Basurang itinapon… babalik din sa'yo!
Dahil Chinese New Year ngayon kaya dapat ang kwento ko ay nababagay sa okasyon. hehehe… haller dapat IN ang drama natin lagi noh!! "the NERD!" LOL! Anyway di naman masyadong bago ang kwento ko pero masasabi kong isa ito sa kwentong di ko malilimutan ng lumipat ako sa Singapore...
Matapos ang aking higit 3 months na pagiging ampon ni Ate Bangs sa Tiong Bahru, nag-decide akong lumipat ng bahay kasama ang aking new found friend na si Hansel. hahaha.. Nakakatuwa ang kwento namin ni Hansel; noong magka-trabaho kami sa Citibank Makati magkatabi lang kami ng upuan at ang nakakatawa pa hindi kami nag-uusap dalawa. LOL.. pero sabi nga pag nasa ibayong dagat ka na.. you are longing sa parehong lengwahe para hindi naman duguan ka araw-araw ka e-english noh… So noong nagkita kami ni Hansel sa SG at pareho kaming nakakita ng trabaho, we decided na mag-sama sa isang bahay sa bundok ng Anchorvale,Sengkang. Noon ilang pinoy lang kami sa Sengkang pero ngayon mga pinoy na ata ang nakatira sa Sengkang. hehehe.
Balik tayo sa kwento… Ng lumipat ako sa Sengkang, bitbit ko lang ang isang maleta na andoon na lahat ng aking pagkatao. LOL. (pero ngayon kailangan ko ata ng isang bus para sa aking mga abubot sa buhay.) Mabait yung landlady namin na si Joanne kasi dati yung rent lang namin sa buong bahay ay 600 dollars. Jusme hirap na hirap pa kaming magbayad noon. hahahaha.. Anyway, mega orient ang lola mo sa Sengkang.. malapit lang daw sa Mall.. blah! blah!.blah! At dahil pareho kaming probinsyano ni Hansel hindi namin alam kung asan ang basurahan. LOL.. take note importante ang basurahan dito sa SG kasi bawal magkalat kaya yun agad ang tinanong namin. hehehe. Sabi ni Joanne sa labas lang daw makikita namin ang basurahan.
Ng umalis na si Joanne, mega linis na kami ni Hansel ng bahay… Nakakatuwa yung feeling na you are totally free to do everything sa bahay kaya yun mega linis kaming dalawa ng kani-kanilang kwarto. At ng matapos kaming maglinis.. itatapon namin ang basura… Sabay kaming lumabas para magtapon, sabi lang naman paglabas ng bahay andoon lang ang basurahan. Pumunta kami kung saan yung sinasabi ni Joanne… medyo na weirdo-han lang ako kasi yung basurahan ay isang malaking drum na kulay brown. Sa isip-isip ko.. parang ganito lang ang basurahan namin sa Batangas ah… Paano kya kakasya ang mga basura ng buong tao sa lugar na ito. Anyway, mega tapon kaming dalawa… jusme kasama pa ang bituka ng isda na aming ulam ng araw na iyon. hahaha..
Ng sumunod na mga araw…medyo worried na ako kasi yung basura namin na naguumapaw sa drum ay hindi pa pini-pick-up. LOL… hahaha.. At pagtingin ko sa kabilang building na may drum na brown… Neng muntik na akong tumakbo pauwi sa kaba ng makita ko yung Auntie sa drum ay naglalagay ng insenso at nagdudumasal!!! hahahaha.. =)) Kaloka, yung drum pala na tinapunan namin ng bituka at hasang ng isda ay isang sagradong drum na dasalan pala ng mga chekwa. hahahaha… Eh malay ko ba!!! Doon sa amin sa Batangas pag may drum may basura. LOL!!!
Mga natutunan sa akda:
Hindi lahat ng drum ay basurahan
Sosyal ang SG at ang basurahan ay nakatago lang sa may malapit sa loading bay.
Ang mga laki sa bundok pagpunta sa siyudad minsan asal mangmang pa din. LOL.(isa ako dito)
#cny
#hansel
#kwen2niernie

Mga Komento