Bantay Bata 163
Bago pa nagkaroon ng Bantay Bata 163, meron ng Humanda ka sa tatay mo Mamaya.hahaha!!! Sa mga kabataan ngayon siguro hindi na nila ito na experience pero masayang balikan yung panahon kung paano dinisiplina ng mga magulang ang kanilang mga anak. Halina't samahan ninyo akong silipin ang mga kahindik-hindik at nakakapangilabot na Humanda ka sa Tatay Mo Mamaya hotline.
1.) Tsinelas - nagbibigay ginhawa sa mga paa sa tuwing ikaw ay lumalakad sa labas, mapa-Rambo o Spartan naman yan. Pero anong daling isuot sa paa, siya din daling ipalo sa pwet ng batang matigas ang ulo at iyak ng iyak. hahaha... Yung tipong hahawakan ang bata sa braso sabay palo ng tsinelas sa pwet habang umiiyak ang bata. LOL!!! Classic na classic ang peg.
INTENSITY: Hindi ito nagmamarka ng halukay ube sa pwet pero ang kakahihiyan mo sa kalaro mo yun ang mag-mamarka sa kanila dahil sa susunod na maglaro kayo sasabihin sa'yo: "ahh napalo sa pwet.. pwet pwet pwet.." hahaha!!
2.) Kurot at Patilya - magkaibang uri pero wagas ang hapdi. LOL!!! Ang kurot sa tagiliran at singit ng mga matutulis na daliri talaga namang nakakapa-ihi. Ngunit pagsinamahan pa ito ng patilya.. 'neng I'm telling you... susunod ka sa lahat ng iuutos sayo kahit ayaw mo pa. Pagsinabi sa'yo kung uulet ka pa... Kahit gusto mo pang ulitin sasabihin mo na lang.. HINDI NA POW!!! sabay atungal!!! hahaha..
INTENSITY: Kurot - naguube at minsan ay may naiiwang scratch.
Patilya - nakakaubos ng buhok sa tabihan ng tainga pagminalas-malas ka. LOL!!
3.) Kawayan/Patpat - ito yung tipong nasa bukid kayo tapos inutusan kang umuwi sa bahay at kunin ang ganito at ganyan... at dahil ayaw mong sumunod, kung anong makuhang kahoy ng iyong tatay o nanay bigla na lang ipapalo sayo. LOL!!! WAPAK na WAPAK! Tapos magdadabog ka pa pero tuloy pa din ang palo sa'yo ng walang humpay hanggang umuwi at sumunod na lang in the end. LOL!
INTENSITY: Masakit at naghahalukay ube. Pero ang masama pa dahil sa pag-iwas mo sa palo makakatapak ka pa ng tae ng baka o kalabaw.. Yung ang pinaka-bwisit sa lahat. hahaha. Double Malas!!!
4.) Sinturon ni Hudas - kailangan ng flat na lugar para maisagawa ang ritwal. Ang lamesa ang pinaka-perfect offering place sa Sinturon ni Hudas. Pero instead na puting damit ang isusuot mo para pure na pure ang dating mo, yung iba notebook ang isinusuot sa loob ng pantalon. hahahaha. Padadapain ka sa table sabay palo. Jusko po Lord ang sakit! hahaha. Bawat lagapak ng sinturon sa pwet mo mapapagat labi ka sa hapdi.
INTENSITY: UBE ALL OVER!
5.) Reverse Sinturon ni Hudas - kapareho ito ng Sinturon ni Hudas pero this time yung buckle ang dadampi sa pwet mo. Neng kahit may notebook pwet mo hindi kakayanin ang intense ng reverse sinturon ni hudas. LOL! Ito ay isinasagawa kung ang iaalay sa lamesa ay talaga namang pasaway na at may katigasan ang ulo award. LOL!
INTENSITY: UBE ALL OVER + Buckle markings.
6.) Squat - kung ngayon ang mga bata may tinatawag na time-out noong panahon namin ay squat. Walang kailangang materyales para maisagawa ang hokuspokus na ito. Pupunta ka sa isang sulok tapos sabay squat hanggang manginig ang iyong kalamnan. hahaha! Mabisa ito sa mga gustong magpapayat pero pagbata ka hindi mo naman gustong pumayat davah! gusto mo lang tumakbo ng tumakbo.
INTENSITY: Masakit sa braso at sa legs. Walang damage na halukay ube pero pagkatapos mong mag-squat nginig ang iyong kalamanan.
7.) Tampal - iba ito sa Sampal ngunit pareho ng proseso ng pagsasagawa. Kung ang sampal ay sa pisngi ang tampal ay sa nguso. hahaha.. Para ito sa mga batang masyadong madaldal at sagot ng sagot sa magulang. Kung ngayon ine-encourage ang batang magexpress ng sarili kami noon BAWAL kung ayaw mong matampal. hahahaha.
INTENSITY: Pagminalas-malas ka putok nguso ang peg mo neng at kung me umaalog kang ngipin at malakas ang pagkakatampal sa'yo.. libre bunot minsan dahil laglag ang ngipin mo. :D well atleast libre dentista. hehehe..
8.) Squat with Bilad araw - naranasan ko ito noong Grade 1 ako. Buong klase namin pinalabas at ibinilad sa ilalim ng araw habang naka-squat. Imagine mga 6 at 7 years old na mga bata naka-squat tapos bilad sa tirik na tirik na araw.. kumusta naman ang child abuse? hahahaha... Anyway hanggat hindi ka tumitino at tumatahimik hindi ka papasukin sa klase at dahil duguin ang aking ilong noong bata pa ako... Rene (ito ang tawag sa akin sa aming nayon) - pasok ka na sa room. LOL!! Takot titser ko sa aking dumudugong ilong. hahahaha...
INTENSITY: Nginig na kalaman + Sun burn. LOL!!! Kaloka hitsura namin noong bata.. para talaga kaming mga dugyot. LOL!
9.) Luhod - dalawang uri ito: Luhod with or Luhod without. Swerte mo kung Luhod without lang, andoon ka lang sa isang sulok at nakaluhod habang nakadipa ang dalawang kamay at umiiyak ka. Pero pag-luhod with.. ahhh... ibang level ito neng.. Nakaluhod ka sa bilao na may either ASIN or MONGGO (Balatong). Kaloka talaga ito as in torture galore na bongang-bonga.. Imagine mo masakit ng nakaluhod lang tapos lagyan ng Asin or Mongo.. kumusta naman ang sakit sa tuhod neng... at talagang misan too the highest level pa na may libro sa dalawang palad mo at saka sa ulo mo... as in!! at bawal maglaglag kung ayaw mong ulitin from start ang torture na ito.
INTENSITY: Duguang Tuhod, Nginig na kalamanan, at puno ng poot sa dibdib. hahahahaha... Jusme pagdi ka naman nagtanim ng sama ng loob sa gagawa sa'yo nito.. Yung tipong habang nakaluhod ka ay dahan-dahan mong binabalatan ng buhay ang gumawa sayo. hahahaha... **morbid lang ang peg?**
10.) Pabitin - parang ganito yan: Now You see.. Now you don't. hahahaha!!! Pag-NOW YOU SEE, itatali ang dalawang paa mo ng patiwarik. hahaha... tapos hahayaan kang nakatiwarik hanggang hindi mo sinabing magbabago na po ako. hahahaha... Pag naman NOW YOU DON'T, ilalagay ka sa loob ng sako (sack) tapos saka ibibitin patiwarik. Jusme imagine mo naman halos di ka na makahinga tapos nakatiwarik ka pa. hahahaha.. ewan ko lang kung di ka pa magbagong buhay pagnaranasan mo yan. hahaha.
So far, yun ang ilan sa mga naalala kong mga 'simpleng' parusa sa amin noong bata pa kami at saka awa ng Diyos konti lang ang naranasan ko dyan at hindi ko sasabihin kung ano.. hahahahaha... pero hinding-hindi ko makalimutan na sabi ng inay: "MAKUHA KA SA TINGIN!!!" Neng, pag may mga bisita sa amin at medyo nagummarte na ako titingnan lang ako ng inay o mga kapatid ko.. TIKLOP na agad ang pakpak ko.. hahahahaha.. kasi kung hindi ako titigil makakatikim ako ng either isa sa mga nasabi ko sa taas. hahahaha... so kaya good boy na lang ako noong bata.. LOL!!! Mahirap ng kung puro peklat ang kutis di ba? Mahal mag-maxi-peel...hahahaha..
Masasabi kong may mga maganda naman naituro ito sa mga bata noon, yung igalang ang kanilang magulang ng higit sa lahat. hehehe... Pero kaloka naman ang ibang magulang kung maka-abuso ng anak.. OA na minsan...parang punching bag lang ang kanilang anak. hahahaha... Kung may Bantay Bata 163 na siguro noon baka punong-puno na ang mga bilanguan sa mga probinsiya. LOL!
#bantay_bata_163
#parusa
#kwen2niernie
Mga Komento