Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [ENDING]
Chapter 12 Itinaas nya ang kanyang dalawang kamay saka nasumigaw ng: "TONIO!!!" Nabalot ng kaba si Ding sa kanyang nadinig at halos himatayin siya ng tumambad sa kanyang harapan ang kanyang pinakamamahal na si Tonio. "Shit!" ang tanging namutawi sa bibig ni Ding habang pinagmamasdan si Tonio. "Kailan pa ito? Paano nangyari?" Halos litong tanong ni Ding kay Tonio. "Naalala mo pa ba ng sasabihin ko sa'yo na may iba akong nararamdaman ng mga nag-daang araw? Noong huling araw tayong gumawa ng assignment sa inyo? Nang pauwi ako sa amin, nakita ko ang isang bulalakaw na pabagsak sa may bukid kaya dali-dali kong sinundan. Isang maliit na bato na kulay asul ang aking nakita at dahil sa pagiging makulit ng iyong kaibigan kaya kinuha ko. Nang aking hinawakan, parang sinasabi niyang isubo ko ito at wala akong nagawa kundi lulunin ang bato. Mabilis ang mga pangyayari tumatakbo ang isip ko at alam niya ang dapat gawin. Sinasabing sumigaw lang ...