Pers Job Neber Dai

I was 16 sixteen when I started to work and before I landed my first job; a lot of funny moments ang aking na-experienced. It was a summer of 1995 when I got my first job as service crew in Philippines leading fast food chain (Jollibee). 

Heto ang hinding-hindi na matatawaran na mga moments ko noon. Sa Jollibee Araneta Coliseum ako natanggap since sa malapit New York (hindi US kundi Cubao) ako nakatira: Ermin Garcia St to be exact. Bago ako punta sa interview ang dami ng mga reminders ni Ate Pilar that time (stage sister?? ganun??… hehehe..) at ang hindi matatawarang sagot sa tanong ng boss: Bakit kailangan mong magtrabaho? Wala bang trabaho ang mga kapatid mo at magulang mo? I’m telling you na-memorize ko na kung saang mata ako luluha pag tinanong sa akin ito. LOL!!! Kidding aside; simple lang ang sagot that time, sabi ko lang: I want to help my family. Hindi kami mayaman at kailangang kumita para may pantustos sa pag-aaral.  Pero mas wagas ang sagot ko ng tinanong ako kung i-ra-rate ko daw ang sarili ko from 1-10 tapos 10 ang highest ano daw ang rate ko sa sarili ko. Brace yourself sa sagot ko: “9.9, I believe there’s no such thing as perfect but I’m aiming for perfection.” hahahahahha!! pag naiisip ko ang sagot gusto kong magpatiwakal. LOL!!! Actually turo yan ni Ate Irene. hahahaha…  thanks sis sa TIPS. LOL! Jusme baka ako bigyan ng korona nyan. hahahaha!!!

Dahil mukha pa akong sariwa ng mga panahon na yun at wala pang muwang sa mundo, natanggap ako sa Jollibee at pakiramdam ko that time ang sosyal sosyal na ng aking pagtatrabahuan. LOL.. hahahaha.. Jusme sa pagprepare pa lang ng requirements talagang walang kinabukasan.. ANG DAMI!!!

Isa  sa requirement ay ang umattend ng health seminar sa Quezon City Hall.

Pagdating ko sa cityhall sabi sa akin kung may 2x2 pictures daw ako. Eh dahil kasagsagan ng init ng araw, pawisan pa ako na tila naglalatik na ang aking kili-kili sa pawis sinabi ko lang kay ateng masungit: WALA PO. Pero di nagpakabog si ate punta daw ako sa labas tapos me photobooth daw doon para sa 2x2 pictures.

Oh! wag mataas ng kilay ha! Dahil taga bundok ako, hindi pa ako nakakakita ng Photo Booth. hahaha… So hanap na ako ng hanap ng Photo Booth, buti na lang ng nagtanong ako, yun pla katabi ko na yung lintek na booth na yun. hehehe.. So akala ko naman me tao sa loob ng booth, yun pala bayad lang ako sa labas tapos pasok sa loob. So dahil taga-barrio, umupo lang ako sa harap ng salamin. Tapos hintay ako ng hintay kung saan lalabas ang camera. hahahaha… Nakatingin ako sa taas, Tumayo ako sa upuan tapos lumapit sa salamin, nagpupunas ng pawis, nakatalikod kasi akala ko nasa likod ang camera, tapos lumabas ako ng booth, tapos pumasok ulet… Pagkatapos ng ilang minuto sabi sa akin ng mahaderang babae sa photobooth, tapos na daw. Jusme, nagisip tuloy ako kung saan ako kinunan ng picture. hahahahaha… at ng matapos ma-process ang picture.. HAHAHAHAHHAHAHAHA!!! #alamna! hahahahahaha… walang matinong picture na lumabas. as in.. para akong tanga. hahahahahaha.. 

Anyway, matapos maubos nag aking 50 pesos sa lintek na 2x2 na picture na yan, binalikan ko si ate sa cityhall tapos pinapunta kami sa loob ng isang room. 

Sa loob ng room, mga 50 katao ata kami ata pawang nakakita ng trabaho. May mga taga-SM, factory, fast food etc. At ng pumasok ang magco-conduct ng seminar sa amin sabi ba naman: hhhmmm may mga bagets pa dito.. sabay sulat sa blackboard na AIDS. Kaloka, papasukan kong trabaho taga-luto ng manok hindi naman masahista sa Timog. hahaha!!! Anyway, hindi ako makakakuha ng isang bluecard kung di ko ito matatapos so nakaupo lang ako sa isang sulok, hanggang dumating na sa paggamit ng condom ang topic. hahahahahaha.. Imagine a 16years old na totoy na galing sa bundok ang ituturo ay paggamit ng C. LOL!!! And guess what, meron pang “etits” na relic si ate na galing Baguio pa ata yun. HAHAHA.. as in yung super laking ash tray na etits. hahahahaha… Tapos ipinakita nya ang tamang pagsuot ng magic-C at ang pinaka-winner sabi ni ate pwedeng gamitin ang bibig sa pag-suot. hahahahahaha.. with FULL-HD demonstration ang lola mo.. performance level!!! hahahaha… **sakit sa bangs ni ate ha!**

Buong araw ako sa Cityhall para panoorin ang performance ni ate.. yyiikkeesss!!! hahaha…

Ng mag-simula na ako sa Jollibee, nag-start ako as Dining; yung mga taga punas ng table at taga-linis ng kubeta.  

Isang araw me bulk order, so syempre pa-bibo ka dapat. So mega tulong naman ako sa patong-patong na spagetti, burgers at drinks sa isang tray. At sa awa ng Diyos dahil me pagka-clamsy ang lolo nyo nadulas ako infront of all people. LOL!!! As in humagis ang laman ng tray sa ere, pero nasalo ko naman ang isang burger, the rest nasa floor ng lahat. hahahhaha.

Pinaka-hate ng lahat ng nsa dining ang mag-linis ng toilet. Kahit naman mahirap kami choosy din minsan noh… Anyway, isang araw ay nagreklamong customer kasi daw yung toilet barado eh mukhang jebs na jebs ang lolo mo. So ako naman takbo agad sa CR tapos dala ang mga pag-linis. Pagbukas ko ng cubicle, medyo may mga UFO na sa loob (Un-idenfied Floating Objects) LOL!!!! So ako naman mega buhos ng mga panlinis at kung anik-anik sabay FLUSH!!! Neng, ganun pala ang feeling ng papalapit na LAVA sa’yo… lahat gagawin mo para maiwasan mo. hahahaha.. as in tumakbo ako palabas ng toilet at tinawag ko ang Manager ko. hahahaha… at pagbukas ng toilet.. #alamna… Nagkalat ang UFO sa sahig.. hahahahaha… 3 days closed ang Male Toilet; si kuyang nag-reklamo naglahong parang bula. LOL!!!

Pinaka-gusto kong part sa pagwo-work ko noong counter ako; sisigaw ako ng: Dining Assist for Counter 10 Please!!! Oh di ba nauutusan ko ang mga taga Dining.. hehehehe.. pero noong ma-short ako ng 500 pesos, gusto kong umiyak!!! hahahaha.. parang ilang araw na paghihirap ko mapupunta sa pambayad. good thing nakita ng kasama ko yung 500 or else wala na ngang pang-tuition wala pang pambayad sa short sa kahera.

At dahil bata pa ako noon ang apetite ko mahihiya ang construction worker sa dami ng rice. Love na love namin noon si Kuya Lead Abogado na gusto maging lawyer pero ayaw na daw nyang i-pursue kasi kung maging lawyer daw siya: ABAGODO ABOGADO ang tawag sa kanya, medyo pangit kaya wag na lang daw. Anyway, pag long hours ang shift mo dalawang ulam ang ibibigay sayo pero ang rice UNLIMITED.  Lalapit pa lang ako sa station ni Kuya Lead alam na niyang 10 rice ang ilalagay nya sa tray ko… hahaha… pero hindi naman lahat sa akin, yung mga crew na nasa loob ng crew room makiki-share so parang fiesta lagi. 

Wagas ang moment pag yung customer mag-uuntog sa glass door. hahahaha.. As in sa pag-wo-work ko sa Jollibee araw-araw me nauuntog sa glass door. Nilalagyan na namin ng sign pero ewan ko sa mga tao pilit na iuuntog ang sarili sa salamin. hahahaha tapos sa sobrang hiya dali-daling tatakbo paalis ng store. LOL! Imagine yung iba me dalang ice cream tapos habang kinakain sabay KABOOMMM sa glass door… sabog sa mukha ang ice cream. LOL!

Anyway, marami pang kalokohan sa loob ng Jollibee pero baka naman matulog na kayo sa haba ng kwento ko kya yung mga makasaysayang part na lang ang sinabi ko. hehehe.. :)

Yun lang! Balik po sila sa Jollibee. 

#jollibee
#1stjob
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin