Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 2]

Chapter 2

Madilim ang daan papuntang gubat, ngunit wala siyang pakialam. Alam niyang habang hawak niya ang bato ni Darna kaya niyang lumaban sa mga masasamang Espiritu at kahit anong pa mang masamang loob. Sa may malapit sa kweba doon siya tumigil para lulunin ang bato. Pinagmamasdan niya ang mga paligid kung may mga taong nakatingin sa kanya. Nang walang kahit isang tao sa lugar, dali-dali niyang kinuha ang bato at kanya isinubo...

Ding: "DARRRrrr!!!" Isang malakas na dagok ang kanyang naramdaman na nagpagapang sa kanya sa damuhan na tila isa siyang babae na nakahandusay sa damuhan.
Ding: "Ayy!! Ouch!!! Leche... Ano ba???" nakadapa si Ding sa damuhan habang tumalsik ang bato sa di kalayuan. Dali-dali siyang tumayo para kunin ang bato, pero huli na siya. Isang di niya mawaring nilalang ang pumulot dito. Mukhang tao naman pero iba ang hitsura kung pangkaraniwang tao. Mabaha ang buhok na kulay pink at orange, damit na tila isang majorette na kulay blue na may white. Suot niya ay rubber shoes na kulay pula at asul sa magkabilang paa. May hawak siyang tungkod na may malaking parang globo sa tuktok.
Ding: "Sino ka? Akin na ang bato! Akin yan!"
Babae: "Ano paulit? Sa'yo? Haller! Di ba sa sistha mo etish?"
Ding: "Eh, hiniram ko lang naman eh..." sambit niya na wala na siyang nagawa pa kundi aminin.
Babae: "Naku vakla, tumayo-tayo ka nga dyan at mukha kang si Marina na nasa dagat, kaso
ikaw nasa damuhan... HAHAHA!!!" halakhak ng Babae.
Ding: "Sino ka ba? At paano mo nalamang sister ako?" tanong ulit ni Ding habang tumatayo sa
pagkakalugmok sa damuhan.
Babae: "HAHAHA!!! 'Neng matagal na kitang kilala. Eversince in time of memoria. Alam ko na crush mo si Tonio na basketball star sa school ninyo! O aminin, wag i-deny at papaluin kita ng
globo ko." wika ng babae na akmang papaluin si Ding.
Ding: "Eh crush lang naman ah... Hmmpp.. Ah basta akin na ang bato ni Ate."
Babae: "Haller di bagay sa'yo ito. Pang gelay lang itong batong ito 'neng!!! Dahil nakikita ko sayo
ang katangian ng aking hinahanap ipagkakaloob ko sayo ang pulang bato na buhat sa sa
ikadalawampung daigdig kung saan naninirahan ang dapat di manirahan... CHARING!!! Hahaha... Kidding aside, buhat ito sa Imperyo ng ikadalawampung mundo kung saan ako nanirahan ng isang daan tao... Para ito sa mga mandirimang may kakaibang kapangyarihan na higit pa ang powers dito sa puting bato ni Darna. O di ba ang bongga..."

Biglang lumiwanag ang globong hawak ng babae na halos nagsilbing liwanag sa lugar na kinaroroonan nila. At isang pulang parang batong ruby ang lumabas dito na nakalutang sa hangin.

Babae: "O 'neng kunin mo na ito!" wika ng babae habang nakahalukipkip.
Ding: "Aahin ko po ito?" wika ni Ding na nangangatog sa takot.
Babae: "Jusko, tanungin ba ako? Eh nilululon! Alam pa namang gawin mong kwintas at i-pa- pawnshop." Wika ng babae na mukhang iri-table.
Ding: Kinuha niya ang bato saka sinubo. Isang malakas na: "DARNA!!!" ang kanyang sigaw.
Babae: Toink!! Isang dagok ulit ang iginawad ng babae kay Ding. "Gaga, vhaket naman DARNA ng naisipan mong isigaw? Feeling mo kasing ganda mo si Ate mo?"
Ding: Napakamot na lang si Ding habang hawak ang nailuwang bato. "Ano ba ang aking isisigaw? CHUVANESS!!! CHENELINGG!!! Tsuk tsak tsenes.." maktol nito sa babaeng nagbigay
ng bato.
Babae: "Naku tama bang kung anik-anik na seremonyas na dapat sabihn... Heto lang ha...
Lulunin mo ang bato sabay sigaw ng divha-DING!!! O di ba BoNNGA ka 'neng!" wika ng babae
habang dine-demonstrate ang pagsubo ng bato.
DING: Dagling nilulon ni Ding ang bato sabay sigaw ng: DIVHA-DING!!!

Isang makapal na usok ang bumalot sa kanya at nakakasilaw na liwanag... Ilang saglit pa ay may lumabas na tila isang super model na babae sa nakatali ang dalawang tabihan ng buhok na may parang bolang Crystal na nakalagay dito. Suot ang tila isang Saber Marionette na damit at rubber shoes na tulad ng sa babae ngunit ang sa kanya ay pink at green. May hawak din siyang parang tugkod din na may globo at may nakaukit na mga letrang di niya maunawaan.

Babae:"Ayyy!!!" Tili ng babae... "Grabe ka bakla bongga ka sa suot mo 'neng tinalo mo pa ang
ate mo!"
Ding: " Anong hitsura ko???" wika ng Ding habang hinahawakan niya ang kanyang mukha.

Isang gigantic na salamin ang tumabad sa kanyang harapan.
Ding: "AAyyy!!!" Tili ni Ding.. "Grabe na ito... ako ba ito? Bakit ang ganda ko?"
Babae: "Naku at lumandi na ang babaita."
Ding: "Naku paano ko po ba kyo pasasalamatan? At saka ano bang pangalan ninyo?"
Babae: "Naku ayaw ko na ng fairygodchuva... Losyang na yun... You can call me Ninang, though
same lang ng godmother at least iba ang arrive natin ngayon... Pero ito ang tandaan mo bakla,
ikaw si Divha! tuwing iluluwa mo ang bato sabay sigaw ng DING babalik ka sa dati mong anyo...
Ang tungkulin mo ay tumulong sa nangangailangan at wag puro alembong ang atupagin mo. Andito lang ako sa tabi mo ngunit di ako makakatulong sa'yo. Ikaw ang tanging nakakakita sa akin. Tandaan mo simula sa araw na ito ikaw tutulong ka sa mga nangangailangan. Itong bato ni Ate mo, isoli mo ito sa kanya magagamit niya ito sa oras ng pangangailangan."
Ding: "Thank you po ninang!!! Pero teka paano ako fa-fly??"
Babae: "Haayy... Akala ko ba si sistha mo ang slow?? Haay... O heto dumipa ka parang ganito!!"
wika ng babae habang dine-demonstrate nito kaya Ding.
Ding: "Ganito ba?" wika ni Ding ng biglang may lumabas na dalawang malalaking pakpak sa
kanyang likuran. "Ayy.. Ninang ano ito??? Para akong MANOK!!! Look may pakpak na ako..." tili
ni Ding
Babae: "Gaga, di ka mukhang manok.. mukha kang pabo... CHARING!!! hahaha..." tawa ng
babae.. "Heto ang salamin check mo ulet!"
Ding: "Ninang grabe na ito ang taray.. para akong Mulawin pero mas-hip ang dating ko... at cool
na cool... Para akong angel..." wika ni Ding na manghang-mangha sa sarili.
Babae: "O siya tama na ang arte... Try mo lumipad.."
Ding: "Okay!!!"

Itinaas ni Ding ang kanyang dalawang kamay at sinubukang lumipad... Isang malakas na hangin
at tuluyang lumipad si Ding.

Di pa halos tumatagal isang malakas na sigaw ang ikinagulat ng Babae.
Ding: "Ninangggg!!! Tulungan mo ako..." Sigaw ni Ding.

Lumipad sa kinaroroonan ng boses ni Ding ang babae.

Babae: "Ayy!!! Anong nangyari sa'yo? Vhakla ka"
Ding: "Ninang di kinaya ng powers ko ang paglipad!! Nabali ata ang pakpak ko.."
Babae: "Tungek di mababali yan... Naku tumayo ka nga dyan.."
Ding: "Ara-ouch!! Nabali ata ang balakang ko.." wika ni Ding habang tumatayo sa pagkakabagsak
niya mula sa paglipad.
Babae: "Naku ka ba!! Dapat poise ka pa din... Ganito ang tamang paglipad.."

Tinuruan ng babae si Ding kung paano lilipad gamit ang kanyang pakpak. Di na halos alintana ni Ding ang oras ng matapos siyang turuan kung paano ang tamang paglipad at paggamit ng kanyang kapangyarian. Pwede siyang dumami, kaya niyang hilumin ang sugat niya, apoy ang katumbas pagpinagdikit niya ang kamay niya sabay sigaw ng "FIRE", ang hawak niyang globo ay
pwedeng mag-cover sa kanya tulad ng isang protective shield at iba pa.

Ding: "Ninang, kaloka ang powers na ito."
Babae: "Naku marami ka pang dapat matutunan Ding. Pero sa ngayon tandaan mo ang mga
bagay na natutunan mo para una mong pakikidigma. Umuwi ka na sa ngayon at bukas mo na
subukan ang iyong kapangyarihan."

Lumiwanag ang hawak na tungkod ng babae at nawala ito sa gitna ng dilim...



itutuloy...

#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin