Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 6]

Chapter 6

Dagling nagsibaba ang mga sakay ng jeep at pawang nakaupo sila sa kalsada... samantalang ang mga tao sa kalapit na bahayan at pawang nagtakbuhan palabas.... Sa may kalayuan ay may mga bahay na nagco-collapse dahil sa sobrang lakas ng lindol.

Habang nagkakagulo ang lahat, naramdaman ni Ding ang pag-init ng bato sa kanyang bulsa kaya patago siyang tumakbo sa bahay na malapit sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang inilabas ang bato sabay sigaw ng: DIVHA-DING!!!
Mabilis na lumipad si Divha... Hindi pa siya nakakataas ng lipad isang malakas na suntok ang sumalubong sa kanya na nagpalaglag sa kanya sa lupa. Halos magulat ang mga tao sa kanilang nasaksihan habang patuloy ang malakas na lindol.

Patayo si Divha ng biglang may sumipa sa kanya na siyang nagpatalsik sa kanya. Halos duguan na si Divha ng makabangon, ngunit di pa din niya makita ang kanyang kalaban. Buhat sa kanyang pagkakatayo, mabilis siyang lumipad pataas. Nang biglang may lumabas sa kanyang harapang di pagkaraniwang nilalang. Malaking lalaki na may anim na kamay na pawang mga maskulado at halatang sanay sa pakikipaglaban. Wala siyang mata sa mukha ngunit buong katawan niya ay puno ng mata, at bibig na puno ng pangil na tila ngipin ng pating. Isang kamay nito ay may dalang tila isang malaking maso at sibat naman sa kabilang kamay.

Isang malakas na palo ng maso ang iginawad nito kay Divha na nagpatumba muli dito.

“Ako si Sivar, narito ako para patayin ka...”

Halos di na makatayo si Divha ng mga oras na yun, ngunit pilit siyang tumayo sa pagkakahiga sa lupa.

Pinagdakip-palad niya ang kanyang mga kamay at pumikit siya na tila nagdarasal... Dagling nag-apoy ang kayang hawak na tungkod saka siya sumigaw ng: “FIRE!!!” Tila isang mabilis na shooting star ang lumipad buhat sa globo ng kanyang tungkod patungo kay Sivar. Ngunit mabilis nanakailag ito sa apoy na ibinato ni Divha.

“Akala mo ba matatalo mo dyan? Heto ang sa’yo!” ibinato ni Sivar ang sibat sa kabilang kamay niya patungo kaya Divha. Habang mabilis itong papalapit kay Divha, bigla itong dumami na pawang nagnagliliyab. Mabilis na lumipad si Divha ngunit saan man siya tumungo ay patuloy ang pagsunod ng mga nagliliparang mga sibat sa kanya. Malalakas na tawa ang binitiwan ni Sivar habang tigil na ang malakas na lindol sa baba andun ang mga tao na pawang nakatingala sa langit.

Kung anong bilis ng lipad ni Divha, ganun din ang bilis ng lipad ng mga sibat ni Sivar... Buhat sa harapan ni Divha nakita niya si Sivar na tumatawa habang pinagmamasdan siya. Mabilis na lumipad si Divha palapit kay Sivar saka siya pumaimbulong nang pataas, na siya namang ikinagulat ni Sivar, huli pa para makaiwas si Sivar mula sa padating ng mga sibat na pawang bumaon sa kanyang katawan.

Mula sa baba kita-kita ng mga tao ang nagliliyab na katawan ni Sivar hanggang tuluyan itong maglaho sa hangin.


Duguan pa din si Divha mula sa suntok at malakas na palo ng maso ni Sivar. Inikot niya ang kanyang tungkod na tila nagda-drawing ng isang malaking letter – O, saka niya sinabing: “Luntiang ipo-ipo!!!” Mabilis na nabalot ang buong katawan niya malakas hangin na may kasamang mangilan-ngilang mga dahon. Matapos ang ilang sandali muling namumbalik ang lakas niya at wala na ang mga sugat sa kanyang katawan.

itutuloy...

#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin