HALEY vs BOY BAWANG

 I know masama ang ugali ko at medyo mapanglait siguro dahil ako'y Pinoy. LOL!!! (talagang i-justify??)  Pero nagulat ako yung kasama kong Pana (i hope alam nyo na kung anong lahi ito... doon sa kanta ni Eddie Garcia dati na: ------ PANA kakana kana... gets nyo na?) Anyway nagulat ako ng sabihin nya sa akin na lahat ng kasama namin sa trabaho dati may codename siya. natawa ako sa sarili ko kasi hindi nya alam na may code din ako sa kanya.. hahahahaha... at ang worst sa code ng mga pinoy as in parang wala ng bukas pag nagbigay tayo ng code.. Ang mga code nya mga Hitler, Bulldog etc.. di ba walang kabuhay-buhay... pero ang mga codenames ko: Bugnot (kasi 7am pa lang mukhang galit na agad sa mundo), Panda (para kasing si Kung Fu Panda), si Hyper (500km/hr sa bilis magsalita.. hahahaha..) etc...

May kasama kami sa trabaho ngayon at itago natin siya sa pangalang Haley. Bago lang siya sa amin kasi nalipat siya ng team sa amin. Anyway, wagas itong si Haley... malinis tingnan pero 'neng pagnalanghap mo na.. as in langhap sarap na tipong manunuot sa utak mo ang lahat ng amoy. hahaha... yung dahan-dahan na gumagapang sa buong kaluluwa mo ang amoy... hahaha. Hindi din masyadong kaputian ang ngipin ng lolo mo kasi parang dilaw na ma-brown ang dating na minsan may naiiwang tinga pa. LOL!!! tapos ngingiti sa'yo.. hahahahahah.. por dios por santo. LOL!!! Gusto kong kumuha ng brush at toothbrushan ang lolo mo. LOL!!!

Isang araw may kasamahan kaming umuwi sa pinas at nagdala ng Boy Bawang na pasalubong. Dahil mga hayok na hayok sa pagkaing pinoy ang mga tulad kong OFW ang tulad ng boy bawang, chocnut, nagaraya ang mga ilan sa malimit na pasalubong. LOL!!! Tuwang-tuwa ako sa Boy Bawang kasi ito yung malaking pack na hindi tig-singkwenta ang presyo (mayroon ba bang tig-50 cents?) Anyway bumalik ako sa upuan ko tapos excited akong buksan; sabi ko kay Haley kung gusto niya. Sabi nya, Bawang.. katulad ng salita sa aming bansa… sabi ko Oo marami tayong magkakaparehong salita. hehehe.. (hindi siya taga dito sa SG). Anyway, matapos kong i-explain ang Boy Bawang… bigla ba naman sabihin sa akin.. Ayaw ko kasi BABAHO ang aking hininga. WHAT!!!!???????????? jusme muntik na akong tumambling sa kinauupuan ko at magpatiwakal sa sagot ng lolo mo. hahahahaha… Hiyang-hiya naman ako sa amoy ng Bawang kumpara sa kanyang hininga!!! Noong binuksan ko na ang Boy Bawang… siya din lang naman ang umubos… hahahahahaha…Kaloka talaga itong si Haley! hmpf! Teka bakit nga ba Haley? Jusme tinatanong pa ba dyan… dahil sa kanyang haleytosis.. LOL!!! hahahahaha… Ang sama-sama ko talaga.. hahahaha… Eh mas mabango pa ang Boy Bawang kesa kanyang hininga eh… kaso pag namix with Boy Bawang… PATAY tyo dyan… hahahahaha… ihanda na ang Alcogel para di maamoy. hahaha!

#haley 
#boybawang
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin