Kwentong Chekwa
Dahil Chinese New Year ngayon kaya dapat ang kwento ko ay nababagay sa okasyon. hehehe… haller dapat IN ang drama natin lagi noh!! "the NERD!" LOL! Anyway di naman masyadong bago ang kwento ko pero masasabi kong isa ito sa kwentong di ko malilimutan ng lumipat ako sa Singapore... Matapos ang aking higit 3 months na pagiging ampon ni Ate Bangs sa Tiong Bahru, nag-decide akong lumipat ng bahay kasama ang aking new found friend na si Hansel. hahaha.. Nakakatuwa ang kwento namin ni Hansel; noong magka-trabaho kami sa Citibank Makati magkatabi lang kami ng upuan at ang nakakatawa pa hindi kami nag-uusap dalawa. LOL.. pero sabi nga pag nasa ibayong dagat ka na.. you are longing sa parehong lengwahe para hindi naman duguan ka araw-araw ka e-english noh… So noong nagkita kami ni Hansel sa SG at pareho kaming nakakita ng trabaho, we decided na mag-sama sa isang bahay sa bundok ng Anchorvale,Sengkang. Noon ilang pinoy lang kami sa Sengkang pero ngayon mga pinoy na ata ang nakatira...