Play Play pag may Time
Naaalala nyo pa ba ang mga laro noong inyong kabataan? Sa panahon ngayon wala na halos interaction ang mga bata sa kanilang kalaro, more on virtual na ang kanilang mga bagong BFF’s… totoo nga siguro na the more connected you are, the more disconnected ka iyong ginagalawang mundo. Hindi na uso ang mga katagang: “Sige ka pag di mo na ako bati, di kita isasali sa laro.” na kalimitan kong nadidinig noong aking kabataan.
Anway, dahil lumaki nga ako sa bundok ng tralala at malayo sa sibilisasyon kaya naman ang aming mga laro noon ay out of no where din. LOL! Hindi ko na sasabihin yung mga normal na laro tulad ng taguan, patintero, baril-barilan etc… Hayaan ninyong ikwento ko ang mga larong hindi ko alam kung paano namin na-imbento pero patok na patok sa aming magkakalaro noong bata pa kami.
1.) Alam ninyo yung mahuli taya na game? Yung pag nahuli ka, ikaw naman ang taya tapos habulan galore na parang wala ng bukas? Yun ang normal na laro ng mga tao.. hahahaha… pero sa amin di kami basta-basta… Habulan sa puno ng mangga. LOL!!! Same lang ang mechanics ng game pero ang malupit bawal bumaba sa lupa at mahulog sa puno ng mangga or else out ka na. hehehehe… Jusme iniimagine ko ngayon yung hitsura namin noon na para di lang mahuli ng taya nsa pinakadulong part kami ng sanga ng puno tapos aalugin ng aalugin para di kami mahuli… hahaha… parang pag-iniisip ko siya ngayon hindi ko alam kung bakit di ako nalalaglag sa puno ng mataas ng puno ng mangga.
2.) Parachute/Para-shoot - dahil from sa bundok namin nakikita namin yung mga nagpa-practice na skydive sa Baradas sa Trapiche so kaming mga bata parangap din namin ito. Simple lang ang larong ito kukuha ka ng plastic tapos tatalian mo ang apat na sulok ng sinulid tapos itatali mo sa isang kahoy. Para lumipad ang parachute, i-ro-roll mo ito sa bato tapos saka mo ito ihahagis pataas at pagnagrelease ang plastic sa bato… viola… habulan na kaming magpipinsan kung sino ang makakahuli ng parachute namin.. Oh di ba… simple lang pero pasok na pasok sa kalokohan namin.. at dapat malakas ang hangin pag naglaro ka nito at sa ilalim ng tirik na araw… so kumusta naman ang kulay ko noong bata pa lang ako… mahihiya ang mga aeta sa akin. hahaha…
3.) Tinda-tindahan - dahil wala naman kaming pambili ng mga laruan para ibenta sa kalaro kaya gumawa kami ng improvise game. hehehehe.. Magiipon ka ng alikabok, saka mo ito duduraan, tapos saka mo babalutin ng alikabok ulet. hahahaha.. para itong mga kakanin na ibinebenta sa palengke.. hahahaha.. ewan ko sa mga pinsan ko pero pwede naman nilang gawin ito pero wag ka kukuha sila ng dahon para ibayad sa ginagawa namin alikabok na me dura. hahahaha.. tapos kunwari kakainin nila. HAHAHAHAHA!!! kadiri ang hayuff!! hahahaha..
4.) Sikat ang paggawa ng kubo sa amin pero lumevel-up ng nagpatripan namin gumawa ng bahay ng dwende. Oh di ba… bata pa lang kami puro kababalaghan na ang aming natutunan… Fantasy lang ang peg ng mga yagit. LOL! Dahil malawak ang bukirin sa amin at matapos araruhin ang bukid nagkakaroon ito ng malalaking block ng lupa… gagawin namin magbubuild kami ng parang igloo at sabi namin tuwing gabi daw dumadalaw ang mga duwende doon. Jusme yung ibang mga kalaro namin pag nainggit sa ginawa mong bahay ng dwende… di pa lumulubog ang araw wawasakin nila ang ginawa mo para sa kanilang ginawa dumalaw ang dwende sa gabi… LOL!!! mga bata pa lang competitive na!
5.) Sasakyan watching - kung me people watching.. kami sasakyan… parang 1 or 2 lang ata ang jeep sa lugar namin noong bata ako kaya pag me dumaang jeep parang artista lang ang dumaan at nganga kaming lahat sa pagka-amazed. LOL! Anyway, dahil konti nga lang ang jeep at hindi pa kami nakakarating ng bayan at wala pa kaming nakikitang bus sa aming buhay… gagawin namin aakyat kaming magpipinsan sa pinakamataas ng puno ng mangga… keber kung me hantik or sandamakmak na langgam dyan basta makakuha kami ng magandang pwesto tapos aabangan namin ang dumaraang sasakyan sa may Makiling… I dunno pero gustong gusto ko itong kalokohang ito… parang kahit buong araw kaming nakaupo sa sanga ng puno tapos manunuod lang kami ng dumaraang sasakyan parang heaven ang feeling.. hahahaha.. simple pero rock! LOL!
6.) Wasakang karit - alam nyo ba ang karit? yung ginagamit sa pantabas sa damo… tawag sa amin doon ay lilik. Anyway, napakabrutal ng game na ito… lahat ng estudyante na pumapasok sa Mababang Paaralan ng Laurel dapat merong lilik kasi bago mag-start ang klase dapat maglilinis kyo ng ground ng school. Jusme 7am pa lang talagang wagas na ang pawis… parang Maria Christina Falls lang dahil tagaktak ng walang humpay tapos walang palit ng damit derecho ng klase… musta naman ang putok neng? LOL! Anyway, pagkatapos ng klase (lunch or uwian na)… takbuhan na kami sa likod ng school tapos wasakang liliik ang laban…. pag-taya ka… ang liliik mo ilalagay sa harapan tapos lahat ng kalaro mo titirahin ang liliik mo hanggang mawasak. Malas mo lang magaling ang kalaro mo kasi uuwi kang wasak ang liliik mo sa bahay tapos makakatikim kapa ng garote at kurot sa iyong inay or tatay. LOL!
7.) Multo-multohan - ewan ko ba.. hindi naman ako ganun kapangit pero noong bata ako gusto ng mga kalaro ko na pagnaglaro kami ng multo-multohan ako dapat ang multo. LOL!!! Gagawin lng ng multo hahabulin ang mga kalaro nya tapos pagnakagat na… minion ka na ng multo.. hahahaha.. hanggang lahat ng kalaro mo ay multo na… hahahaha… noong weekend nagswimming kami nagulat na lang ako ng sabi ng anak ng kabigan namin: Can you be a monster? hahahaha… muntik ng tumigil ang aking mundo at magbalik sa nakaraan.. hahahahaha… =)) Mukhang nasa mukha ko talaga ang pagiging multo. LOL!
8.) Langit-Lupa - alam nyo ba itong larong ito? Someone will play as devil, pag nasa mataas kang place or kahit hindi ka nakatuntong sa lupa ang tawag doon ay Langit at hindi ka pwedeng huliin ng devil.. pagtumapak ka sa lupa.. sigurong walang tigil na habulan yun kasi pagnahuli ka ng devil sa nakaapak sa lupa.. ikaw na ang magiging devil.. hehehehe… :)
9.) Supo - hindi ko alam kung anong other term sa supo… hahahahaha.. pero laro ito na kailangan ng tansan (kitse or tapon ang tawag sa amin). Dahil nagbebenta ng gulay si Inay sa Binan at pagisinama nya ako… nakupo… wala akong ginawa kundi mamulot ng tapon sa bayan.. hahahaha.. at pagbalik ko sa bukid… haller… winner ako sa mga kalaro.. hehehehe.. magaganda ang tapon ko. LOL!!! Anyway, ang supo maglalagay kayo ng tapon sa drawing na square sa lupa tapos titirahin ninyo ito.. pag napalabas mo sa square ang tapon.. sayo na yun…hehehe.. dati para akong si Zuma sa dami kong tapon.. hehehehe… :) kasi inilalagay namin ito sa wire.. :)
10.) Manghuli ng Butiki at kulilis (kuliglig) - Sa school namin yung stage na ginagamit pag graduation ay mukhang 1900 pa nabuilt kaya sobrang luma na at butas-butas… At dahil maraming butas.. marami din butiki.. hehehehehe… Pagmalapit na ang dapithapon ang mga butiki ay bumababa sa lupa at nagki-kiss ang mga yan… kaya yun ang oras ng aming panghuhuli ng butiki pero… the way namin ito hinuhuli ay kukuha kami ng tingting at rubber tapos gagawin namin itong parang pana saka namin titirahin ang butiki… LOL!!! I know morbid pero noong bata ako tuwang-tuwa ako sa kalokohang ito. LOL!!! Yung kulilis naman… ito yung maingay na insekto tuwing summer… manghuhuli kami nyan tapos lalagyan namin ng tingting ang pwet saka namin papakawalan.. hahahaha.. Okay fine.. bad na kmi.. buti na lang wala pang mga NGO’s against cruelty sa animals noon or else.. baka bata pa lang ako nsa loob na ako ng bilibid. LOL!
Anyway, ayun lang ang aking kwento this week… Kayo ba anong mga laro noong bata kayo ang hindi ninyo makakalimutan? i-type lang sa inyong phone SMSGAMESAt sabihin ang name ng games noon bata pa kayo at i-send sa 4444 for Smart or Talk&Text users or 3232 for Globe subscribers. LOL!
#games
#kwen2niernie
Mga Komento