Soshalerang Froglet

Itong kwento kong ito ay tungkol sa dalawang tao na halos araw-araw kong nakikita. Isang tsuper ng taxi at ang taga-timpla na kape sa opisina. Nakakatuwang pakinggan ang kwento nitong dalawang ito as in super ibang level ang pagiging sosyal. Minsan kasi iniisip natin na ang pagiging sosyal ay sa pananamit lang nakikita pero wag ka hindi sa lahat ng pagkakataon sa pananamit ito masusukat. Yung iba nga branded ang damit ulam naman ay tuyo. hehehe.

Yung tsuper ng taxi ay araw-araw ko itong sinasakyan pag pumapasok sa opisina. Bago pa lang mag-6am ng umaga na sa labas na siya ng lobby ng bahay at naghihintay sa akin. Simple lang kung iyong pagmamasdan pero sa loob ng halos tatlong taon naming magkasama araw-araw, lahat na ata ng pwede naming pagusapan ay napagusapan na namin… ultimong kasaysayan ng bansang ito.. naikwento na nya sa akin. LOL. (Konting Trivia: Dati pag sumakay ng taxi pwede pang me sumakay hanggang mapuno at ang ruta lang ay kahabaang ng Upper Serangoon. oh di ba!.. hehehehe… jeepney lang ang peg?!)

Nasa 60 na ang lolo natin at saan ka naman mas marami pa siyang alam sa akin sa stock market considering ito ang trabaho ko araw-araw. LOL! Sabi nya kahit hindi na siya magtrabaho pwede na siyang mabuhay tutal wala na naman siyang pinag-aaral. Ang dami-dami niyang stocks at hindi lang yan... ang dami-dami din nyang insurance na halos mag-ma-matured na at pwede na nyang kunin ang pera nya. hehehehe…  Dahil tsuper nga lang siya ng taxi kaya wala siyang leaves dahil kailangan nyang mag-drive araw-araw... pero wag ka… minsan naisipan niyang lumipad papuntang Europa ng kalahating buwan at nagmasyal.. Hiyang-hiya naman ako sa lolo mo!

Isang araw sabi ko sa kanya mawawala akong ilang araw kasi pupunta ako ng US para bisitahin ang aking pamilya. Jusme nag-booked din ang lolo ng papuntang Japan at nagliwaliw with matching send pa ng pix yan sa wattsapp to update me… LOL!!! Nagpunta ako ng Korea, lumipad sa Taiwan ang lolo mo. hahahaha..  Noong isang araw, sabi nya hindi daw nya alam kung saan siya pupunta this year. hahahahaha… hiyang-hiya naman ako. hahaha… Sabi ko mag-US na lang siya, pero iniisip nyang mag-1 month sa Australia. Saan ka naman di ba? Soshalera ang peg! 

Kung gaano kasoshal ang aking tsuper… hindi pakakabog ang taga timpla ng kape sa opisina (wait ka-fb friend ko cya.. so inggat ako sa ikukuwento ko.. hahahahahaha…) 

Chikadora ang itong lola natin, as in araw-araw tagalog nya akong binabati sa opsina.. Lunes hanggang Biyernes kaya nyang sabihin… Noong isang araw bigla niya akong tinawag na MAKULET… hahahahaha… =) lumelevel-up nag lola mo.. hahahaha.. :)

Noong isang araw habang kumukha ako ng kape, bigla kong nagaalala na nagpunta na siya sa Japan. Sabi ko sa kanya: Tiya nakapunta ka na ng Japan di ba? (tawag sa mga matatanda dito ay Tiya at Tiyo na english). Neng, lumevel-up ang lola mo.. sabi ba naman sa akin; hindi lang sa Japan, sa China, sa Thailand, sa Australia, sa Hawaii (habang sumayaw pa ng pearly shell). Jusme ang taray ng lola mo ha… linis-linis lang ng plato… timpla timpla lang ng kape… punas-punas ng kalat... pero wag ka TRAVELLER ang peg. Nasira ang bagong samsung galaxy na phone… sabi nya.. throw throw… hahahaha… kung sa atin yun pwede pang mag-give aways sa Christmas Party…. LOL!!!

Nakakatuwang isipin na kahit simpleng mamayaman kaya nilang mag-enjoy ng buhay sa kanilang edad. What I mean is meron silang sapat na salapi na madudukot. Minsan iniisip ko; paano kaya ang karaniwang mamayaman sa bansang sinilangan, balang araw ba magagawa din nilang maging soshalerang traveller tulad ng aking tsuper ng taxi at taga yung timpla ng kape sa opisina? Wala lang naisip ko lang at umaasa akong balang araw mangyayari ang lahat ng ito.

#soshalerang_froglet
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin