Japan Japan sagot sa kahirapan Part 5

On our last day, we were supposed to attend the mass at Roponggi but we decided to attend na lang ng 12noon mass sa St.Ignacius near at Yotsuya Station para kahit paano maka-stay kami sa aming hotel. ‘lo and behold our breakfast even on our last day. hahahaha… anyway keriboom boom na atleast me laman ang tyan kesa naman walang laman davah!

Sabi namin ni Nali we will go to Meiji Shrine since dahil kay Obama di kami naka-visit so mag-visit muna kami bago magsimba at pagdating namin sa station na suppose to be bababa kami. naligaw kami.. hahahaha… so we decided na dumerecho na lang kami sa simbahan baka mastress pa kami kahahanap ng simbahan in the end. 

Kung ikaw ay nasa ibang bansa at gusto mong makakita ng pinoy… isa lang ang puntahan mo… simabahan…  kaloka ang daming pinoy… hehehe.. at wag ka meron pang nagtitinda pa ng pagkaing pinoy. hahaha.. SOPAS sagot sa malamig na panahon. hahaha. Anyway, while waiting kami na mag-start ang mass may grupo ng mga pinay na nasa likod namin. Kaloka sina ate chikka galore loob ng simbahan.. okay lang naman pero kung wagas na wagas naman… aba tumahimik naman.. pwede??? Hindi namin sila sinaway kasi sabi ko… sige lang ah… titigil din yan pagna-start ang mass at sa awa ng Diyos bugmagsak ang duct tape at tumahimik sila. LOL!!! Pero after communion heto na naman at umariba letran sa chikka sina ate… ah sorry na lang at nagsalubong na ang kilay ko.. hahahaha… “Ate pwedeng tumahimik muna?” hahahahahaha… sorry naman nasa simbahan paglabas na lang saka chumika kung na-miss mo ang mga kaibigan mo davah!

After the mass we decided to go to Imperial Palace since di kami nakapunta last time dahil kay Obaman and it was 1:15pm na at wala pa kaming lunch. So we went back to Tokyo Station then we walked and we found this dream ramen namin na matikman.. yung bibili ka sa vendo machine tapos bibigyan ka ng ramen. hahahaha.. epic!!! and it was really good. We finished around quarter to 2pm na ata and we started to walked papuntang Imperial Palace na suuupppperrrrrr layo. hahahaha..  at pagdating namin sa gate sabi sa amin sa kabilang gate daw ang open.. ‘neng kalayooooooooo. hahahaha… 

After namin pumasok sa Imperial Place… whhhaaa.. it was a massive place and hindi pa kami nakaka 1/4 ng area we found this garden with tons of pink flowers… wwwhhhaaa.. I want to rest there. hahahahaha.. ang ganda… it was like a dreamland na para ka lang nasa postcard.  At dahil we need to leave tokyo ng 3:25pm nagmamadali kaming umalis ng place and it was 2:45pm we started to walk back sa aming hotel and dahil super layo ng Imperial Palace sa aming hotel if you’re going to walk we thought hindi na kami makakaabot sabi ko kay Nali tatakbo sa hotel namin tapos maiwan na siya sa bus stop kung saan kami susunduin ng bus tapos ako na lang ang magbibitbit ng aming maleta from hotel. I know nagmamarathon ako pero ganun ang feeling na super nagmamadali at panic mode ka na para ng nagje-jelly ang aking knees. hahahahaha.. imagine it was 3:15pm papunta pa lang ako ng hotel and I need to carry 2 luggages pabalik ng bus stop. hahahaha.. sabi ko kay Nali wag nya akong iiwan at hintayin lang niya ako. hahahaha.. Jusme marathong galore ang drama ng lolo nyo pagdating ko sa hotel sabi ko kukunin ko ang maleta namin tapos sabi sa akin sandali lang.. jusme wala ng akong sandali.. hahahahaha.. sabi ko andyan na ang bus.. hahahahaha.. panic tuloy ang hotel staff. LOL!

Anyway, mega takbo ako hila ang dalawang maleta and thank God naakaabot ako… ang may kasalanan ng lahat ay si Obama. hahahahahaha.. eh kung hindi dahil sa kanya di na kami babalik ng Imperial Palace. LOL!!! Pero despite of 4Nights and 5Days in Tokyo ay parang kulang pa din.. hindi pa namin naikot lahat ang places. Pero ganun pa man yung memories we created were really great and I think hindi man kami mag-visit ng Tokyo in near future but all great memories will remain forever.

Sayonara & Arigato Tokyo.

#kwen2niernie
#tokyo
#japan
#sayonara
#imperialpalace


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin