OLI (Chapter 7)

Chapter 7

Ilang araw din hindi nakita ni Trish si Oli. Minsan pagbumababa siya sa kanto ng España, umaasa siya na may tatawag sa kanyang pangalan para sabayan siyang maglakad pauwi ng kanyang inuupahang bahay pero naging mailap ang pagkakataon. Kahit may kurot sa kanyang puso ang hindi pagpaparamdam ni Oli ay pinilit pa din niyang ipakita sa lahat na siya ay maayos lamang. Minsan nagtatanong si Jane sa kanya tungkol kay Oli pero ang tanging sagot na lang niya ay magkaibigan lang naman silang dalawa. Ganoon pa man, bakas sa kanyang mukha ang lungkot tuwing sinasabi niya ito kay Jane.

Hindi naman sabihin ni Trish na mayroon siyang pinagdaraanan alam ni Jane na mayroong hindi pagkakaunawaan sila ni Oli kaya para hindi masaktan ang kaibigan ay minabuti na lang nitong baguhin ang kanilang usapan para hindi na masaktan ang kaibigan.

Sumapit ang sabado pero tahimik pa din si Oli. Hindi na lang pinansin ni Trish ang kanyang lungkot tutal magkikita naman sila ni Faye ngayong araw na ito. Ilang linggo na din siyang kinukulit ng kababayan at kaibigan na magkita since matagal-tagal na din ang panahon na wala silang balita sa isa't-isa simula ng maghiwalay sila ng bahay na inuupahan.

Maagang umalis ng bahay si Trish para hindi na din siya abutin ng traffic sa kahabaan ng España at Quiapo. Pabukas pa lang ang mall ay nagkita na sila ni Faye sa may entrance gate. Madami na din ang tao since mega sale ng mall today at bukod pa doon medyo maalinsangan ang panahon kaya madami ding gustong magpalamig sa loob nito para mag-window shopping.

"Trish!!" ang sigaw ni Faye sa kaibigan habang tumatakbo ito papalapit. "I super miss you friendship! Grabe ilang buwan na tayong di nagkikita gurl. Noong last na uwi ko sa Mindoro tinatanong ka ng inay mo sa akin sabi ko busy ka, pero okay ka naman."
"Oo nga girl! Ang dami-dami kasing deadlines. Ano na? Anong balita? Ikakasal ka na ba? Or don't tell me nagpakasal ka ng hindi ako invited? Masasaktan sa akin si Vic pagginawa niya yun."
"Loka ka! Hindi pa ako kasal'no! Besides wala pa din kaming ipon ni Vic to settle down. Ipon muna para sa wedding pero in the meantime heto kayod marino din sa trabaho. At hindi pwedeng hindi mo alam na ikakasal ako dahil ikaw ang maid of honor ko pagikinasal ako."
"Buti na lang or else makatikim ng mag-asawang sampal si Vic if nagpakasal na kayo na hindi ako invited." ang biro ni Trish sa kaibigan.
"Anyway, ano pang hinihintay natin. Gora na tayo sa loob ng mall. Kanina pang kating-kati ang aking palad para mag-shopping."

Ilang oras din silang umikot na magkaibigan sa loob ng mall. Walang hanggang kwentuhan at tawanan na tila walang bukas. Ganoon naman talaga silang magkaibigan, dahil sa tagal nilang hindi nagkikita tila hindi sila nauubusan ng paguusapan. Paulit-ulit nilang binabalikan ang kanilang mga nakaraan sa dating bahay nilang tinitigilan sa Caloocan. Ang mga bloopers nila unang dating sa Maynila. Ang saya ng una nilang natanggap ang kanilang unang sweldo. Tila panandaliang napawi ang lungkot ni Trish habang kasama si Faye.

"OMG! alas dos na pala friendship at hindi ko man lang naramdaman ang gutom." Ang wika ni Faye na halos hindi na makadala sa dami ng kanyang bitbit na shopping bags.
"Kaya pala sumasakit na ang ulo ko gurl kanina pa. Oh, saan tayo?" wika ni Trish.
"May bagong bukas na sa restaurant sa may likod. Doon tayo para maka-relax tayo ng bonggang-bongga."
"Ay gusto ko yan, then try natin ang new coffee shop somewhere sa area na yun."
"Go tayo dyan!"

Dahil pasadong alas-dos na ng hapon kaya wala ng mga nakapila sa mga restaurant para kumain. Umupo sila sa may veranda para tanaw nila ang Manila Bay na area. May mangilan-ngilang kumakain sa retaurant pero ganoon pa man ay tahimik ang lugar. Para wala pa din katapusan ang kwentuhan nina Tirsh at Faye. Tawanan at kulitan na tila hindi matatapos ang araw.

"By the way, nagkita kami ni Jane I think two weeks ago sa may Glorietta at sabi niya may boylet ka na daw." ang pabirong sabi ni Faye.
"Ito talagang si Jane kahit kailan wala kang maitatago." sagot ni Trish habang nakatawa.
"So ano na? Tell me! Tell me! I'm so excited sa kwento mo."
"Hay naku! wala yun as in wala."
"What do you mean wala? sabi ni Jane both of you are going out together tapos wala?"
"As in wala nga. we went out for couple of times pero wala eh! Mukhang di ako ang bet ng lolo mo."
"Ay ganun? ano yan palipasan ka lang ng oras? Ganun? Pag-bored too death tatawagan para aliwin mo siya? Ano ka clown?"
"Oh ang puso mo. Hindi naman sa ganun. Actually hindi ko nasabi sa'yo na muntik ng may nangyari masama sa akin last time. Remember the time na sabi mo may ipapakilala ka sa akin and unfortunately I was super busy dahil sa daming reports and hindi tyo nagkita. That was the time."
"Oh My God Trish! Bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin?"
"Eh muntik lang naman at wala namang nangyari. Anyway itong guy na ito ang tumulong sa akin then he invited me to go out so nag-yes naman ako for the sake of gratitude sa kanyang pagtulong sa akin. Then minsan nagpunta siya sa may office to fetched me pero after that hindi na kami nagkita ulet after he told me na may nakilala na siya kaso hindi lang daw niya masabi dito. So ako naman si gaga, noong una akala ko may future kaso after that sabi ko... ay panakip butas lang ako ganun? so di ko na siya binalikan."
"Ay kaloka naman yan. Pero tama lang ang ginawa mo, hindi ka naman mukhang panakip butas lang so good na iniwan mo na siya. Bwisit siya! 'wag na wag siyang magpapakita sa akin kung ayaw niyang makatikim ng mag-asawang sampal."
"Anyway, since medyo okay na ang sched ko this time pwede ko ng ma-meet ang ipapakilala mo sa akin."
"Ay naku girl, speaking of him. He passed away that night noong dapat ma-meet mo siya. He met an accident on his way sa bar. As in super bad, kasi feeling namin ni Vic kami ang reason kung bakit siya na-accident. If hindi namin siya ininvite baka hindi siya na-aksidente. To think na he just graduated from college sa US and kauuwi lang niya that week."

Tila tumayo ang balahibo ni Trish sa sinabi ni Faye. Hindi niya alam kung anong kanyang sasabihin na parang natuyo ang kanyang lalamunan at walang gustong lumabas sa salita sa kanyang bibig. Kaba at pagkalito ang bumabalot sa kanyang isip ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganun ang kanyang naramdaman ng mga oras na yun.

itutuloy...

‪#‎oli‬
‪#‎kwen2niernie‬
‪#‎dramarama‬

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin