Rage at Windy Ridge

Sa mga katulad kong mahilig mag biyahe na parang si Drew (Biyahe ni Drew) for sure makakarelate kayo dito sa susunod kong kwento. 

Sa tuwing magbibiyahe kami ni Nali, months before kami umalis inihahanda na namin ang lahat from airfares, hotel, car booking, itinerary ng mga papasyalan namin, etc. para di na kami na-stress pagdating sa lugar ng aming pupuntahan at hindi na-iba ng umuwi kami noong December para magpunta sa Tagaytay. Pabalik na kasi ang inay sa US at since hindi pa daw siya nakakata-Tagaytay kaya sabi ko kahit ilang araw lang kami sa Batangas dapat makapasyal kami khit 1day lang. hehehe. :) 

October pa lang naka-prepare na ang lahat lalo na ang hotel namin titigilan. Research sa internet ng recommended hotel sa Tagaytay and dahil hindi ako masyadong familiar sa lugar kaya nag-based lang ako sa mga reviews ng mga guests kung okay ba ang hotel or not. Sa dami-rami ng aking makikitang hotel Windy Ridge ang sa palagay ko ay okay.  Sabi sa review maganda daw ang location at may view ng Taal Volcano. Maganda ang mga pictures na nasa website kaya sabi ko go go go na ako sa booking kaya kaskas galore ang credit card.

Excited ng magkita-kita kami ng mga Inay after 2years since last visit namin sa US. I’m telling you walang kakupas-kupas itong aking inay. Dahil limited lang ang sasakyan galing sa baryo namin papuntang bayan ng Sto.Tomas, neng umangkas ang 76years na lola sa likod ng motorsiklo, bitbit ang kanyang backpack na may lamang damit. hahahaha…Mahihiya si Shaider sa pag-arangkada ng motor habang nsa likod si Inay. =)) **so alam na ninyo kung saan ako naka-mana ng pagiging DARE-DEVIL.**  LOL!!! Jusme iniimagine ko ang inay na sakay sa likod ng motorsiklo ng pinsan ko.. hahahaha… parang teenager lang ang peg ng lola mo. LOL!

Anyway, ng magkita kami ng mga inay sa dating tagpuan (Jollibee-Sto.Tomas), super excited kami at tinanong ko kung saan siya sakay.. LOL.. itinuro nila ng pinsan ko ang motor na naghatid sa kanila sa Sto.Tomas. hahahaha… kaloka talaga ang lola mo. 

From Sto.Tomas dumerecho kami sa Tagaytay at dahil wala naman kaming local sim to have GPS, so nag-print ako ng direction from Sta.Rosa exit to Tagaytay... mga 5pages din ng bond paper yun. LOL! Dahil medyo late na kaming dumating sa Tagaytay kumain muna kami sa isang restaurant. Sosyalin ang resto kaya naman ang inay hindi makakain.. hahahaha.. bakit daw walang kanin.. hahahaha.. :D  see, we cannot live without rice. hehehehe.. laking palayan ata kami. LOL!

From resto, basa ulet ko ng map.. sabi ko malapit na ang hotel namin at presto along the highway nakita ko na agad ang Windy Ridge.  Kaloka itong Hotel na ito, ang ganda-ganda ng picture  sa website yung tipong sosyal ang dating. At since sabi ko nasa middle cya ng Tagaytay atleast accessible siya sa lahat. Neng pagdating namin sa harapan ng hotel, hindi na kami makaparada eh apat pa lang ang sasakyan. hahaha… jusme buti na lang magaling si misis mag-drive at nakapagkasya nya ang kotse sa parking space. hahaha..

Pagpasok ng hotel, parang bumalik ka noong 1920’s. LOL! Yung reception area namin parang nasa bar lang na kumukuha ng order ng alak ang mga receptionist. hahahaha..

Sabi sa website Taal Volcano ang view so ako naman super excite.. naiimagine ko pagdating ng umaga, morning view namin ay Taal Volcano then we can sip ng coffee or breakfast while looking the lake… at ng ibinigay sa amin ang key… tsarannnnn... sa Basement 2 daw ang room namin.. So sabi ko okay since mataas ang lugar baka kita pa din ang bulkan. Neng, walang elevator bitbit namin ang maleta namin na parang aparador kasi galing kami sa Bacolod. Tapos yung room namin.. yun ang pinakamalaking room nila na halos di pa kami magkasya sa loob.. tapos gloomy pa ang kulay ng ilaw… at ang malupet… yun view namin… LAWANET (wood) na takip sa bintana… jusmeyooooo anak ng pitong pating.. hahahaha…. At ang mga hayop na receptionist na yun… sabi ba naman sa akin nag-double booking pa daw at na-cancel ang aming room at ililipat daw kami sa Basement 3???????????  WHAT THE HECK!!! gusto kong tumambling pero knowing me di naman ako nagpapatalo.. hehehehe.. kahit mukhang bodega ang aming room… hindi na kami umalis… hehehehe…. keribells na lang… hahahahaha..

Sabi sa hotel me libreng wifi… “ UNG" maabot ka ng signal sa basement. hahahaha… at heto ang malupet.. noong nasa reception ako tinanong ko kung bakit di ako makaka-connect sa wifi… neng 2 weeks na pala silang walang internet.. hahahahahaha… mauubos ang natitira kong buhok sa hotel na ito. hahahaha..

Anyway, since most of the time nasa labas lang naman kmi kaya pagtyagaan na lang ang aming hotel. 

Kinabukasan… ready na kami sa breakfast… pagdating namin sa reception area/dining area.. hahahaha… may mga nakahanda ng food… so sabi namin hindi  na daw kami pwedeng umupo doon kasi puno na… TAKE NOTE: wala pang tao pero yung naka-setup ay for 12-14 people ata at hindi na kami kasya.. so imagine the size ng place… Anyway sabi sa amin sa balcony na lang daw kami kumain. So okay lang naman since view namin ang Taal Lake pero ang neng ang kasama namin ay 76years old na lola.. at pag-ihip ng hangin katal na ang tuhod sa lamig.. hahahahaha… so after few minutes sabi namin pwede bang isinggit na lang kami sa loob.. hahahaha… baka manigas kami sa labas ng WINDY ridge sa lakas ng hangin at lamig. 

Noong naset-up na yung kakainan namin… Neng, isang hotdog, isang durog na itlog, tinapay na sing tigas ng bato, butter at isang mainit na kape na pagnahipan ng hangin ay manginginig na sa lamig. At dahil hindi nga kami nabubuhay ng walang kanin… we asked kung merong rice sila… HOLD YOUR BREATH heto ang sagot: Sir if pag 2nd day na ninyo me rice na kayo… LOL!!! muntik ng umagos ang dugo ko sa ilong at malunod na lang sa sariling dugo. hahahahahhahaha…. So anong difference ng today at tomorrow? Bakit iba ba ang bayad bukas? hahahahaha.. Kaloka.. sabi nila pang 12 na tao lang daw ang kanilang isinaing na rice…(referring sa kabilang table) LOL!!! So naiimagine ko pag 3days ka na… me konting taba na ng baboy ang agahan? ganun??? unti-unti ang handa kasi baka mag-sawa ang mga guest? PAKI EXPLAIN PLEASE!!! hindi siya maunawaan ng aking makitid na utak. LOL!!!

Anyway, buti na lang 1day lang kami sa Tagaytay… bwisit na Windy Ridge na yan… pag di naman nag-init ang bunbunan mo sa hotel na yan… at ang RAGE of anger mo ang mangibabaw ewan ko na lang.. 

Heto pa pala… pag tiningnan mo ang mga comments sa website nila.. super nice as in feeling mo talaga sosyalan ang peg… NOW I KNOW MGA STAFFS LANG NILA ANG NAG-CO-COMMENT sa website nila… hahahaha.. kakainis… nautakan ako.. hahahaha… So if you want to experience the beauty of Tagaytay… visit Windy Ridge Hotel… the hotel that will RAGE your ANGER. LOL!

Yun lang kumukulo na naman ang dugo… grrrrrr!!!!

Kayo ba anong mga horror hotel stories nyo? share na!! wag ng mahiya.. baka makatulong pa kyo sa ibang tao at hindi mapeke na tulad ko. LOL!

#tagaytay
#vacation
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin