Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 3]
Chapter 3
Di mapawi ang ngiti sa mukha ni Ding ng araw na yun. Lalo ng magkakasabay sila magbabarkadang umuwi, sina Tonio, Maris, Gerald, Honey, Chuchie, Jay at syempre si Ding. Isa lang naman ang daan nila pauwi ng bahay kaya kahit may kalayuan di sila sumasakay ng jeep bagkus pinipili nilang maglakad sabay-sabay tuwing uuwi sila ng hapon. Si Tonio ang una mong mapapansin sa barkada dahil matanggad at medyo may pagka-tisoy kaya naman nagaalimpuyo ang damdamin ni Ding tuwing may nakikita siyang nag papa-cute sa kanyang one and only love
Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Ding na tila nanaginip lang. Humarap
siya sa salamin habang tinatanggal ang kanyang dumi sa mata. Konting
hikab at dumeretcho na siya sa CR para mag-ayos ng sarili.
Nanay:
"Ding, tanghali ka na naman nagising! Aba mukhang lumalaki kang tamad ah!
Si tatay mo nakita mo ba? Ano wala ka bang pasok ngayon?" sunod-sunod na
tanong ng ina.
Ding:
"Naku si nanay naman ke-aga-aga dami agad na tanong." sabay sara ng
pinto ng CR.
Nanay:
"Anong ang aga-aga! Tingnan mo nga at pasadong alas siete na ng umaga at
ngayon ka pa lang gumising. Kanina dumaan dito yung kaklase mong si Tonio at
hinahanap ka, sabi ko daanan ka sa kwarto at ikaw ay natutulog pa.." wika
ng ina na ikinagulat ni Ding.
Ding: "Ano po? Si Tonio ko? este si Tonio yung basketbolista?"
sabay bukas ng pinto na tila excited sa kwento.
Nanay: "Oo, eh sabi tulog na tulog ka pa daw kaya umuna na siyang
pumasok sa school."
Ding: "Naku si nanay naman, bakit hindi ninyo ako ginising?"
reklamo ni Ding..
Halos sing-bilis ni Flash si Ding sa pag-aayos ng sarili. Di na siya
nakaaabot sa kanilang unang klase na Home Economics. Eh since pag-ga-gantsilyo
ang kanilang project kaya di siya nahirapan.. Noong isang linggo pa niya tapos ang
kanilang project and ready to pass na ito.
Naglalakad
siya sa may corridor ng kanilang school habang suot ang kanyang nap-sack na bag
at bitbit ang ilang libro ng Chemistry at Trigonometry ng biglang may tumawag
sa kanya.
"Ding!!!
Absent ka kay Ms.Cuetong klase?" wika ng boses na tumawag sa kanya.
Ding:
"Uyy, Maris ikaw pala... Oo, napuyat kasi ako kagabi..."
Maris:
"Ano namang ginawa mo at napuyat ka? Mukhang serious ka masyado sa
pag-aaral... Uyy, nakita ko ang sasakyan ni Ate mo, grabeng ganda!!!
Ang rich-rich na ninyo"
Ding: "Ngeeekk!!! Anong NINYO!!! Eh sa ate ko lang naman yun!”
Maris: “Asus eh si sa inyo na din yun… Pero teka alam mo ba yung nangyari
sa kabilang bayan kagabi? Grabe sampu ang patay sa holdapan… At isa
sa napatay ay kapatid ni Marco yung crush na crush ko… Kaya nga nalungkot ako
kasi, sad yung love ko ngayon… Kasi ba naman dis-oras na ng gabi gala pa ng
gala ng kapatid nya kaya natamaan ng ligaw na bala.
Ding: “Ha? Totoo ba yan?”
Maris: “Oo noh! At ayon sa mga nakakita… yung anak ng kapitan sa Brgy.
425 ang isa mga nangholdap!”
Di na halos madinig ni Ding ang sinasabi ni Maris… Dali-dali itong
tumakbo papalayo sa kaibigan at naghanap ng lugar kung saan siya pwedeng
magtago.
Sa bakanteng lote sa likod ng CR doon siya nagtungo… Iniwan nya muna
lahat ang gamit niya sa isang sulok saka niya kinuha ang bulang bato sa kanyang
bulsa… Isang
malakas na sigaw na: DIVHA-DING!!! At tuluyan ng nilamon ng makapal na usok si
Ding at lumabas si DIVHA!!!
Tulad ng turo
ng Ninang niya, idinipa niya ang dalawa niyang kamay at tuluyang lumabas ang
dalawang malalaking pakpak niya sa likuran na tila isa siyang angel na hippie…
Habang
lumilipad siya, kitang-kita niya ang kanyang mga kaklase na nakatingin sa kanya
na mangha-mangha sa kanilang nakita…
“Ano yan? Grabe!!! Kakaibang nilalang!!!”
May mga
nagulat at natakot sa kanya!!! Ngunit bago pa man lamunin ng takot ang mga tao
sa lugar nila, dagli siyang tumigil sa paglipad at tumayo siya habang
nakalutang sa hangin.
Ding: “Ako si
Divha!!! Buhat sa ika-dalawangpung Iperyo, narito ako para ipagtanggol ang mga
naapi at para supilin ang mga masasamang loob…”
Isang malakas na sigawan ang iginanti ng mga tao sa lugar.
“YEEEHHHEEYYY!!!!!!!!!”
Matapos doon, dagling pumaimbulong si Ding sa kanyang paglipad… Wala
siyang alam kung saan ang lugar ng kanyang mga kaaway ngunit sa pamamagitan ng
globo na hawak niya, mabilis niyang matutunton ang mga ito…
Ilang sandali pa at lumiwanag ang globo at ipinakita nito kay Ding ang
lugar kung asan ang mga holdaper. Sa isang bahay na malapit sa paanan ng bundok
kung saan walang naninirahan, andun ang mga holdaper habang pawang
namamahinga...
Holdaper1: “Pare ano yun?” wika ng isang lalaki na nagulat habang nakita
niya si Divha na lumilipad.
Holdaper2: “Tangina pare, parang malaking paniki sa kasikatan ng araw!”
Holdaper2: “Tangina pare, parang malaking paniki sa kasikatan ng araw!”
Holdaper1: “ Anak ng pucha pare papunta dito sa ating lugar!!!” Dagling
kinuha ang kanyang
armalite at pinaulanan ng bala si Divha! Na siya namang iginagulat ng ibang
tao sa loob ng hide-out nila. Mabilis na nakaiwas si Divha sa mga bala ng
kalaban. Habang naglabasan ang lahat ng
tao sa loob ng hide-out at dala-dala ang kanilang mga baril.
Divha: “Narito ako, hindi para makipaglaban sa inyo. Hinihiling ko
lang ang mapaya ninyong pagsuko at pagbalik ng mga ninakaw ninyo kagabi.”
Holdaper3: ”Ay tanga pala ito eh...” wika ng lalaki sabay putok ng
kanya baril.
Divha: “SHIELD!!!” sigaw ni Ding Isang transparent na parang salamin ang
humarang sa lahat ng
bala na ibinigay ng mga holdaper.
Dahil sa gulat dagling nagkanya-kanya takbo ang mga holdaper para makatakas...
Mabilis na lumipad si Ding para mahuli ang isang miyembro na patakbo...
Isang malakas ng sapak ang iginawad ni Ding na nagpagtumba dito. Pinagmasdan ni
Ding ang mga holdaper pero higit na marami ang mga ito at pawang kalat-kalat na
dahil sa takot.
Muling lumipad si Ding at sabay sigaw ng: “Rhythmic Illusion” Isang tila
tunog ng harp sabay ng maliwanag na tila isang bolang apoy ang nangyari....
Mula sa kanyang pagkakatayo sa hangin... Isa-isang naglabasan ang clone na
Divha sa kanyang likuran at nagkanya-kanya sila sa habol sa mga nagsisitakas na
mga holdaper.
Ilang sandali pa at nakatali na lahat ang mga holdaper sa labas ng
kanilang hide-out. At isa-isa na muling bumalik ang clone ni Divha sa kanya.
Divha: “Tandaan ninyo ito. Ako si Divha ang taga pagtanggol ng mga
naaapi buhat sa ikadalampung imperyo ng Morta.” Buhat sa kanyang pagkakatayo
mabilis siyang lumipad habang halos wala sa ulirat ang mga holdaper na pawang
nakagapos.
Mabilis na nakabalik si Ding kung saan niya iniwan ang kanyang gamit.
Ding: “DING!!!” sigaw niya at tuluyan ng bumalik ang kanyang dating anyo
bilang estudyante.
Late na siya sa klase niya ng pumasok siya sa Chemistry Lab nila... Patakas
siyang pumasok buhat sa likod ng pintuan ng bigla siyang makita ng kanilang
teacher na si Mrs. Benedicto.
Mrs. Benedicto: “Domingo, asan ka galing at late ka na?” wika ng titser
Mrs. Benedicto: “Domingo, asan ka galing at late ka na?” wika ng titser
Ding: “Maam, may nalimutan kasi ako sa bahay kaya bumalik po ako.”
Mrs. Benedicto: “At nangangatwiran ka pa. Dito ka sa
unahan umupo.” Wika ng guro habang
nakaturo sa tabi ni Antonio Astoria
Ding: “Ma’am!!!” gulat na wika ni Ding.
Pakiramdam
niya ay lumulutang siya habang papalapit sa kinaroroonan ni Tonio ng mga oras
na iyo. Sa tingin niya ay inaabot ni Tonio ang kanyang kamay kaya kanya itong
ibinigay sa kanya.. Isang malakas na hila na nagpaupo sa kanyang upuan ang
nagpabalik sa kanyang ulirat.
Tonio:”Uyy! Ano ka ba? Mukhang wala ka na naman sa sarili mo?” wika ni Tonio habang
Tonio:”Uyy! Ano ka ba? Mukhang wala ka na naman sa sarili mo?” wika ni Tonio habang
nakangiti sa
kaibigan niya.
Ding:”Naku cencya na ‘tol, inaantok kasi ako.” Palusot ni Ding habang
naka-smile sa kanyang
one and only.
Magulo ang
isip ni Ding ng mga oras na yun. Tila nasa euphoria siya at di
makapag-concentrate
ng maayos
habang nagmi-mix sila ng Hydrocholoric acid at Litmus paper.
Tonio: “Uyy
okay ka lang ba? Mukhang di mo maayos yang ginagawa mo ah! Akin na
nga at tulungan kita.”
Ding: “Naku wag na... Kaya ko na ito noh!”
Tonio: “Asus, parang ka namang others...” wika niya sabay abot ng beaker at
stirrer ni Ding.
Di mapawi ang ngiti sa mukha ni Ding ng araw na yun. Lalo ng magkakasabay sila magbabarkadang umuwi, sina Tonio, Maris, Gerald, Honey, Chuchie, Jay at syempre si Ding. Isa lang naman ang daan nila pauwi ng bahay kaya kahit may kalayuan di sila sumasakay ng jeep bagkus pinipili nilang maglakad sabay-sabay tuwing uuwi sila ng hapon. Si Tonio ang una mong mapapansin sa barkada dahil matanggad at medyo may pagka-tisoy kaya naman nagaalimpuyo ang damdamin ni Ding tuwing may nakikita siyang nag papa-cute sa kanyang one and only love
na si Tonio.
Maris: “Uyy, Ding maiba ako... Kanina bigla ka na lang tumakbo ng kausap
kita.” Habang kumakain ng banana-q na binili kina Manang Osay.
Ding: “Ha?
Naku cencyana kailangan ko kasing umuwi. Naiwan ko kasi yung assignment ko sa
Trigo class
natin.” Habang kumakain naman siya ng mais na nilaga.
Gerald: “Naku
itong si Ding talaga.. Kahit bumagsak ka pa sa mga quizzes natin di ka
ibabagsak
ni
Mr.Manalaysay, kasi ba naman perfect mo lagi ang exams niya.
Ding: “Uyy di
naman...”
Maris:
“Anyways, sabi ni Raquel may lumabas daw na parang malaking ibon sa malapit sa
school kanina at yung mga holdaper na kinukuwento ko sayo kanina... Lahat
daw ay nahuli na sa may
paanan ng bundok at yung babaeng ibon daw ang may kagagawan.”
Ding:”Talaga? Sayang di ko nakita.” Pakunwaring walang alam na wika
ni Ding
Tonio: “Oo nga, nakita ko din yung babaeng ibon. Grabeng ganda pare, naku
sana makilala ko
man lang siya at pakakasalan ko na agad siya.” Wagling natigilan si Ding at
medyo kinilig ang
hitad.
Masaya ang kwentuhan nila hanggang makarating na sila sa kanilang nayon. Sari-saring kulitan at kantiyawan. Sa may dulo ang bahay nina Tonio dalawang kanto pagkatapos ng bahay nina Ding kaya halos araw-araw silang magkasama at minsan ay kina Ding na kumakain si Tonio ng hapunan, ganung kilala naman ito ng magulang ni Ding. Halos isang kanto pa ang layo ng bahay nina Ding ng maramdaman niyang umiinit ang bato sa kanyang bulsa na tila napapaso siya. Di pa halos tapos magkwento si Tonio tungkol sa crush niyang ni Isabel at dali-daling tumakbo si
Masaya ang kwentuhan nila hanggang makarating na sila sa kanilang nayon. Sari-saring kulitan at kantiyawan. Sa may dulo ang bahay nina Tonio dalawang kanto pagkatapos ng bahay nina Ding kaya halos araw-araw silang magkasama at minsan ay kina Ding na kumakain si Tonio ng hapunan, ganung kilala naman ito ng magulang ni Ding. Halos isang kanto pa ang layo ng bahay nina Ding ng maramdaman niyang umiinit ang bato sa kanyang bulsa na tila napapaso siya. Di pa halos tapos magkwento si Tonio tungkol sa crush niyang ni Isabel at dali-daling tumakbo si
Ding pauwi ng bahay...
Tonio: “Uyy Ding saan ka pupunta?”
Ding: “Kita na lang tayo mamayang gabi. Masakit lang ang tiyan ko.”
Tonio: “Kain kasi ng kain ng mais... Sige
puntahan kita mamaya sa bahay ninyo.” Wika ni Tonio
na halos di na nadinig ni Ding ang sinasabi dahil sa pagmamadali sa
paguwi.
itutuloy...
itutuloy...
#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie
Mga Komento