BARRIO-tic ang panahon natin noon. LOL!!! Super LOW TECH galore! hahaha! Naalala ko pa ng panahon ng magkaroon kami ng TV sa aming bahay. Ay neng!! sosyalan may remote co...

Thanksgiving

Thanksgiving November na naman at syempre ito ang buwan ng Thanksgiving sa US. Infairness nakaka-miss ang Thanksgiving sa tate (US) kasi talagang pinaghahandaan ito ng lahat.. kesehodang wala ng handa sa pasko basta sa Thanksgiving dapat bongga talaga ang labanan. Kung sa amin yan sa Batangas, yun tipong halos mabaon na sa utang tuwing pista basta may maihanda lang sa lamesa para sa mga bisita... hehehe.. parang ganun ang drama ng Thanksgiving sa tate. "BONGGAHAN!!!"  Gusto-gusto ko yung BLACK FRIDAY natinatawag sa tate. Noon iniisip ko kung bakit Black Friday, dahil dapat ba naka-black ang lahat pagdating ng Friday? Ay neng noong nagpunta ako sa tate ng Black Friday doon ko na laman ang ibig sabihin... hehehehe... Jusme talagang MAGDIDILIM ang paningin mo pagdating ng Black Friday sa dami ng SALE. hahahaha!!! Kesehodang ma-excess baggage pagbalik sa SG basta makabili ng sobrang murang bilihin. hahahaha... kaskas dito, kaskas doon ng credit card... hahaha.. walang ...

Pamahiin

Title:Pamahiin Tayong mga Pinoy ang dami-dami nating mga pamahiin na talaga namang mapapaisip ka minsan kung tama ba ito o mali.  Jusme lumaki kmi sa bukid at talaga naman ang mga pamihiin pwede mo ng i-compile at gawing isang libro ng mga hokus-pokus sa sobrang dami.. Alam mo yung mga libro ng mga mangkukulam... parang ganun... pwede mo ng ilagay sa libro sa sobrang dami. Kulang na lang pagumutot ka talagang dapat mayroon na proper timing baka malas ayon sa pamahiin. kaloka!!! hahaha... Pero aminin man natin o hindi ang mga pamahiniin ay isa sa mga naghulma (mold) sa ating pagka-Pilipino. Halina't himay-himayin natin ang ilan sa mga pamahiniin na ating kinalakihan... 1.) Iwasan ng babaeng buntis na umupo sa pintuan o hagdanan dahil mahihirapan daw ito kapag manganganak. Komento: Jusme eh kung di ka talaga naglalakad-lakad at paupo-upo ka lang sa hagdaanan eh talaga namang mahihirapan kang manganak... kaloka!!! galaw-galaw neng!!! wag kang tamad ha! yan ba ang itutur...

Bully!

Ewan ko pero bakit ang mga bata lahat ng mga kalokohan sa buhay ay alam na alam nila. Ang galing magbigay ng mga codename sa mga kaklase, sa titser at sa lahat ng bagay. Halimbawa kung medyo hiwa-hiwalay ang ngipin mo (tulad ko) sasabihin.. “Exam araw-araw? one seat apart ang drama ng ngipin! bawal kumopya sa kaklase?” . Jusme bata pa lang talaga namang maagasan sa stress sa school sa mga kaklase mong bully… hehehe.. Pero ang hindi ko malilimutan sa lahat at talaga namang nagbigay buhay sa aking kabataan ang susunod kong kwento. hehehe. Halos lahat na ng pang-aalaska ng mga kaklase kayang kaya kong sakyan kaya parang boring akong alaskahin kasi wala naman makukuha sa akin. hehehe… haller knowing me numbero uno akong alaskador. Pero isang araw itong pinsan ko may natutunang kalokohan at dito ako hindi nakaligtas. Pinsan: “Oto, punta ka dine? bilisan mo.” **Oto ang tawag sa akin noong bata… pls wag nyong dagdagan ng T sa dulo OTOT na yun..** Dali-dali akong pumunta sa pinsan ...

Sando + Pekpek Shorts + Sandals = ???

Sabi nila ang mundo ay katulad ng isang malaking bukas na aklat, kaya kung hindi ka nagta-travel you will remain sa first page ng aklat ng iyong buhay. Noong panahon na nakatira pa ako sa Pilipinas pakiramdam ko noon okay na ako, sapat na ang pakakilala ko sa mundo na aking ginagalawan pero noong magsimula akong lumabas ng bansa at simulang libutin ang mundo nakita kong marami pa palang bagay ang hindi ko alam. Napakasarap maglakbay sa ibang bansa; iba’t ibang experience ang iyong mararanasan pero higit sa lahat gustong gusto ko yung kultura ng bawat bansa na aking napuntahan. Masasabi kong bawat bansa ay may kani-kanilang  kulay ang kultura. Anyway, bago patayo  pumunta sa Geography na class which is hindi yun ang topic ko ngayon ititigil ko muna ang pagsulat tungkol sa sibika at kultura. hahahaha… Hayaan ninyong ibahagi sa inyo ang kwento nakatawang kwento noong una akong mapadpad sa NY last 2012. hehehe.. It was November that year at nagsisimula ng lumamig ang panah...

Magbiro ka na sa lasing wag lang sa baliw!

Sabi nila (mga banyaga) ang Pilipinas daw ay bansa ng mga masayahing tao sa buong mundo, pero pansin ko lang parang ang daming baliw na nagkalat sa lansangan ng Maynila. hehehe.. mukhang nasobrahan ata ng saya hanggang tuluyan ng mabaliw. LOL! Noong college ako, marami akong nakikitang baliw sa kahabaan ng Taft Avenue lalo na sa may Luneta Park since katapat lang ito ng Adamson. Pero dati-rati wala naman silang pakialam sa mundo kasi may sarili naman silang mundo. LOL! Pero masasabi ko lang, ingat ka sa kanila dahil baka sa kanilang mundo isa kang halimaw at ikaw ang kanilang patayin. hahahahahaha! Isang araw matapos ang aming klase sa school sabay sabay kaming uuwi na mga taga Quezon City para masaya kami sa jeep. Di ba ganun naman talaga?! Pagmakakasama kayong magkakaibigan sa jeep for sure riot sa kwentuhan at tawanan... keber na kayo sa mga kasabay ninyo... hehhehe.. Anyway, kwentuhan kaming lahat habang naglalakad patawid sa opposite side ng Sta.Isabel na school since doon umi...

Mag-DO muna bago kumain ng saging (mga kwento sa likod ng EASTars

Wala ng cheering this year! Ito ang sabi amin. Nakakalungkot kasi ito ang nagbibigay buhay sa Sportfest. Amin man natin o hindi, ibang level ang pagiging competitive ng mga tao sa community at talagang kailangan mong i-stretch at pigain ang creative juices sa utak mo. Hindi kailangang basta-basta lang... they will push you more para mag-excel at you need to produce and di basta-basta. A month before the Sportsfest... They decided to have cheering competition again! YYeeeeeeeehhheeeyyy!!! And here is Toots the text brigade master. hahaha.. at talagang excited much!!! During our initial meeting we said na di na kami sasali if we have enough na tao since Hallerrrr!!! quota na ang age namin para mag-cheerdancer... di na kaya ng Anlene Milk para patatabayin ang aming mga maseselang buto. LOL!!! But after naming mangulit sa lahat ng pwedeng mahatak para mag-cheerdance... the usual scenario ng EAST... "Kulang sa tao!" So wala na naman choice ang mga Antiques (matatanda na!!!)...

Naku po!

Matatakutin ba kayo? Naniniwala ba kayo sa mga multo, aswang, manananggal, dwende, kapre at kung anu-ano pang mga kahayupan sa mundo. LOL! Dahil lumaki kaming wala namang kuryente sa amin at hindi pa natatayo ang poste ng BATELEC or MERALCO kaya pagkagat ng dilim ang sabi ng mga matatanda may mga lumalabas daw na mga multo at kung anu-ano pa amin. Ayaw na ayaw ko dati paginutusan ako sa gabi na pa-aakyatin ako sa 2nd floor ng aming bahay (sosyal me 2nd floor ang bahay... kaso butas naman ang sahig na yari sa kawayan. LOL). Pagakyat mo sa 2nd floor ng bahay namin nasa sulok yung aparador na may salamin. Alam mo yung pakiramdam na may dala kang ilaw na de gas tapos pagdaan mo sa harap ng salamin biglang me lalabas na nakaputing babae tapos mahaba ang buhok... wwwhhhhhhhhhaaaaaaaaa... As in ayaw na ayaw ko yun... tapos yung bigla kang tatakbo na pakiramdam mo hinahabol ka na kahit anong bilis ng takbo mo bigla mo cya makikitang nasa tabi mo... hahahaha... I HATE THAT!! Ok fine duwag na...

Ulan

Umuulan na naman sa labas. Makikita mo ang bawat patak ng ulan na bumabagsak mula sa langit. Dahan-dahan hanggang tuluyan na itong bumuhos na tila walang katapusan. Dagli akong natigilan sa aking ginagawa at lumapit sa may bintana para pagmasdan ang mga patak ng ulan. Mula sa aking pagkakatayo, wari'y tumigil ang mundo at dinala ako sa panahon ng aking kabataan. Panahon ng kamusmusan at walang kamalayan. Panahon na simple at payak ang pamumuhay. Panahon na nangangarap na isang araw titigil din ang unos at muling sisikat ang panibagong pagasa ng buhay. Naalala mo pa ba noong huli kang tumakbo saliw sa malakas na buhos ng ulan? Ang bawat butil ng ulan na dahan-dahang pumapatak sa iyong mukha. Ang bawat halakhak na namumutawi sa iyong mga labi habang nagtatakbuhan kayo ng iyong mga kalaro saliw sa malakas na ulan. Tumakbo na tulad ng malayang ibon na lumilipad sa himpapawid na tila walang kapaguran. Ito ang panahong hindi mo iniisip ang bukas at problema ng buhay. Panahon ng iyong k...

Taklesa

Taklesa ang tawag sa mga taong walang preno ang bibig kapag nagbigay ng kumento. Walang pakialam kung sino ang kanilang masasagasaan. Hindi nila alam na nakakasakit na pala sila pero para sa kanila ay wala lang. TAKLESA!!! Ikaw ba ako? hahaha... Okay fine! may mga panahon na sobra akong taklesa.. ay mali pala... ulitiin natin... Halos araw araw ay may pagkataklesa ako... LOL!!! Walang preno kung magsalita na parang umaarangkadang jeep lang ang peg?? keber kung sinong masasagasaan na pakalat-kalat sa tabi ng kalsada! hahaha! Anyway, ngayong araw na ito ikukuwento ko sa inyo ang isa sa marami kong pagiging taklesa moment... hahaha.. (please wag ninyo akong husgahan... tao lang din lang ako na may limitasyon ang aking kakayahan sa buhay.. minsan ay marupok din sa mga kahinaan sa buhay... hahahaha..) Umattend kami ng bday party ng aming kaibigan at dahil matured na daw kami.. char!!! dapat pang-adults na din ang aming mga games. LOL! Kumusta naman tequila shots ang labanan... hahahaha....

Age Gap: Pag minalas-malas talagang malas!

Isa sa mahirap na kinakaharap ng mga nakakatanda ngayon (tulad ko) yung Age Gap. Yung kung paano ka makakasabay sa mga makabagong kabataan. Minsan hindi mo maiiwasang ma-compare noon at ngayon. hehehe!!! Parang noong college kami matanda na yung ibang titser tapos hindi na sila updated sa mga latest happenings na nangyayari sa mundo kya minsan nganga ang titser sa jokes ng mga estudyante. hehehehe. At yan ang kwento natin ngayon araw na ito. Reporting: Ang paboritong ipagawa ng mga tamad na titser sa kanilang estudyante. Na-noticed nyo ba ito? Pag-super tamad ang titser wala ng ginawa kundi ipa-report ang lahat ng laman ng libro sa buong klase tapos naka-upo lang si ma'am at kinabukasan quiz agad-agad. hahaha. Anyway, mayroon kaming titser noon sa Philippine Gov't and Constitution na super terror. Alam mong minor subject lang  pero feeling ata ng titser namin mag-la-law kaming mga ComSci na estudyante. Super serious ang titser namin, kilala siya na konti lang ang pumapasa sa ...

Let's Get Physical

I remember noong bata pa ako, the best talaga ang Recess time tuwing may pasok sa school. As in feeling ko noon para akong kabayong nakawala ako sa kwadra na takbo ng takbo na walang kapaguran. Ngayon nga iniisip ko bakit nga takbo ng takbo ang mga bata eh pwede namang lumakad lang. LOL! Pero bukod sa Recess like na like as in bet na bet ko ang PE. hahaha.. (wag kayong echochera, for sure paborito din ninyo ang PE classes). Pero dumating ba sa inyo yung panahon na ang PE ang kinatatakutan ninyong klase? Aba aba aba.. Let's Get Physical na!!! hahaha.. Noong High School ako mayroon kaming kinatatakutang PE Teacher. 'Neng, sa tindig pa lang ni ma'am talagang tatayo ang balahibo mo sa kaba. First year pa lang ako takot na ako sa kanya at umaasa akong hindi ko na siya magiging teacher sa mga susunod na taon. hahaha.. Hindi naman mukhang halimaw si ma'am, actually mukha siyang Kastila. Yung tipong masusungit na Kastila na pagnilalamig bigla na lang sisigaw: "SIMANG!...

Healing

Napansin ko lang na puro kalokohan ang sinusulat ko sa blog ko kaya siguro iniisip ng ibang tao puro katarantaduhan lang ang alam ko. hahaha.. Today, i-try kong sumulat ng medyo matinong bagay tungkol sa aking buhay. Noong nagdaang Sabado, sobrang sakit ng ulo ko bago kami pumunta sa bday ng anak ng isang kaibigan namin. Siguro dahil medyo mainit sa labas kaya sumakit ang ulo ko. Ako kasi yung taong kahit sobrang sakit na pinipilit ko pa din kayanin kaya sometimes akala ng iba okay pa ako pero in reality sobrang bad na ng aking pakiramdam. Isa lang ang aking reason kung bakit: Kung nasasaktan ako, kailangan ko din saktan ang sakit ko… LOL!!! na-gets nyo ba? hahaha… For example mayroon akong singaw, dahil sobrang sakit minsan lalo kong kinakagat util dumugo. LOL!!! MASOKISTA ba ang tawag doon? hahaha..  Eh bakit!? ako lang ba ang may karapatang masaktan? Dapat pati yung sakit ko masaktan para patas kami. LOL!!! **Weird pero totoo!** Anyway, noong sa bahay na kami ng kaibigan...

Birit sa Magdamag

  "Uyy Kulasa, pumunta ka nga dito! Alam mo ng nandito ang mga tiyahin mo kung saan-saan ka nagpupunta." ang sigaw ng kanyang ina. "Punta ka na sa harapan tapos kantahin mo yung kanta ni Celine Dinyun. Sige na, wag ka ng mahiya!" ang pilit ng ina ni Kulasa habang proud na proud sa anak. Nakakarelate ba kayo sa scenario na ito? Yung tipong sapilitan kang pakakantahin sa harap ng mga kamag-anak nyo. Sasabihin sa'yo.. KANTA... SAYAW.. TULA.. TAMBLING.. CHARTWHEEL... jusme kahit anong talento ipapagawa sa'yo na para ka lang magic tricks o puppet. hahahaha.. Pero ikaw naman pabibo din naman... hahaha.. susunod ka din!! UTO-UTO!!! hahahaha! Nang magsimula akong magtrabaho sa Singapore, dito ko napagtanto na ang tingin nila sa mga Pinoy ay walking Entertainment Showcase. "You Pinoy ah! Can sing and dance mah! so good leh! why ah?" (Tayo daw mga Pinoy, bakit daw tayo magaling kumanta at sumayaw). hahahaha... Parang pagkumanta ka sa simbahan.. w...

TAYTAY

Alam ba ninyo ba kung saan ang Taytay? Sa mga hindi pa nakakaalam sa Rizal province po ito. hehehe.. Ang susunod kong kwento ay hindi tungkol sa lugar na Taytay pero medyo malapit na ng konti. hahahaha..! Noong nag-aaral ako sa Maynila, pagumuuwi ako ng Batangas sumasakay lang ako ng bus sa Kamuning kasi wala naman kaming sasakyan noh.. jusme! pambayad nga sa tuition hirap na hirap kung saan kukunin… nangangarap pang magkaroon ng sasakyan? umaambisyon ang lolo mo? wag ganun! wag masyadong etchochera. LOL!  Pagbalik ng Maynila, pumapara lang bus sa kanto-kanto ng Tanauan. hahahaha… di uso ang bus stop neng… keri lang ikaway ang kamay tapos stop agad ang bus… hehehe.. pero ang mahirap lang dahil wala namang terminal ng bus sa Tanauan kaya pagdumaan ang bus from Batangas… jusme halos pagumuuwi kami… kapit lagi kami sa istribo. hahaha… imagine Tanauan-Manila… standing oblation (ovation) lang peg… parang UP lang!! ganun? Jusme kaya siguro malalaki ang aking binti kasi sanay sa m...

Huwag mong buhayin ang bangkay

Naala-ala nyo pa ba yung movie nina Jestoni Alarcon at Rita Avilla na Huwag mong Buhayin ang Bangkay?  Parang blog lang na ito. LOL! Namatay na pero nagbabalik loob ulet. hahaha!!! Halina't muli ninyong saluhan ang aking makitid na pagiisip... At sana ay hindi na ako tamarin magsulat ulet... hehehe.. nakakapagod kayang mag-isip ng story everyweek... Hindi ako makapaniwala since 2006 pa ako nagsusulat ng mga kalokohan ko sa buhay. hahaha.. Kung hindi lang sa ads sense di ko ulit ito bubuhayon... hehehehe... sana naman ay kumita ako dito sa aking kalokahan noh.. hehehehe.. kaya please share it with your friends or just open it everyday... hehehehe.. the more open this site the more chances of winning.. hahaha... Yun muna.. Thanks for visiting this site. hehehe

Anne-Bisyosa

Sa buhay natin dumarating yung tipong nangangarap tayo na alam naman nating di kya ng ating powers. Iyong kahit kapeng barako di ka na tatablan ng nerbiyos sa dibdib. LOL! AnneBisyosa lang ang peg?! Kape-kape din para kabahan pag may time! hahaha!!! Pero ganun pa man hindi natin maiiwasan na hindi dumaan ang ganitong pagkakataon sa ating buhay. Sample: Yung iba alam ng matigas ang kanilang katawan na kailangan ng ibabad sa kumukulong tubig pero GO pa din sa pagsayaw. (Renie Arcega ikaw ba ito? LOL!!!) Anyway, bata pa lang ako ay talaga namang wagas na aking Anne-Bisyon: Ang magkaroon ng katawang kanasa-nasa. LOL!!!  Yung tipong pagnaghubad ka ng damit sa ilog mapapa-tawit-wit ang makakakita sa iyong katawan na parang sinampalukan. (imagine hitsura ng sampalok... may curve-curve na parang muscle). LOL! I think, I was 22 ng mag-Anne-bisyon ako ng wagas kaya naman ng may mag-alok sa aking ng gym membership sa Kamuning, QC nag-sign-up agad ang mokong. hahaha. Pikit mata pa akong na...

Bantay Bata 163

Bago pa nagkaroon ng Bantay Bata 163, meron ng Humanda ka sa tatay mo Mamaya.hahaha!!! Sa mga kabataan ngayon siguro hindi na nila ito na experience pero masayang balikan yung panahon kung paano dinisiplina ng mga magulang ang kanilang mga anak. Halina't samahan ninyo akong silipin ang mga kahindik-hindik at nakakapangilabot na Humanda ka sa Tatay Mo Mamaya hotline. 1.) Tsinelas - nagbibigay ginhawa sa mga paa sa tuwing ikaw ay lumalakad sa labas, mapa-Rambo o Spartan naman yan. Pero anong daling isuot sa paa, siya din daling ipalo sa pwet ng batang matigas ang ulo at iyak ng iyak. hahaha... Yung tipong hahawakan ang bata sa braso sabay palo ng tsinelas sa pwet habang umiiyak ang bata. LOL!!! Classic na classic ang peg. INTENSITY: Hindi ito nagmamarka ng halukay ube sa pwet pero ang kakahihiyan mo sa kalaro mo yun ang mag-mamarka sa kanila dahil sa susunod na maglaro kayo sasabihin sa'yo: "ahh napalo sa pwet.. pwet pwet pwet.." hahaha!! 2.) Kurot at Patilya...