OLI (Chapter 6)

Chapter 6

"Mars gumising ka na! Malalate ka na!" wika ni Jane habang nagaayos ito ng sarili.
"Oh my!!! 5am na!" sabay kuha ng tuwalya para pumasok ng toilet.
"Mukhang happy happy ang lola natin today at napasarap ng tulog. Kwento naman dyan.!"
"Naku Mars hintayin mo akong makatapos kwentuhan kita habang kumakain tayo ng agahan."
"Ay BETchina ko yan..go gurl! wait kitang matapos maligo."

Ikinuwento ni Trish ang una nilang pagkikita ni Oli. Kung saan sila nag-date at saan ito galing na pamilya. Pareho silang kinikilig sa bawat kwento ni Trish.

"Oh my god gurl! ikaw na talaga ang itinadhana! nasa iyo na ang lahat! grabe ang haba ng buhok neng as in! nasasampal ako sa sobrang haba!"
"Well sana ito na nga. Syempre hindi ko pa din naman masasabi kung kami talaga kasi unang date pa lang naman namin. At saka ayaw ko ding ma-jinx, Jusme tulad ng dati kong boyfriend na akala ko kami na forever as in hashtag mayforever nauwi din sa hashtag walangforever. At saka again, madami pa akong pangarap na bituin sa pamilya namin."
"Sabagay as long as wala pang kasal hindi mo pa din masasabi na forever di ba? Minsan nga kasal na naghihiwalay pa!"
"TRUTH!!! as in malaking Truth friendshiff!"

Matapos ang kanilang kwentuhan ay sabay na silang umalis ng bahay para pumasok sa kani-kanilang trabaho.

Buong araw na abala si Trish kaya parang ang bilis dumaan ang oras. Wala naman silang usapan ni Oli pero umaasa siyang magkikita muli sila ng binata. Habang pababa siya ng kanilang opisina ay nakatanggap siya ng sms.

"Trish kailan na tayo mag-meet? Still busy?"
"Hi Faye, sorry a little bit busy recently pero I'm doing fine. How about sa weekend? Kape tayo tapos kwentuhan."
"Gusto ko yan. Sige kita tayo sa MOA para maka-shopping tayong dalawa after that. Sale ang SM sa weekend."
"See you Faye. Miss you so much and wait for my kwento and excited din ako sa kwento mo about your boyfriend."
"See you gurl. Miss you too. mmwwhhhaaa!"

It's been a while na din silang di nagkikita din Faye dahil sa trabaho pero once in a while they keep in touch kahit tawag or sms para maka-update sila sa isa't-isa.

Habang naghihintay si Trish ng jeep mula sa kanyang pinapasukang trabaho ay natanaw niya si Oli na papalapit sa kanya habang may dala itong isang bulaklak ng sunflower. Malayo pa lang ito ay bakas na ang saya sa kanyang mga mata ang ngiting halos makatunaw ng puso. Samantalang si Trish ay hindi maitago ang saya at kaba na tila gustong kumawala ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib.

"Sunflower to make someones day brighter!"
"Thank Oli sa flower sana di ka na lang nag-abala." wika ni Trish na hindi maitago ang ngiti sa kanyang mga labi.
"You're welcome. Can I invite you for a dinner? or coffee may be?"
"Oo naman. Thank you for the invitation Oli."
"It's always my pleasure."
"But this time it's my treat, okay? Wala ng pero-pero but sa food court lang tayo ha! Doon lang kasya ang aking budget." sabay ngiti nito sa binata.
"You're the boss, actually kahit fishball o queck queck with sago't gulaman sa kanto pwedeng-pwede ako." sabay ngiti kasabay ang paglabas ng kanyang dimple sa kaliwang pisngi na malapit sa kanyang dalawang nunal sa mukha.
"Gusto ko din yan. Actually pag wala kaming ginagawa ni Jane yung housemate ko minsan nandoon lang kami sa may labasan kung saan mo ako inihahatid tapos naghihitay kami ng fishball." wika ni Trish na may halong ngiti.

Sa isang carinderia na malapit sa kanilang opisina, doon sila nakakita ng kanilang kakainan since wala masyadong tao ng mga oras na iyon.

"Kwentuhan mo naman ako ng buhay sa probinsiya? Anong meron doon? I never been sa province since dito na kami sa Manila lumaki at both ng parents namin from Manila na din at hindi na umuuwi sa kanilang provinces. After ng High School ko naman nag-moved na ako sa US to study so wala akong idea ng life sa province except sa movies or tv lang." wika ni Oli habang pinagmamasdan nito si Trish.
"Wala naman special sa place namin. As I've said; magsasaka lang ang parents ko so we live sa gitna ng bukid but I love the view ng place since malapit na ilog at bundok. Yun I guess ang isa sa na-mi-miss ko sa probinsiya. Dito kasi sa Manila sobrang usok at siksikan at parang nagmamadali ang lahat ng mga tao. Sa province kasi sobrang slow pace ng buhay. Yes mahirap ang buhay but if masipag ka naman na magtanim sa bukid for sure hindi ka magugutom. If kaya lang talaga ng parents kong mapag-aral sa okay na school ang mga kapatid ko baka hindi na din ako umalis ng province. Iba kasi pagkasama ang family."
"It's true, iba talaga pagkasama ang family. If you have time, give them a call just to say Hi and I love you or I miss you or if you have extra money suprise them na uuwi ka na hindi nila alam. Life is so short. Spend quality time with your family because you never know."
"Aww.. knock on the wood! wag naman sana. As much as possible naman tumatawag ako sa family ko just to give them updates but knowing we live sa bukid mga 80% walang signal so pahirapan maka-contact sa kanila. Eh ikaw naman, tell me about your life sa US."
"I think sa simula mahirap maybe because of language barrier kahit sabihin natin na we can understand and speak ng English pero may certain accent tayo na sometimes hindi maunawan ng ibang lahi but since we are Pinoy madali naman naka-adopt sa ganoon na environment. One thing as well akala ng mga tao if you're living abroard mayaman ka na but in reality we are struggling maybe gusto lang ng parents namin na magkaroon kami ng good education and exposures kaya kahit mahirap they tried na makapag-aral kami sa US. I tried to work while studying and my parents having double jobs para lang maka-survive but the good thing is magkakasama kami atleast I have a support ng family ko."
"Iba talaga pag nandyan ang family mo sa tabi mo kasi kahit anong mangyari someone will be there to guide you."
"That's true. Tell me about your past relationships, if you don't mind." sabi ni Oli habang excited na naghihintay sa kwento ni Trish.
"Hmmm... paano ba? Ganito na lang, I loved and trusted someone and I thought kami na forever but in the end iniwan niya ako for another girl. Maybe ganoon talaga pag una kang nagmahal napaka-ideal ng lahat, akala mo kayo na talaga but in the end hindi naman pala. Since then, takot na akong ma-inlove ulet kasi mahirap masaktan lalo na't ikaw yung iiwan."
"But take it as a learning curve. Isipin mo na lang kahit niloko ka ng mokong na whoever he is; kahit paano he taught you something para mas lalo kang maging strong ang wiser di ba? And besides perfect one will come into your life in a perfect time. Who knows, maybe nandyan lang siya somewhere and waiting for you." sabay ngiti kay Trish.
"Hhhhmmm.Oh well sana nga. Bakit hindi kaya ikaw naman ang magkwento ng lovelife mo? Don't tell me wala kang naging girlfriend sa US."
"I had two ex-girlfriends. Yung isa Irish national and the other one was American. Both are really okay it's just hindi kami match, maybe because iba ang culture nila sa ating pinoy. Masyadong liberated sila and I want someone sana with the same values ng Pinoy. After I had two failed relationships I stopped na din kasi iniisip ko baka pinipilit ko na lang ang sarili ko to have someone. So right now I'm single and waiting for the perfect one but I don't know if ma-meet ko pa ang perfect one for me."
"Bakit naman? Baka naman masyado kang choosy kaya hindi mo nakikita?"
"I'm not choosy actually. I'm not after the looks but more on character and values at saka mararamdaman mo naman yun if that perfect one is nandyan na."
"So do you think that someone is wala pa as of now?"
"I met this someone in a very weird situation and I don't know if I need to pursue it. I really like her but I don't know if she likes me. I feel so alive pagkasama ko siya and right now feeling ko she's the only one giving me the purpose to stay. I want to tell my feelings to her but I'm afraid that I might hurt her in the end. Maybe oneday if I have a courage masasabi ko na din sa kanya. And I hope she will accept me as I am."
"Whoever yung girl na yun for sure napaka-swerte niya to have someone like you." wika ni Trish na tila may kurot sa kanyang puso.

Matapos silang kumain ay umuwi na din sila. Hindi na din nagpahatid sa kanilang inuupahang bahay si Trish kahit nagpupumilit pa si Oli. Sa kanya ay sapat na yung nadinig niya mula sa binata. Masakit kasi umasa siya sa isang bagay na hindi naman pala para sa kanya. Pero ganun pa man wala naman siyang karapatang magalit sa binata dahil wala naman itong sinasabi sa kanya na kahit anong bagay patungkol sa pag-ibig. Matapos ang gabing iyon ay ititigil na din niya ang kung ano mang kabaliwan niya kay Oli. Mabuti na ito habang maaga kaysa dumating siya sa puntong mahal na mahal na niya ang binata pero sa realidad ay hindi naman pala kaya nitong tumbasan ang kung ano man ang kanyang nararamdaman dito.

itutuloy...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin