Japan Japan sagot sa kahirapan Part 4
Masarap ang breakfast sa aming hotel pero kung nakaka-apat na araw ka ng araw-arwa mo itong kinakain parang gusto mong sabihin.. Oh please wala na bang kayang lutuin ang chef ninyo. LOL! Anyway, wala naman choices kaya kain pa din knowing patay gutom mode ako lagi. LOL!
Anyway, day 4 was very special since it was the day to go out Tokyo and headed to Mt.Fuji. We were supposed to travel from Tokyo to Hakone atgood thing na lang hindi ko ginawa.. hahahaha.. baka along the way nag-aaway kami ni Nali kasi naligaw na kaming dalawa. hahahaha… Kung sa Tokyo me mga nag-e-effort pang uminglish baka sa area na pupuntahan namin wala na, at halos mamatay kami kahihila ng aming maleta. LOL!
Maaga kaming gumising that day since maaga ang call time sa Keio Plaza Hotel at Sinjuku at knowing na sobrang lalayo ng mga stations ng train baka maiwan pa kami ng aming trip na binook ko online. Pagdating namin sa Shinjuku.. jusme super lost in translation na naman kami. hahahaha… good thing na lang me English na directions na hindi ko masyadong makita dahil malabo ang mata… Kaloka!!!
After mga 10minutes naming kalalakad we found the meeting place. Nakakatuwa kasi kasama namin sa tour… tssssaarrraaaannnn… mga sampung pinoy lang naman sila. hahaha… isang pangkat ng mga pinoy… hahaha.. pero deadma lang kami ni Nali…
Anyway, super effort ang aming tour guide na si Sachiko which means Happiness according to her pero I think tama naman kasi lagi siyang naka-smile at mega effort sa English ang lola mo.. sabi nya nag-aral daw siya ng American English sa isang school sabay itinaas nya ang kanyang sign na we will reach sa aming destination ng 90 MINITES… jusme muntik na akong tumambling.. anyway di ko na siya ookrayin since ako din naman maraming maling grammar. LOL!!! talo talo na lang. hahaha..
From Tokyo to the lake MMMMMMMMMMMM, it took around 3 hours via bus and unfortunately after we arrived sa place yung ine-expect na hitsura ng place ay hindi okay due to the weather last month na heavy snow causing the flowers na mag-bloom a little bit late. Tapos ang Mt.Fuji ay medyo maarteng bundok ito.. hindi lagi nagpapakita and during our visit pademure pa ang ang bwisit.. parang super faded ang peg ng lola mo kaya hindi masyadong kita sa pictures pero in actual it was really MAJESTIC.
After that place we headed to the Ice Cave. It was good to visit since it was previously a refrigerator thousand years ago and until now still exists and you really new to bend a lot going down with zero degree ang temperature. I was good experience.
Since hindi masyadong maganda ang una naming pinuntahan yung tour namin they added the cherry blossom tour. wwwhhhhaaa… it was really my weakness to see cherry blossoms… I really don’t know why but it’s like serenity for me. hahahaha… **arte lang** Anyway, yung place was really an spectacular place maybe hundreds of cherry trees tapos imagine everytime na humahangin nanlalaglag ang bulaklak na parang umuulan… wwwhhhhhaaa… ganun pala talaga ang hitsura noon para lang nanunuod ako ng movie. Ang gondoh!!! promise.. tapos ang nasa harapan mo ay Mt. Fuji… WOW!! as in WOW!
We headed to Kimona Museum. Kaloka itong puting kasama namin na medyo ma-choba… umupo ba naman sa isang upuan sa harapan ng waterfalls at muhang di kinaya ng upuan at tumambling ang lola mo. hahahaha… itong kasama niya instead na tulungan hindi nya mapigilang tumawa ng tumawa.. in the end ako pa ang tumulong. LOL!!!
The Kimono Museum was jaw dropping… Imagine ang isang kimono worth of maybe 17Million DOLLARS. ganun siya kamahal. Yung design niya was the seasons of Japan. It’s hard to describe ang hitsura pero it was really worth to visit na place.
Natapos ang tour namin na satisfied naman kami sa aming ibinayad and one thing na I really like with this tour hindi nila kami dinadala sa place na i-fo-force kang bumili or mauubos ang time ninyo sa mga shops or in the end of the tour they will ask for tip.
From Shijuku Station we headed back to Tokyo Station at ang nakakatuwa pa we found yung place na bilihan ng mga pasalubong. hehehehe.. so nakabili kami ng mga sweets from Tokyo tapos itong aming HH (Househould) sa CFC asking us to buy sesame salad dressings pero ang kaloka wala kaming makita grocery na nilakad na namin from Tokyo station all the way to Ginza pero good thing na lang we tried this small shop and viola!!! nakakita kami.. hahahahaha.. ang baet baet noong nagbebenta sa amin he tried a lot to understand us at me mini translator ang lolo mo. hahahahaha.. Tapos naghahanap kami ng mayonaise kasi sabi nila iba daw ang lasa ng mayonaise ng Japan at bigla ba namang sumabat itong isang bumibili din… sabi ba naman.. it’s expensive. LOL!!! hahahaha.. tapos sabi ng staff this is LIMITED. hahaha.. so go na kami.. binili na din namin. hahahaha…
We finished the day na nakakain kami doon sa sinasabi kong resto na fullhouse on our first day. hehehehe… at sa harap namin ginagawa yung mga rolls and sushi nila… ang galing galing.. amazing.
#kwen2niernie
#mtfuji
#japan
#pasalubong
Mga Komento