SMELL-anie marquez versus DJ Love

Tayong mga pinoy (hindi naman lahat), masyadong tayong concious sa ating sarili lalo na sa ating amoy kaya naman ng una akong dumating sa ibayong dagat hindi ang ganda ng SG ang una kong napansin ngunit ang kahindik-hindik at makamatay kaluluwang amoy ng tao.hahaha. Kung nasa MRT ka sa pinas at may kasabay kang may putok dagdagan mo pa ng pinakulong medyas na bulok.. yun baka pwede ng itapat sa amoy. LOL!

Bawat kulay ng train line dito feeling ko iba-iba ang amoy. Pagsumasakay ako ng green line (pioneer-pasir ris/changi), amoy panis na laway ang amoy ng train. hahahaha.. yung tipong pagbukas ng pinto ng train sabay ihip ng hangin... masasabi mo.. syet.. panis na laway na bulok. hahahaha... Yung tipong umalis ng bahay ang lahat ng pasareho ng hindi pa nagmumumog sa agahan. Mga ganon ang level. hahahaha.

Sa purple line naman (harbourfront-ponggol), dati rati wala pang amoy ito pero ngayon, pinagsamang putok na nabulok na curry. hahaha... parang baktol (ika-pitong level ng putok). hahaha. As in, minsan gusto mo na lang magbaon ng tawas at mamigay sa loob ng train. LOL.. tawas tawas din pag may tym. LOL! Piso kada pakete me kasama pang kendi. LOL!

Sa red line (marina bay - jurong east), iba naman ang alindog nito.. depende sa araw. hahaha... minsan amoy pinaputok na putok. LOL.. yung tipong putok na nakakabinggot. hahaha.. minsan naman parang me naka-tapak ng popo at naiwan sa sapatos ang amoy. LOL! Tapos minsan sobrang baho na biglang me mag-hihikab pa sa mukha mo na walang pakundangan na parang sinasabi ng tonsil "HELLLOOO WORLD." jusme kaloka ang kamoy. hahaha.. Labas ang utak sa paghikab... kaloka!

Ngunit ganun pa man hindi yun ang gumulat at nagpatigil sa ikot ng aking mundo. Alam ba ninyo kung ano? Heto't pakinggan ang aking kwento: Isang araw habang sakay ako sa bus at medyo siksikan. Merong sumakay na magkakaibigang babae sabi ko pwedeng mga model. Naka mini skirt at naka tube ang mga lola mo.. dahan-dahan pa silang pumasok ng bus tapos biglang nag-break ang driver at sabay-sabay silang kumapit sa handrail na nakataas ang kamay... tsssaaarrraaaaaaaannn.... lumantad sa aking harapan ang makapal na buhok sa kili-kili... hahahahaha... kaloka sina ate mas maton pa sa akin ang kili-kili. hahahaha... Jusme akala ko rainforest sa kapal. hahahaha.. =)) Mahihiya si "DJ LOVE" ng Moon of Desires ang peg ng kili-kili. hahahaha... =)) gusto kong kumuha ng lawn mower at ahitin ang buhok nina ate. hahaha.. kaloka.. parang taong unggoy lang!

Anyway, kahit puro kalokohan ang sinulat ko ngayon may mga natutunan naman akong leksyon. LOL!

1.) Kung mahabo ang amoy ng ibang lahi para atin... alam nyo bang mabaho din tyo sa kanila? Sabi ng iba amoy isda daw tayo. hehehehe... haller sarap kya ng tuyo. LOL!

2.) Sa Tsina ang babae pag ahit ang buhok sa kili-kili ay jopokpok. so kaya normal sa kanila ang hindi pa ahit ang kili-kili. hehehehehe.. kya wag kang magulat kung minsan me makita ka pang naka-braid. LOL!


#putok
#buhok_sa_kilikili
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin