Japan Japan sagot sa kahirapan Part 2 & 3
Totoo pala na ang balita na pag-jumapopo ka sa Japan talagang me painit pa sa pwet. hahahaha.. at kung talagang galit na galit ang tyan mo pwede kang magpatugtog ng Rock ’n Roll para di madinig ng katabi mong cubicle ang malakas mong jutot. hehehehe…
On our 2nd Day sa land of the rising sun, we just wanted to relax and that was the day of real adventure. Our hotel is very near to Tokyo Station around 5 minutes walk so we just walked all the way to the station. Jusme if ang iniisip kong station is like one station with two tracks ng train eh good luck lang na lang. Para kaming mga lasing na di alam kung saan ang daan pauwi ng bahay. hahahaha… May mga signage naman pero Japanese naman eh saan ka naman lulugar. Hindi ko alam kung saan tutulo ang dugo ng aking ilong pag nagtanong ka sa mga tao kung saan ang direction. hahaha… LOST IN TRANSLATION.
Pero I love ang mga tao dito dahil kahit duguan na sila ka-e-explain sa iyo ng direction at duguan ka na din kaiintindi they are trying their best para tulungan ka nila.. atleast pareho kayong duguan. hahaha..
From Tokyo Station we went sa Shinjuku Gyeon National Garden. According sa forecast maaga ang cherry blossoms this year kaya na sad naman ako kasi last time sa Seoul isang puno na lang ang inabot namin na may bulaklak. LOL.. Anyway sobrang baba lang ng aking expectations sa cherry blossoms this time. Pero ng pumasok kami sa park… yung una naming nakitang cherry tree ay kulang na lang ay aking sambahin. hahahaha.. Akala ko yun na lang ang natitirang tree na may bulaklak pero pagpasok namin sa pinakaloob… HEAVEN… hahaha.. kung sa unang puno halos mabalik na ako.. imagine me noong makakita pa ako ng marami pang cherry blossoms. hehehe.
Nakakatuwang pagmasdan ang mga Hapon… noong nasa loob kami ng park.. merong nagbebenta ng bento na pagkain… I’m telling you nagtatawag siya ng bibili pero yung normal voice ko mas malakas pa sa sigaw nya. (knowing me may built-in mega phone sa lalamunan). Anyway, amazed lang ako kasi kahit mahina boses nya nadidinig ng mga tao kasi sobrang tahimik lang nila. Siguro kung dito ako titira baka mabuwang na lang ako. LOL.
From the park, simula na naman ang aming amazing race. hahaha… kaloka talaga… hirap na hirap silang turuan kami ng direction pero love ko na sila sa effort.. A+ for effort…
We went to Meiji Shrine pero sarado… alam nyo ba kung bakit? Jusme andito si Obama at bumibisita. nakakabaliw… matapos naming halos mamatay kahahanap ng lugar… pagdating namin di pala pwede. kaloka! So we decided to go back sa Imperial Palace.. Neng malayo pa lang kami me barikada na ang gate. CLOSED din????? Vhaket??? Tell meeee!!!! Sabi ng guard dahil daw kay Obama… jusme… kaya ba niyang mag-visit ng 2 places in one time? ano siya pwedeng mag-aparisyon? **hindi naman ako galit noh?** hehehehe…
So dahil wala kaming napuntahan… we decided to go back sa hotel for our dinner with Nali’s friend. Nakakatuwa lang kasi we discovered na super lapit lang pala ng aming hotel sa Imperial Palace tapos we tried to get lost sa Tokyo Station. hehehe.. and we found lots of shops a long the way.
We had dinner with Joel (cousin & kababata ni Nali) at Midori Sushi. If you’re visiting Tokyo try to find this place at Ginza.. From Shiseido and Fukujara pumasok sa maliit na alley all the way to the end… Long queue in front of the restaurant, yun na ang place. The taste was superb! Ngayon ko lang nalaman na ang right way of eating sushi dapat ang wasabi is together with sushi not separated na usual kong ginawa. hehehehe..
While we’re waiting for food… bigla na lang me Mr.Swabe na tumigil sa harap namin.. hahahaha… and it was Tito Beng our beloved Tito from CFC Singapore who moved na sa Japan. He had dinner with his colleague.
After our dinner with Joel we called Tito Beng if he still want to meet us. hehehehe… And he said yes… Jusme while we’re drinking **ahem.. umiinom na ako.. hahahahhahaha** Tito was rushing to go back home sa Yokohama… hahaha.. at naiwan kami together with Simon. LOL!!! kwentuhan kami until 2am na ata.. hahahaha… kumusta naman ang eyebags namin. hahahaha.. From Ginza we walked all the way to our hotel.
Day3
It’s our4th year Anniversary and the magic of Disney will always there. hehehe… I’ve been in Disney HK & Anaheim, CA pero iba din ang ligayang hatid ng Tokyo. hehehe… Parang bawat disney ata me kani-kanilang ligayang hatid sa bawat bisita.
Nakakatuwa lang dito sa Japan, costume galore ang mga tao pagpasok pa lang sa Disneyland. Imagine mapabata o mapamatanda bumibili talaga sila ng mga headgears at walang pakialam kung mukha ka kang abnoy.. keri lang gora bells lang sa pagrampa. hahahaha.. kahit ang mga tatay naka-mickey na headgear din. LOL… at feeling ko maraming estudyante ang nag-cu-cut ng class nila kasi maraming naka-uniform tapos pare-pareho pa sila ng suot sa ulo. LOL!!! nakaka-aliw pagmasdan.
Dahil medyo observant ang lingkod nyo dito ko napansin na ang selfie ay maraming evolution dito sa Tokyo. hahahaha… me slap pose, back slap pose, double peace sign pose with eye in between. LOL!!! I know di nyo mage-gets and I don’t want to post my picture nito. hahahahaha.. baka mawalan ako ng social life after. LOL..
Anyway, we ended our Disney tour with Electric Parade and it was really great. Imagine more than a million lights ang nagpa-parade.. it was really spectacular and you should wait it kahit manigas na ang pwet nyo kauupo sa semento while waiting sa parade to start. hehehehe.. :)
#kwen2niernie
#tokyo
#japan
#lostintranslation
#tokyostation
#midori
#disneyland
Mga Komento