Medical Exam
Noong nagaaral tayo ang gusto natin lagi ay pumasa sa mga exams. Gusto natin ang marka natin ay laging A+, pero may isang exam na minsan gusto natin sana negative ang makuha para pumasa at ang tawag dito ay Medical Exam.
Matapos ang kontrata ko sa Jollibee, nakakuha ako ng trabaho as Salesman sa Fairmart Cubao at dahil mas sosyal na ito kesa sa Jollibee hindi lang basta-bastang Health Seminar ang iyong aattendan kundi kailangan mo pang kumuha ng Medical Exam.
Sinabihan na kami ng HR na bago pumunta ng headoffice nila dala na daw kami ng stool (tae) as specimen. From Cubao pumunta ako sa may likod ng Raon sa Quaipo kasi andoon ang headoffice ng Fairmart tapos ni-refer nila ako sa isang clinic sa may Taft Avenue. Me mga kasabayan ako ng panahon na iyo at dahil Mr. Friendship ang lingkod ninyo madami din akong nakilala along the way. Anyway, dahil 17 years pa lang ako noon mukha pa akong yagit at dugyutin. LOL!!! Bitbit ko ang aking backpack na laman ay sandamakmak na documents. Yung ibang kasama ko kung makapasosyal feeling sa Makati magtatrabaho. Buti na lang me kasama din akong isang lalaki na mukhang laki din sa bundok at bitbit ang malaki nyang backpack. hehehe… mukhang me dalang lunch box ang lolo mo. High School lang ang drama.
Jusme sa entrance pa lang ng clinic wagas na pila. So hintay-hintay kami sa ilalim ng tirik na araw. Halos mag-12noon na din noon kaya medyo nagugutom na din ako. Sabi ko sa sarili ko buti pa itong kasama ko at mukhang me dalang pagkain at pwede siyang kumain anytime. Anyway, noong time na namin pinapila kami isa-isa bago makapasok sa maliit na clinic. Tapos yun pala i-co-collect nila ang specimen. Kasunod ko yung kasamahan kong lalaki sa pila at matapos kong iaabot ang aking stool na naka-vial; isang garapon ang iniabot ni kuya sa nurse nahalos magpanginig ng laman ni ate sa pagtanggap ng garapon na me lamang japopo ni kuya. hahahahahahaha!!!! Kaloka!!! yung akala kong lunch box ng hayup ay isang gigantic na popo pala ang laman. bbbwwhahahahahahahaha!!!! Imagine yung hitsura ng nurse na halos mamutla sa gulat. hahahaha.. para siyang nakatanggap ng Oscar Award sa garapong regalo ni kuya. LOL!
Ano bang magagawa eh lumaki sa bukid di siguro alam na konting popo will be enough para makita ang kaluluwa nya sa microscope. :D
Nang mahimasmasan kami sa labas pinaupo na kami sa loob ng clinic. Sa loob, parang sala na hinati ito sa tatlong mini-rooms na natatakpan lang ng white cloth. Na-notice ko lang yung mga lumalabas sa mini-rooms para ang lulungkot; sabi ko naku mukhang bagsak ata ang ibang kasama ko. Anyway, ng tinawag na ang pangalan namin, tatlo kaming pumasok sa tig-iisang room.
Pagpasok ko pa lang mega-smile na ang lolo nyo; pero ang napatapat sa aking doktora ay mukhang kasagsagan ng kanyang period. Neng, mahihiya si Ms.Minchin sa hitsura ng lola mo. Nakasimangot! At ang mga sumunod na pangyayari ang sumira sa aking murang katawan:
Dra: Hubad!
Me: Po?
Dra: Hubad! (sabay turo sa suot ko)
Me: Po? (nangingig akong sumunod sa lola mo. Tinanggal ko ang aking damit tapos tinakpan ko ang aking dede. hahahaha!!)
Dra: Hubarin mo ang pantalon mo!
Me: Po? (jusme ganito pala ang pakiramdam ng hahalayin. LOL!!! Dahan-dahan kong hinubad ang pantalon ko at natira na lang ang brief ko.)
Dra: Ano pang ginagawa ng brief mo?
Me: Po? Pati po ba ito?
Dra: Eh anong gusto mong gawin ko? Titigan yang suot mo?
Grr!!! Sungit!!! Parang galit sa mundo!
Dahan-dahan kong hibubad ang brief ko at wala na akong naitago kay Ms. Minchin.
Dra: O cya tuwad na! (me hawak na flashligh!)
Me: (Jusko Lord, maawa po kayo sa akin!)
Ilang beses niyang nilentehan ang pwet ko. hahahaha!!!
Akala ko tapos na at ng humarap ako kay Dra. Bigla nyang hinawakan ang aking betlogers at inalog-alog. hahahahahaha!!! Muntik na akong mapasigaw at mapasandal sa kama sa pagkagulat. LOL!!!
Matapos mababoy ang aking pagkatao, lumabas akong room na parang ginahasa at pagod na pagod. At ng makita ko yung kasamahan ko nagkatinginan kami at bigla kaming nagtawanan. LOL!!! Pareho kami ng karanasan. hahaha!!! Nababoy ang aming pagkatao.
Sa awa ng Diyos nakapasa ako sa panlasa ni Ms.Minchin at nakatrabaho ako sa Fairmart. hehehehe.
#fairmart
#medicalexam
#kwen2niernie
Mga Komento