Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 4]

Chapter 4

Dali-daling pumasok si Ding sa kanilang kwarto, habang ang kanyang ina ay nasa kusina at nagluluto ng kanilang hapunan. Iniwan niya sa isang sulok ang kanyang gamit saka niya kinuha ang bato sa kanyang bulsa at kanya itong nilulon.
Ding: “DIVHA-DING!!!”  Muling nabalot ng makapal na usok si Ding at lumabas si Divha, isang sulyap sa salamin sabay ngiti sa sarili.. “Ganda mo talaga ‘neng!!!”

Binuksan niya ang bintana sa likod ng bahay nila saka siya tumalon at mabilis na lumipad. Nagulat na lang ang mga tao ng makita nila ang isang magandang babaeng lumilipad sa langit na tila isang angel habang palubog ang sikat ng araw.

“Si Divha!!! Yan ang babaeng humuli sa mga holder sa kabilang bayan.”  Wika ng matandang lalaki.

Tumigil ang mundo ng mga tao sa lugar na iyon at pawang nakatingala sa langit. Papasok na ng gate si Tonio ng kanilang bahay ng makita niyang nagkakagulo ang mga tao sa kalsada kaya mabilis din siyang lumabas ng kalsada para tingnan kung ano ang naging sanhi ng gulo. Kitang-kita niya si Divha habang lumilipad papalayo...

Samantala, habang lumilipad si Divha biglang lumiwanag ang kanyang tungkod at ipinakita kung saan nagmumula ang kanyang kalaban. Maulap ang lugar at tila hindi pangkaraniwan ang lugar na pinagmumulan ng kanyang kalaban ng biglang may lumapit sa kanya na kanyang ikinagulat...

Divha: “Jusko po!!!” sigaw niya habang lumilipad.
Ninang: “Bakla ano ka ba... Ako ito si Ninang...”
Divha: “Naku ninang wag mo naman akong takutin ng ganyan baka di kalaban ang pumatay sa akin kundi atake sa puso...”
Ninang: “Gaga... Aanhin mo ang healing power mo kung di mo gagamitin... Remember you have it already... At saka binabalaan kita Divha, iba ang pakiramdam ko ngayon, masyadong malakas ang pwersa na aking nararamdaman.”
Divha: “Ninang, wag mo naman akong takutin...”
Ninang: “Jusko Divha, magtino ka nga... gusto mo bang bawiin ko sayo ang super powers mo?”
Divha: “Ano ba ninang, lagi ka na lang serious... nag-jo-joke lang... O sige na, Fight Fight Fight ang inaanak mo today...”
Ninang: “Tandaan mo ito Divha, ipinagkaloob ko sayo ang mahiwagang bato ng ikadalampung imperyo ng Morta dahil naniniwala ako sayong kakayahan. Wag mong hayaan lumaganap ang kasamahan dito sa daigdig nyo...”
Divha: “Salamat ninang!!!” at tuluyang naglako ang babae sa makapal na ulap.

Ilang sandali pa may natanaw na tila nag-aapoy na liwag sa kanyang harapan si Divha... Isang lalaki na tila nakadamit na parang isang makalumang Japanase warrior at nakalutang ito sa hangin.

“Totoo pala ang balitang dito sa mundong ito napadpad ang huling mandirigma ng Imperyo ng Morta.”
Divha: “Sino ka? At paano mo nalaman na taga Morta ako. At anong huling mandirigma?”
“Hahaha!!! Hindi mo alam? Ikaw ang tinaguriang Divha ng Morta at lahat taga imperyo ninyo ay pawang patay..”

Tila naguluhan si Divha sa mga nadinig niya...

Divha: “Anong pinagsasabi mo? Sino ka ba talaga?” giit ni Divha.
“Ako si Ganeru, mandirigma buhat sa Imperyo ng Ying, ipinadala ako dito para patayin ka na...”
Divha: “Kung sino ka man... Hindi ka magtatagumpay sa inyong hangarin...”
Ganeru: “Siya nga? DEVIL’s VOW!!!” Sigaw niya at halos isang daang parang mga diablo ang biglang naglabasan mula sa makapal na ulap at dinumog si Divha.

Mabilis na lumipad si Divha ngunit patuloy siyang hinahabol ng mga ito...

Divha: “Hhhmmm... Akala ninyo kaya ninyo akong patayin... WHIP CORD!!!” isang latigo ang lumabas sa kamay ni Divha at kanyang hinaplit ang bawat lumalapit sa kanya. Nagbabagang apoy ang kapalit ng bawat tamaan ng kanyang latigo. Halos ilang minuto bago niya napuksa ang lahat ng kalaban. Biglang lumabas si Ganeru sa kanyang harapan...

Ganeru: “Hindi ka pa din nagbabago... Matalino ka pero mahinang klaseng kapangyarihan? Sa palagay mo matatalo mo ako?” 

Biglang sumigaw si Ganeru ng sobrang lakas at nag-produce ito ng sonic sound... Hindi naka-iwas si Ding sa sonic sound na naging sanhi para tumalsik siya nang malayo..

Ganeru: “Hahaha... Ano na Divha, asan ka na? Akala ko ba di kita kayang talunin?”

Pilit na tumayo si Divha... At ibinuka niya ang kanya dalawang kamay...

Divha:”LIGHTNING and THUNDER!!!” sigaw niya. Bigla siyang nabalot ng maliwanag na tila mga kidlat... “Alam mo ba ito Ganeru?”
Ganeru:”Akala mo ba matatalo mo ako dyan?” ngunit bakas sa kanyang mga kilos ang pagkabalisa.
Divha: “Siya nga? Heto ang sa’yo!!!” At mabilis na ibinato ni Divha ang naipong kidlat sa kanyang kamay patungo kaya Ganeru. Huli na para makasigaw muli si Ganeru upang makapag-produce siya ng SONIC Sound.

Tila isang tostadong tao ang inabot ni Ganeru sa kidlat na ibinato sa kanya ni Divha...

Ganeru:”Tandaan mo ito... Hindi pa tapos ang laban...” ang huling salitang binitiwan ni Ganeru at tuluyan itong nagliyab at nawala sa harapan ni Divha.

Wala na si Ganeru sa kanyang harapan pero tulala pa din si Divha sa mga salitang binitiwan ng kanyang kalaban.

Ninang: “Divha okay ka lang?”
Divha: “Jusko  Ninang... Ako ka ba? Tama bang takutin mo ba ulit ako... Super emote ang drama ko dito tapos bigla kang a-appear sa tabi ko, pag di ka naman maparanoid...”
Ninang: “Asus... Pero ‘neng astig ang laban mo kanina... I’m so proud of you.” Wika nito kay Divha habang naka-ngiti.
Divha: ”Ninang, sino ba talaga ako? Bakit ako kilala ng aking nakalaban? Saan talaga ako galing?” tanong niya sa kanyang ninang.
Ninang:”Aba pang MMK ang drama mo bakla ngayon ha... or pwede na din sa YLSL...”
Divha:”Ano na naman yang YLSL na yan...”
Ninang: “Haayyy dalagita ka pa nga... at modern ka ‘neng.. Young Love Sweet Love yan ni kuya Germs sa Channel 9 way back 1980’s... O di ba updated ako...”
Divha: “Ninang, wag mo na akong bolahin... Ano ba talaga ako?” seryosong tanong ni Divha at seryosong sumagot din ang kanyang ninang.

Ninang:”Divha, ako man ay di ko alam... Nanirahan ako sa Imperyo ng Morta ngunit wala akong sapat na kaalaman tungkol sa’yo... Ito ang tandaan mo, kung ano ka man at kung sino ka man: ang mahalaga tumutulong ka sa mga nangangailangan. Siguro sapat na yun para maging si Divha ka.” Niyakap niya ng mahigpit si Divha saka tuluyang naglaho.

itutuloy...

#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin