Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 5]

Chapter 5

“Ding!!! Ding!!!” sigaw ng kanyang ina sa kanilang kwarto.
Ding: “Nay kalulubog pa lang ng araw sigaw na kayo ng sigaw.”
Nanay: “Dios por Santo Domingo at tama bang gulatin ako?”
Ding:”Ay sus si Nanay talaga... Eh bakit ko naman kayo gugulatin?”
Nanay: “Aba eh kanina nakita kitang pumasok ng kwarto. Di naman kita napansing lumabas dito.”
Ding:”Naku si Nanay talaga, simula ng mawala si Ate Narda naging matatakutin. Galing po ako ng CR kasi masakit ang tiyan ko.”
Nanay: “Ganun ba? Ay alam mo ba anak may malaking ibon kanina dyan sa labas kaya nagkagulo ang mga taga rito. Ay sus kung makikita mo lang ay talaga namang napagkani-laki.” Wika ng ina habang pilit na iminumustra ang hitsra ni Divha.
Ding:”Naku sayang naman at di ko na naman lang nakita, sakit kasi ng tiyan ko.”

Katatapos pa lang nina Ding maghapunan ng dumating si Tonio sa kanilang bahay.

Tonio: “Ding!” sigaw ni Tonio sa tapat ng bintana.
Ding: “Uy! Ang aga mo ah... Tuloy ka...” wika ni Ding habang nakasilip sa bintana. “Grabe na ito ang ganda ko talaga ‘neng...” wika niya sa sarili habang pababa siya ng hagdan ng bahay nila.

Dali-dali siyang bumaba ng kanilang bahay at binuksan ang pinto habang naghihintaysi Tonio.

Ding: “Tuloy ka...” wika ni Ding habang hawak ang knob ng kanilang pintuan.
Tonio: “Salamat...”

Sa may salas sila nag-aral habang ang mga magulang ni Ding ay pawang nakahiga na sa kanilang kwarto.

Tonio: “Aga matulog nina nanay mo ah.” Wika niya habang gumagawa ng outline sa kanilang History lesson.
Ding: “Naku parang di ka naman nasanay sa mga matatanda dito sa atin. Laging maagang matulog. Gusto mo ba ng kape or juice? May dala si Ate Narda noong isang araw, imported galing Hong Kong.”
Tonio:”Talaga? Sige gusto ko juice, ikaw ba anong gusto mo?”
Ding:”Ikaw!!”
Tonio:”Ha?”
Ding:”Hindi ibig kong sabihin, IKAW ang tinatanong ko tapos ako ang tatanungin mo.”
Tonio:”Ahh.. akala ko kung ano na eh.”
Ding:”Hmm... sige na punta lang ako sa kusina at magtimpla ng juice. Uyy tulungan mo akong sagutan yung question sa Advance Algebra di ko makuha ang tamang sagot eh.” Wika niya habang papasok sa kusina.

“Naku ikaw talaga Ding... konting-konti na lang at mabubuko ka na ng love mo.. Gaga! Gaga! Gaga!” wika niya habang nagtitimpla siya ng juice.
Tonio: “Ding okay ka lang ba?” wika ni Tonio habang papalapit sa kanya.
Ding: “Diyos ko... Ano ka ba Tonio, tama bang gulatin mo ako dito.”
Tonio:”Sus ito naman parang di ka na nasanay sa akin.”
Ding: “Paano ako masasanay sa daming nangyayaring kababalaghan dito sa lugar natin ngayon.” Wika niya para maiba ang kanilang usapan.
Tonio: “Oo nga, nitong mga nagdaang araw iba din ang aking pakiramdam. Ewan ko parang sobrang iba kumpara noon.”
Ding: “Naku wag mo nga akong takutin... Heto ang juice mo at bumalik na tayo sa salas para matapos na natin ang assignments natin.”

Pasadong alas nuebe na ng gabi ng matapos sila ng kanilang assignments.

Tonio: “Hayy, salamat natapos din itong ating assignments. ‘Tol thanks sa tulong, buti na lang kaibigan kita.”
Ding: “Tama bang mambola pa. Hehehe. O sige ingat sa pag-uwi.” Wika ni Ding habang palabas ng gate nila si Tonio.

“Ang tarush mo talaga bakla... Gandara Park ang lola mo ngayon... Super long hair with matching curl pa sa dulo.. hhmmm.. take note walang split ends... hahaha...” wika ni Ding sa sarili habang pinagmamasdan niya si Tonio na naglalakad sa kalsada sabay kaway sa kanya... “Haayy!!! Love you talaga Tonio...”

“Ding! Gising na! Uyy... late ka na naman...”
“Hhmmm... Tonio mamaya na... hhmm...”  wika ni Ding habang pupungas-pungas pa ito.
“Ano ka ba late ka na...”
“Hhmmm.. mamaya na... dito ka muna...” sabay mulat ng kanyang mata... “Eekkk... Tonio ikaw pala... Anong ginagagawa mo dito sa kwarto?”
“Ay sus... nanaginip ka na naman... Late ka na naman... sabi ni nanay mo akyatin na daw kita dito at pimihadong late ka na naman gumising... bilisan mo... hintayin kita sa salas nyo..” wika ni Tonio habang palabas ng kwarto nina Ding.

“Wwwwhhaaa... Super ganda ko talaga today... grabe na ito.. si Prince Charming ginising si sleeping beauty... so sweet.. hahaha... “ wika ni Ding habang nagmamadaling maligo.

“Ano tapos ka na bang magbihis? Tagal mo naman! Dadaanan pa natin ang barkada natin... Bilisan mo..”
“Opo andyan na... mahal na hari..”
“Aba ang sungit... o sige bilisan mo dyan kung ayaw mong iwan ka ulet namin...”

Habang nasa jeep sila papuntang school, kwentuhan at walang katapusang tawanan nang biglang lumindol...


“Magsibaba kayo ng jeep!!! May malakas na lindol...” wika ng driver

itutuloy...

#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin