Gusto mong lumandi? Magtiis ka sa hapdi!

Noong bata pa lang ako lagi ko itong nadidinig ang line na ito sa kapitbahay namin (though mga pinsan ko lahat ang kapitbahay namin. LOL!)  “Ang kire-kire.. tingnan mo at sugat na naman ang tuhod mo!”, sabay kurot sa singit o di kaya sabay palo sa pwet. hahahaha!

Alam ko medyo ancient ang aming mumunting nayon! Imagine noong bata pa lang ako lumaki na ako sa mga tapal tapal ng papel na may dagta ng chiko. Pag dinadala ako ng inay sa mga albulasyo kasi medyo sakitin ako noong bata; jusme sasabihin sa akin na duwende daw ako. As in memorize ko na yung mga orasyon ng mga albularyo, pero mas kilala ko si Ka Tasing sa may Sto. Tomas, Batangas. LOL! Wagas ang pang-gagaway ni Ka Tasing, kung ang ibang albularyo mga dahon dahon at tawas tawas.. lumelevel-up ang lola mo: ITLOG ang peg!! oh di bah! ibang level? Hindi mo naisip na pwede palang gamitin ang itlog sa panggagamot. LOL! Anyway, konting dasal.. konting kembot… sabay basag ng itlog sa isang plangganang tubig.. violah!!! alam na ang sagot sa aking karamdaman! hahahaha… Hindi ko maisip kung paano niya nakikita pero bawat basag nya ng itlog sasabihin lang naman niya ay na-duwende. Tapos ide-describe pa nya based sa hugis ng itlog ang hitsura ng duwende. JUSME!!! Abstract painting ang drama? ganun? LOL!! as in wala akong makitang mukhang dwende sa binasag na itlog na lulutang-lutang sa tubig. LOL! Well, atleast sa kamay ni Ka Tacing ako ay gumaling. LOL! Medyo malaki-laki din ang nakulimbat ni Ka Tasing sa akin. hehehehe. At ano kaya ang ginagawa niya sa mga itlog na binasag? scramble egg or omelet? hahahaha.

Bukod sa mga albularyo, may mga pang-general medicine din kami tulad ng diatabs, medicol, biogesic etc.. pero instead na nabibili sa botika… neng, mas mabisa ang kamandag ng mga pinakulong-charorot ng inay. hahahaha… hindi ko malilimutan pag masakit ang aming tyan, magpapakulo ang inay ng sandamakmak na dahon ng star apple tapos ipapainom sa amin. I’m telling you kahit ako yung tae maninigas ako sa sobrang pait ng lasa… as  in wagas na wagas ang pait… yun tipong hindi ka na lang hihinga para lang malunok mo ang pinakulong dahon ng star apple. hehehehe

May tigdas ka? wag kang umarte na may pampaalis ng kati… walang pambili ng caladryl. hahahaha.. ang solusyon ay napakasimple… May isang puno sa amin na ang tawag ay kaligas… Para gumaling daw ang tigdas, kailangan pumutol ng sanga nito tapos ibibitin ito sa kusina kung saan nagluluto (take note kahoy lang ang gamit sa pagluluto wala pang shellane). Hindi ko alam kung anong hiwaga ng kaligas pero infairness gumagaling ang may tigdas sa amin matapos ang halos isang linggo. hehehehe..

Pero bukod sa mga dahon-dahon na gamot… me isang halaman sa amin na talagang iiwasan mo. Ang twang namin dito ay pungapong pero sa ibang bansa ang tawag sa kanya sa rafflesia. Sinasabing ito ang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo. Itong halamang ito ay walang pakundangan kung tumubo sa tabi ng bahay at ang pinaka-worst sa kanya tuwing lulubog ang araw saka ito maglalabas ng amoy na feeling mo nasa loob ka ng kubeta… as in parang tae ang amoy… so imagine yung lugar namin na ilang daang pungapong at pagsapit ng dilim sabay-sabay silang mangangamoy na parang ebak. haller gaganahan ka pa bang maghapunan? At ang mga bangaw… hahahaha… para silang na hypnotise lahat… derecho sa pungapong tapos kinabukasan… patay lahat ang bangaw… hehehe… Anyway, sabi nila tuwing season ng pungapong bawal masugatan dahil hindi ito gagaling hanggat hindi natatapos ang season ng pungapong… hehehehe.. and it’s true.  

Ngunit datapwat me gamot na naimbento sa amin na siyang kumontra sa kamandag ng pungapong… Wala pang tawag dito until now.. pero siguro tatawagin ko siyang: “Gusto mong lumandi, magtiis ka sa hapdi.”  (ang haba-haba ng name.. ano kayang scientific name nito? hahaha)

Heto ang ingredients and how to prepare:

  • kumuha ng lata ng sardinas (empty na dapat at wag itanong kung bakit kasi di ko din alam. LOL)
  • kumuha ng langis ng niyog at ilagay sa lata ng sadinas (half lata lang)
  • kumuha ng mga limang piraso ng siling labuyo (yung pinakamaanghang) at ilagay din sa lata ng sardinas
  • mix all the ingredients 
  • ilagay sa ibabaw ng apoy at pakuluan hanggang halos madurog na ang sili.

Neng, na-try ko tong gamot na ito at talagang mapapasigaw sa hapdi. Imagine ilalagay siyang mainit pa sa sugat mo.. eh kung ako man ang mikrobyo nanaisin ko pang mamatay na lang kesa dapuan ng kumukulong langis na may sili. hahahaha… Kaya noong bata kami at nakita ng aming mga inay na may sugat kami dahil nadapa o nahulog sa puno ng niyog or mangga… Alam mo na ang susunod na mangyayari: MAGTIIS KA SA HAPDI. 

#gamot
#ancient_med
#kwen2niernie

Mga Komento

Sinabi ni Armine Rhea Mendoza
Haha, ala'y utas ako dito. Relate much sa pungapong at iba pa. Naghahanap lang ako ng albularyo sa Batangas at feeling ko nanuno ako noong Huwebes sa ilog, tas ito ang bumungad sa akin. Pinahagalpak ako ng mga blogs mo. Salamat sa tawa. ;)

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin