Maxi-peel (Kutis Artista..Kutis Maxi Peel)

Naalala nyo pa ba ang commercial na Maxi Peel nina Claudine at Kristine noong kasikatan ng Walang Hanggan at Pangako Sa'yo? Yung commercial na may tagline: Kutis artista.. Kutis maxi peel.

Ang susunod kong kwento ay hindi tungkol sa akin pero tuwing maaalala ko ito sobrang natatawa ako at dahil sensitive ang topic kya itatago natin sa pangalang 'Buknoy' ang ating bida ngayon. LOL... Jusme mahirap na baka maharangan ako sa kanto pagnalaman na siya ang topic natin. hahahaha..

Lumaki sa hirap si Buknoy at ang tanging ikinabubuhay ng pamilya ay ang pagbubukid. Noong kanyang teen years kasagsagan ng kanyang tighawat at kahit Master by Eskinol hindi ma-master kung paano patitigilin ang pag-usbong ng mga naglalakihang tighawat na parang merong sariling mga buhay. LOL!

Ng lumabas ang patalastas ng Maxi Peel para siyang nabuhayan ng loob lalo na pag nadinig nya ang tagline: Kutis Artista... Kutis Maxi Peel. Sino ba naman ayaw magkaroon ng kutis artista? Yung makinis, flawless, glowing, yung face na mahihiyang tumubo ang tighawat. Di ba kahit dugyot gusto ang ganung fez? At isa si Buknoy sa nangarap ng kutis artista.. kutis maxi peel.

Ang maxi-peel merong mga number yan from 1-4 ata. The higher the number mas mag-pe-peel ka.(tama ba ako?) Anyway, pinagipunan ni Buknoy ang sasagip sa kanyang fez. Ang Maxi Peel na kutis artista...kutis maxi peel.

Ng sumapit ang araw na makabili si Buknoy ng Maxi Peel talagang nabuhayan siya ng loob. Kumuha siya ng bulak at inilagay ang Maxi Peel. Dahan-dahan niyang ipinahid ang maxi peel sa kanyang murang fez. Masakit at mahapdi pero titiisin nya ang hapdi para lang ma-achieve ang kutis artista...kutis maxi peel. Matapos niyang maglagay ng maxi peel nadinig nya ang tawag ng kanyang ama sa kanya.

Ama: Buknoy, asan ka?
Buknoy: Andito lang po.
Ama: Pumunta ka nga dito at kunin mo ang araro at tayo ay pupunta sa bukid.

Dala ang araro at ang kanilang alagang baka simula sa bukang liwayway hanggang tumirik ang araw at lumubog ito.. walang humpay na nag-araro ng kanilang sakahan si Buknoy.

Matapos ang araw dali-dali siyang naligo at naglagay ng kanyang maxi peel.. kutis artista..kutis maxi peel. Mahapdi pero konting tiis kung gusto mong lumandi. LOL!!!

Kinabukasan hindi pa tumitilaok ang manok dali-dali siyang humarap sa salamin. Laking gulat nya sa kanyang nakita... Hiyang-hiya ang maxi peel sa sobrang peel ng fez ng lolo mo. LOL! Pulang-pula na parang longganisang Lucban ang lolo mo at talaga hiyang-hiya ang maxi peel sa pag-peel. LOL! Jusme ikaw pa naman maglagay ng maxi peel tapos magbilad ka sa ilalim ng araw ng buong araw kasama pa ang lahat ng alikabok ng bukid ewan ko lang kung di ka mamula na parang kamatis na malapit ng mabulok...LOL! Kaloka mga isang buwan din naman siyang rosy cheeks at infairness na achieve nya ang kutis artista.. yun nga lang mala-walking dead lang ang peg. LOL!!! **joke lang!**


#maxipeel
#kutisartista
#kutismaxipeel

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin