PR501
Ang susunod kong kwento ay hindi nangyari sa abang lingkod ninyo pero ito ay pumukaw at nagmulat sa aking nahihimlay na diwa. Gumulat at nagpagimbal ng aking walang kabuhay-buhay na araw. LOL! Ang bida sa ating kwento ay itago natin sa pangalang Rosita dahil paborito nya ang dating contestant sa Pinoy Dream Academy na si Rosita.
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang karanasan noong una tayong naglakbay na malayo sa kanilang bayan o probinsya. Naalala ko dati dahil iisa lang ang jeep mula sa aming nayon at pag nagkasakay ka sa jeep at tuntong ka ng bayan, 'neng daig mo pa ang sikat na artista sa mga kalaro mo tapos ikukwento mo yung hitsura ng bayan (sorry medyo galing ako sa bundok kaya limited edition lang ang mga nakapunta sa bayan. hehehe). As in feeling ko dati super ganda na ng palengke ng Tanauan sa Batangas. hahahaha… =))
Balikan natin si Rosita.
Nakakita ng trabaho si Rosita dito Singapore kaya naman dali-dali siyang lumipad bitbit ang kanyang maleta na laman naman ay puro Lucky Me Pancit Canton. hahahaha. (trabaho yan ng mga OFW galing pinas). Dahil hindi pa uso ang budget airlines ng mga panahon na yun kaya waley pa ang CebuPac, TigerAirways, Jetstar, at AirPhil so bonggang Philippine Airlines ang drama ng lola mo. Sangkatutak na luha ang inilabas ng bakla ng iniwan nya ang kanyang asawa at dalawang anak sa pinas para sa kinabukasan ng pamilya at ng inang bayan (OFW na OFW ang drama! LOL)
Matapos ang tatlong oras at kalahating paglalabay lulan ng eroplano... dumating si Rosita sa Singapore. Neng talagang sosyalera ang hitad at ayaw pakakabagog sa kanyang bagong bag na DKNY (Divisoria sa Kanto Ng Ylaya) LOL!!! **joke lang Rosita**
Dati-rati hindi pa automated ang pagpasok at paglabas ng SG kaya kailangan mo pang pumila sa immigration officer at ipakita ang wagas mong smile para hindi ka magpagkamalang terorista. LOL! kung medyo pangit ang fez for sure me second glance ang officer sa'yo. **joke lang**
Bitbit ang kanyang hand carry na DKNY na bag pumila ang lola mo sa officer na may kaba na baka pauwiin at hindi siya papasukin sa SG. Anyway, noong siya na ang tinawag… wagas ang mala-mais niyang ngiti sa harap ng officer. Ipikinakita nya lahat kanyang dokumento at habang veni-verify ng officer ang records nya.. tinanong siya ng katanungang halos magumunaw sa kanyang pagkatao.
Officer: "Are you a PR?" habang nakatingin sa monitor ng kanyang computer.
Rosita: "Ah! yes set!" kabado pero confident ang bakla.
Officer: "Can you show me your card?"
Nag-isip ng mabuti si Rosita… sayang ang bag kung bobita ang peg!!!
Rosita: "Here ser!" sabay abot ng kanyang plane ticket.
Officer: "Ha?" halos matigalgal ang lolo mo ng ibigay sa kanya ang ticket.
Rosita: "Yes ser… PR… look oh.. PR501!"
Jusme muntik ng magpatiwakal ang Officer ng ipakita ni Rosita ang kanyang Plane Ticket na sakay siya ng Fight#PR501 na eroplano from Pinas to Singapore. Sa takot ng officer na makita ang duguan nyang ilong (nosebleed) binigyan niya si Rosita ng 30days na stay sa SG para dito maghasik ng wagas na ligaya sa mga OFW na nalulungkot. LOL!
#Rosita
#PR501
#kwen2niernie
Mga Komento