OLI (Chapter 8 - Ending)

Chapter 8

Mula sa kanilang kinauupuan tanaw ni Trish ang bawat galaw ng puno sa baybaying dagat saliw sa banayad na ihip ng hangin. Hindi niya alam ang kanyang gagawin sa nadinig niya sa kaibigan. Gusto niyang umuwi at magtago sa loob ng kanilang kwarto. Pero kailangan niyang lakasan ang kanyang loob at harapin kung ano man ang naghihintay na katotohanan.

"Trish okay ka lang?" tanong ng kaibigan.
"I'm okay! I'm just curious sa lalaking gusto mong ipakilala sa akin that time. May picture ka ba niya?" tanong ni Trish.
"Ay teka, I think meron ako dito noong dumating siya from US at sinalubong namin siya sa airport."

Kinuha ni Faye ang kanyang cellphone saka iniisa-isa ang mga larawan na naka-save sa album nito. Bawat scroll sa screen ng cellphone ni Faye ay tila gustong kumawala ng puso ni Trish sa kanyang dibdib sa kaba.

"Heto oh! Siya yung naka t-shirt na guy katabi ng sister niya at saka si Vic."
"Oh my!" ang tanging nabanggit ni Trish habang tinatakpan niya ang kanyang bibig.

Puting t-shirt at pantalong maong. Matangkad na lalaki na nakangiti na labas ang dimple sa kaliwang pisngi na malapit sa kanyang dalawang nunal sa mukha. Pantay-pantay at mapuputing ngipin. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking sumagip sa kanyang buhay.

"Uy! Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo dyan? Ang pogi di ba?" wika ni Faye habang pilit niyang magbiro sa kaibigan.
"Faye anong pangalan niya?" ang tanging nasagot ni Trish.
"Oli... Oliver Mendez!"

Tila tumigil ang ikot ng mundo ng oras na yun. Ang salitang Oliver Mendez ay paulit-ulit na tumatakbo sa loob ng kanyang isipan na tulad ng isang kampana na ayaw matapos-tapos sa pagtunong sa dambana. Hindi niya namalayan na umaagos na ang mainit na luha mula sa kanyang mga mata. Ang kanyang isipan ay tila tumatakbo sa isang thread mill na kahit gaano siya kabilis tumakbo ay hindi matapos tapos.

"Uy! Trish ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba umiiyak?"

Walang lumalabas na kahit anong salita sa kanyang bibig at tila tulala siya sa kawalan.

"Trish! tumingin ka nga sa akin! Tell me! Ano bang nangyayari sa'yo?" ang pilit ng kaibigan kay Trish.
"Faye! tell me if this is just a dream."
"Ano ka ba! Ano bang pinagsasabi mo dyan."
"I'm so sorry friend. Bigla kasing bumalik sa aking ala-ala yung lalaking tumulong sa akin last time. Kamukha kasi niya ang nasa picture." ang pilit na pagsisinungalin ni Trish sa kaibigan.
"Hay naku girl. Hayaan mo na yung mokong na yun. Hindi siya kawalan."
"Sorry talaga. Maybe padating din ang period ko kaya medyo emotional ang kaibigan mo." wika ni Trish na pilit ngumiti sa harap ng kaibigan.

Ilang oras pa silang nagkwentuhan ni Faye at tuluyan na silang naghiwalay. Gusto niyang magkwento sa kaibigan tungkol kay Oli pero hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ayaw naman niyang mapagkamalan siya nitong nawawala na sa sarili kaya minabuti na lang niyang tumahimik. Iniisip din niya na kung magtatanong ang kaibigan sigurado na wala din siyang maisasagot dahil kahit mismo siya ay hindi niya alam ang sagot sa mga katanungan sa kanyang isipan.

Gusto na niyang umuwi para makapagpahinga at makapag-isip pero ayaw din niya ang tahimik na kwarto nila ni Jane dahil pakiramdam niya ay lalo siyang mababaliw kung mag-isa lang siya. Hihintayin na lang niyang dumilim para kahit paano pagdating niya sa bahay ay may kasama na siya, kaya minabuti muna niyang umupo sa isang coffee shop malapit sa mall.

Mula sa kanyang pagkakaupo ay natanaw niya si Oli na papalapit sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin ng mga oras na yun. Gusto ko niyang tumayo at umalis pero gusto din niyang madinig ang sasabihin ng binata. Gusto niyang matuldukan ang kung ano ang mga naglalaro sa kanyang isipan ng mga oras na 'yun.

"Hi! Pwede bang umupo?" ang bati ni Oli.

Hindi na nakasagot si Trish pero hinayaan niyang umupo si Oli sa kanyang harapan.

"Paano mo nalaman na andito ako?"
"Nakita kitang tumatawid sa kalsada kaya sinundan kita."
"Oli please... hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa'yo today. I have so many questions right now and I don't know if tama bang itanong."
"Tell me... I might have answers to your questions but whatever my answers I want you to listen to me."

Tumingin sa mata ni Oli si Trish na sila nangungusap.

"Are you the cousin of Vic?"
"Yes"
"Are we supposed to meet last 14-Aug-2015?
"Yes"
"Did you met an accident that day?"
"Yes, and if you will ask me kung namatay ako? Yes! I died during that accident."

Hindi halos makapaniwala si Trish sa kanyang nadinig. Hindi niya alam ang kanyang magiging reaction sa mga sinabi ni Oli. Tila natuyo ang lahat ng laway sa kanyang lalamunan. Natatakot siya pero hindi niya kayang gawing iwan ang binata.

"Trish, listen to me. I know madami kang questions sa mind mo and same here I have so many questions too but I want you to listen first. This is very important to me and I hope after this we will both find peace and answers sa mga questions natin. The moment I met the accident I saw myself lying along the road kung saan ako tatawid ng daan going to the bar para i-meet ang cousins ko then I saw bright light. The next thing na nangyari, I was standing sa isang eskinita habang may dalawang lalaking hinihila ang isang babae. I really don't know kung anong gagawin ko that time. I was confused and I don't know ang nangyayari. Maybe adrenalin rush when I grabbed yung isang guy na humihila sa'yo that time. Remember the moment we touched each others hand? I felt so alive that time. That moment, I knew there was a reason kung bakit tayo nagkita but the questions is kung ano yung reason na yun. I watched you several nights while you were sleeping. I don't know for all the people ikaw lang ang nakakakita sa akin. Maybe you never noticed but people are looking at us pag magkasama tayo pero they are looking at you because you are talking alone. Remember hindi tayo nagkita for more 40days? That's because I was spending time with my family. My parents and siblings flew all the way from US para sa aking libing and after 40days bumalik na sila sa US except my brother who decided na mag-stay muna dito sa Pinas. I saw ang agony ng family ko pero mas affected ang brother ko since we are so close to each other. Everytime nagkikita tayo I can feel the happiness and I feel na parang buhay pa din ako kaya I'm always excited to see you. I know we had misunderstanding the last time but I want you to know that someone na sinasabi ko is you. I'm afraid to tell you kasi ayaw kong masaktan ka. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito. Hindi ko alam na baka bukas o mamaya o ano mang oras bigla na lang akong mawala hindi na tayo magkita. Ayaw kong maexperience mo ulit ang dati mong na-experienced sa dati mong kasintahan. Ayaw kong makita kitang masaktan isang araw. Ayaw kong makita na muli kang iiyak dahil iniwan ka. Pero it's unfair for you kung hindi mo alam kung ano ang totoo and this is the reality. I love you so much and I'm afraid na masaktan kita."

Hindi makapagsalita si Trish sa kanyang nadinig mula kay Oli. Sa halip na magalit ay dahan-dahang tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na ang lalaking muling nagpatibok sa kanyang puso ay isang kaluluwang naghahanap ng kasagutan at direksyon kung saan ito patutungo. Pilit niyang inuunawa ang bawat pangyayari pero tila hindi saklaw ng kanyang pagiisip ang bawat salita niyang nadinig kay Oli.

"Trish, I'm so sorry." wika ni Oli habang hawak nito ang kamay ni Trish.
"Hindi ko din alam ang sasabihin ko Oli. Gusto kong tanungin ang Diyos ngayon pero hindi ko alam kung ano ang itatanong ko. Natatakot ako dahil umaasa ako na sakabila ng lahat ng ito sana isa lang itong masamang panaginip na paggising ko bukas ng umaga ay muli tayong magkikita. Gusto kong tanungin ang Diyos bakit ikaw pa ang nakilala ko. Bakit nagtagpo ang ating mga landas? Bakit hinayaan niyang mahulog ang loob ko sa'yo ganun wala namang kasiguraduhan ang lahat ng ito." wika ni Trish habang walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Trish, alam kong may dahilan ang Diyos sa lahat ng bagay. Minsan hindi lang natin maunawaan sa ngayon pero alam kong lahat ng bahay ay itinakda niya sa tamang pagkakataon."
"I know, pero hindi ko mapigilang tanungin Siya sa lahat ng ito."
"Dahil alam Niyang kaya mong lagpasan ang lahat ng ito. Alam Niyang kaya mong harapin ang ganitong pagsubok."

Mula sa kanilang kinauupuan unti-unting nagliliwanag ang buong katauhan ni Oli.

"Trish, I guess this is the time. I can feel His presence right now."
"Oli no! Hindi ko pa kaya. Please Lord not now." habang walang tigil ang pag-iyak ni Trish.
"Tandaan mo Trish I love you much. I'm leaving now but it doesn't mean I left you. I'm leaving because He knows na kaya mo na mawawala ako."
"Oli please hindi ko pa kaya. I love you so much."
"I love you more Trish and thank you for loving me and allowing me to feel this kahit sa maikling panahon."

Habang halos naglalaho na si Oli sa harapan ni Trish ay muling bumalik ang mga ngiti nito sa kanyang mukha na labas ang dimple sa kaliwang pisngi na malapit sa kanyang dalawang nunal sa mukha.

"Trish, I know now kung anong ang reason kung bakit tayo nagkakilala." wika ni Oli habang nakangiti ito kay Trish tuluyan itong nawala sa harapan nito.

Wala ng nasabi pa si Trish habang tuluyang nawala si Oli sa kanyang harapan. Wala na din siyang pakialam kung nakatingin ang mga tao sa kanya dahil hindi na niya kayang pigilan ang malakas na hagulgol sa pag-iyak. Tila dahan-dahan siyang pinapatay sa sakit na kanyang nararamdaman ng mga oras na yun. Wala na si Oli. Wala na ang lalaking kanyang minahal.

Mula sa kanyang harapan isang lalaki ang nag-abot ng panyo kay Trish.

"I saw you crying kanina pa and I hope you don't mind if I offer you my handkerchief." wika ng lalaki.
"No it's okay. Thank you for offering. I'm okay." wika ni Trish na pilit niyang hinahanap ang panyo niya sa kanyang bag.
"Anything I can help to feel you better? Want some water?" wika ng lalaki.

Mula sa pagkakayuko ni Trish, dahan-dahan niyang nakita ang mukha ng lalaki. Maamong mukha na tila nagsasabing 'everything is okay', dimple sa kaliwang pisngi at pantay na pantay na mapuputing ngipin. Hindi siya halos makapagsalita sa pagkabigla sa nakita.

"I'm so sorry if na-istorbo kita, I feel na you might need someone to listen to you. By the way, I'm Olivier Mendez." sabay abot ng kamay niya kay Trish.

Doon nalaman ni Trish kung ano ang gustong ipahiwatig ni Oli ng sabihin nitong alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit sila nagkakilala. Hindi man silang dalawa ang itinakda ng tadhana para magkasama sa habang buhay ngunit lumisan si Oli sa mundo na alam nitong ang babaeng minahal niya ay nasa mauuwi sa mabuting kamay at kayang tumbasan o higitan pa ang  pagmamahal nito kay Trish.

14-Aug-2018. Nakatayo si Trish sa may puntod habang pinagmamasdan niya ang buong paligid ng sementeryo. Tanging ang simpleng mga letra ang nakaukit sa lapida ni Oli:

Oliver Mendez
Birth: 23-Oct-1990
Died: 14-Aug-2015
Always Loved and Remembered

"It's been 3 years now Oli. I can't believe ang bilis-bilis ng panahon. Parang kailan lang ng panahon na tayo ay magkasama. Hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na ang taong nagligtas sa akin sa kapahamakan noon ay isang tulad mo. Siguro tama ka nga na ang dahilan kung bakit tayo pinagtagpo ng gabing yun ay para magkaroon ng tulay para makilala ko ang taong magmamahal sa akin at mamakasama ko habang ako ay nabubuhay. Thank you for being a part of my life. Thank you for showing me that everything happen for a reason. I know masaya ka na ngayon kung saan ka naman naroroon and I know you will always guide me, your twin brother Olivier and our baby boy Oliver. Thank you for being our angel always."

Hindi napigilan ni Trish na tumulo ang ang kanyang luha habang pinagmamasdan ang puntod ni Oli. Mula sa kanyang likod isang mainit na halik ang dumampi sa kanyang batok mula sa labi ni Olivier habang hawak nito ang kanilang anak na si Oliver. -END-

#‎oli‬
‪#‎kwen2niernie‬
‪#‎dramarama‬

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin