Mga Post

Sana

Pagnakakakita ako ng itim na background o kandila na profile picture dito sa FB, mababasa mo sa mga kumento ang pakikidalamhati sa taong naulila. Pero walang taong higit na makakaunawa sa taong naulila kundi ang taong inilisan na din ng kanilang mahal sa buhay. It's been awhile ng pumanaw ang inay at ang tatay pero hanggang ngayon paulit-ulit akong dinadalaw ng alaala ng mga huling sandali na kasama ko sila. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga huling salitang nasabi nila. Naalala ko ang sabi ng tatay ng paalis na ako sa Pilipinas noong akin siyang bisitahin habang nakaratay siya sa kanyang higaan. Sabi niya: "Oto bakit kailangan mong umalis? Pwede bang huwag ka munang umalis?" mga huling salita na sinabi ng tatay sa akin, pero wala naman akong magagawa kundi lumisan ng panahon na iyon para bumalik sa ibayong dagat. Kung maibabalik ko lang ang pagkakataon na iyon, gusto kong bumalik at muling haplusin ang kanyang mukha at sabihin, "Oho, 'tay di na ako...

Hidilyn Diaz, ikaw ba yan?

Dahil winter ngayon kaya dapat ang kwento natin ay tungkol sa winter.  Matapos akong makakita ng trabaho, lumipat ako from Auckland sa Taupo. (Next time kwento ko kung paano ako natanggap dito). So heto na nga, hindi naman ako na-inform na ang Taupo ay nasa tuktok ng bundok. Kung noong bago sa Auckland ay para na akong lumpiang sariwa dahil balot na balot ako, jusme pagdating ko dito sa Taupo para na akong Michelin Tyres na mascot. hahaha!!! ganun katindi ang lamig dito. LOL!   So heto na nga, meron lang akong 1 week para makakita ng bahay na titigilan ko. Jusme sa dami ng bahay dito sa Taupo ang hirap humanap ng bahay na uupahan. Tapos heto pa, noong nasa Singapore ako, paglilipat ka ng bahay, dadalhin mo lang ang maleta mo tapos pagdating mo sa lilipatan mo, kumpleto na ang gamit. Dito sa New Zealand ay hindi ganun, pagdating mo sa bahay.. kalurkey... walang anything sa loob ng balur!!! jusme paano na kung wala kang datung??? so ganun na lang sa floor ka na lang matutul...

Basta't Driver Sweet Lover - Taupo Edition

 O heto na, ilang taon na ako dito sa Taupo, NZ pero wala akong kwento sa inyo tungkol sa mga karanasan ko dito, kaya ngayon i-try kong alalahanin ang mga kabobohan ko dito. I'm telling you guys kahit saan ako pumuntang lugar habulin talaga akong bloopers. So today ang ikukwento ko sa inyo ay noong bago pa lang akong nag-aaral mag-drive dito.  Back track lang tayo... before ako pumunta ng NZ nag-aral akong mag-drive sa Bacolod para makakuha ako ng driver's license pero knowing naman sa Pinas, kahit sino pwedeng makakuha ng lisensya. Naalala ko noong mag-take ako ng exam, sabi sa akin bigyan na lang daw ng 500.00 para pumasa... true enough lahat ng nagbigay ng 500.00 pasok lahat sa with honors. LOL!!!  So heto na nga pagdating ko dito sa NZ, hindi naman talaga ako marunong nag-drive, pero mayroon akong lisensya. Naalala ko pa dati noong tinuruan ako ni Moyo kasama ang buong pamilya sa Wairao para mag-drive. LOL!!! after once session.. that's it pancit.. hahahaha.. wag ng u...

iLigwak Ganern

Ang susunod kong kwento ay tungkol sa Apple. Since Apple ang usapan kaya dapat may "i" sa unahan davah. Like iwatch, iphone, imovie, etc!! ganern dapat. LOL!!! Ikwento ko sa inyo noong panahon na muntik na akong matanggap sa Apple (SG). Nag-tatrabaho ako noon sa NCS (client ko ay Citibank), ito yung panahon na halos gawin ko ng bahay ang opisina. hahahaha... yung tagline ng Citibank na "The bank that never sleep..." yun, ganun kami dati.. as in bawal matulog neng... di naman ako na-inform na Walang tulugan ni Kuya Germs ang labanan pag Citibank ang trabaho... hahahahaha... Anyway, sabi ko sa sarili ko, tama na.. sobra na... palitan na... so ginawa ko, nagsimula na akong magpadala ng aking resume sa iba't ibang kumpanya. Jusme nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin for interview. As in, guys hindi pa-humble effect pero yung alam ko lang as an IT ay awra lang talaga. hahahahaha... I'm not kidding, minsan nga iniisip ko kung paano na ako natatanggap sa trab...

Ang kahinaan ng Panginoon

 Matagal na tagal na din akong hindi nakakasulat, marahil dahil abala sa mga bagay bagay. Isa din marahil ay  pakiramdam ko, naibahagi ko na lahat ang halos ang aking kwento o minsan naman ay walang pumapasok na inspirasyon sa aking isipan. Ang paglikha ng isang malayang sulatin ay kailangang umusbong sa iyong isipan sa pamamagitan ng inspirasyon, kung walang inspirasyon, walang magandang akda ang maililimbag. Habang ako'y nagaayos ng aking pananim sa aking hardin, biglang umusbong ang inspirasyon. Natanong ko ang aking sarili, tunay nga kayang walang kahinaan ang Panginoon? Dahil Diyos siyang tunay, wala ba talagang makikitang kahinaan ang Diyos? Yaon ang mga katanungang bumabagabag sa aking isipan, at ako'y biglang natigilan sa aking ginagawa. Dagli akong nagnilay sa bagay na ito. Nabatid kong, maykahinaan ang Panginoon na siyang lakas nating mga tao at ito ay ang ating DASAL. Sa tuwing tayo'y umuusal ng panalangin sa ating Panginoon, tulad ng isang ama na nagmamahal sa k...

Ang Istorya ng aming buhay

Paano nga ba ang mangarap at mag tagumpay sa gitna ng kahirapan? Ito ang ilan sa mga katanungan namin na parang walang kasagutan noong mga panahong yaon. Hayaan ninyo ibahagi ko sa inyo ang kwento na aming pamilya. Ano ba ang naging sangkap kung paano kami nakaahon sa hirap ng buhay. Isinilang at lumaki kami sa maliit na barangay na kung tawagin ay Laurel sa pagitan ng dalawang Ulango (Tanauan at Calamba). Payak at masaya, masarap na mahirap, malungkot na masaya, pero kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay namin lalaban kami at tatayo na taas noo dahil alam namin na wala kaming inaapakan na tao. Buklod ng pamilya ang naging susi ng aming tagumpay, sa kadahilanan ng isang paniniwala ng aming mga magulang na ang pagsama-sama ng mga pusod namin ay magsisilbing alala na hindi mawawala o mapuputol ang pagmamahalan at koneksyon ng buhay namin sa isa’t isa, respeto at pagmamahalan sa kapwa at higit sa lahat may takot sa Diyos. Hindi naging mabait ang tadhana sa amin noong nagsisimula pa l...

No Title

 Dumarating tayo sa punto ng ating buhay na minsan hindi natin alam kung saan tayo patungo. Marami tayong mga tanong na kadalasan walang kasagutan. Marami tayong mga dasal na kadalasan ay tila bingi ang langit at tila hindi nadirinig ang bawat usal na ating panalangin. Panahong gusto mong ngumiti pero luha'y patuloy ang patulo sa iyong mga mata. Panahong nangangarap ka na may kausap pero tila lahat ay abala at walang panahon sa'yo. Panahong yung mga taong iyong pinakatiwalaan ay sila pa ang yuyurak sa iyong pagkatao at dangal at sisira ng iyong tiwala.  Kaibigan, hindi sa lahat ng panahon ay laging sumisikat ang araw. Dumarating ang araw na ito ay lulubog at muling magkukubli at babalutin ng dilim ng gabi. Ngunit hindi nangangahulugang ang dilim ng gabi ang katapusan ng lahat, bagkus ito ay nagpapaalala sa atin na sa bawat dilim o pagsubok sa buhay ay muling darating ang panibagong araw; ng panibagong pag-asa. Alam ko sa panahon ngayon marami tayong agam-agam sa buhay, maramin...

Lutrina

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kinalakhang mga tradisyon kahit pa sabihin natin na makabago na ang panahon ngayon ang mga bata ay may kanilang tradisyon na balang araw ay kanilang ikukwento sa mga susunod na henerasyon, maaring hindi katulad ng tradisyon na aking kinalakihan pero alam kong darating ang araw na ipagmamalaki din nila ang kanilang panahon o di kya sasabihin nilang: Noong panahon namin... blah! blah! blah! Dahil sa sunod-sunod ang mga kalamidad, digmaan, sakuna, mga sakit na kumikitil ng maraming buhay, at kung anu-ano pa; biglang sumagi sa aking isipan ang isang tradisyon na aking kina-gisnan. Lumaki ako sa baryo na kung saan ang pagbubukid ang pangunahing pinagkukunan ng aming ikinabubuhay, pero hindi tulad ng karaniwang magbubukid, kami ay umaasa sa bawat patak ng ulan dahil wala sa aming irigasyon ng tubig. Alam ng mga magsasaka kung kailan uulan at kung kailang aaraw dahil noon ay wala naman kaming "Weather app" na pwedeng magsabi sa amin kung ano an...

Labadami Labango

Naalala ko dati noong bata pa lang ako walang washing machine sa amin, jusme noon pupunta ka sa ilog na maglalakad ka ng kilo-kilometro dala mo ay sakong maduming damit tapos nakabilad ka sa init ng araw... kumusta naman ang kutis artista??? eh di ITA... Ulikba... Nognog... Sunog... Uling... lahat na ng pwede mong itawag ganun ang hitsura namin noong bata kami.  Noong nag-college na ako sa Manila, syempre boarding house na ang drama natin... may faucet na... hahahaha... wala ng ilog ilog.. isang ikot ng faucet naghuhumiyaw na ang tubig.. ganern... pero wag ka... kamay pa din ang gamit sa paglaba... LOL!!! Imagine maglalaba ka ng weekend ng lahat ng damit mo.. jusme... pagkatapos mong maglaba sugat ang dalawang kamay... promise walang halong etchos... as in sugat... daig mo pa ang naglaslas ng pulso... LOL!!! So weekend sugatan ang kamay mo... by the time mag-Friday tuyo na lahat ang sugat... tapos weekend na naman.. LOL!!! eh di sugat na naman... hahaahhaha.. ganoon talaga ang buha...

KOMUNIKASYON

Natatawa ako minsan sa newsfeeds ko sa FB. Kani-kanilang parinigan sa kani-kanilang walls. Kesyo ganito siya o ganito naman ang isa. When I checked their lists of friends.. eh anak ng putakti hindi naman pala sila magkaibigan... LOL!!! Marami sa atin ang ganito... kung ano-anong pasaring ang i-po-post as if naman ang babasa ng kanyang pinatatamaan ang kanyang post... Parang ganito ang nangyayari; pilit mong kinakausap ang bingi pero hindi ka naman madinig... Bakit hindi mo kaya tawagan o kausapin ng personal ang taong iyong pinaparinggan? Siguro mas madidinig ka nito kesa kung anu-anong kuda ang i-po-post mo sa FB. Ano bang reasons mo para mag-post ng kung anu-ano against sa isang tao? the more likes, the more share, the more comments it means ikaw ang tama? o baka naman pa-play victim ka? yung tipong gusto mong kaawaan ka ng ibang tao na hindi naman alam ang buong katotohanan ng istorya. Malaking aspeto ng isang pagsasama maging pagkakaibigan, pagiging pamilya, o mag-asawa man yan.. ...

Pasko sa aming Nayon

 Malapit na ang Pasko. Naalala ko tuloy noong aking kamusmusan tuwing sasapit ang kapaskuhan sa aming nayon. Charness!!! MMK ang peg?? Oh well, walang paki-alamanan... kanya-kanyang emote ngayon lalo na't lumabas na ang Christmas kyeme ng Disney... Jusme... ilang luha kaya ang nailabas ng mga OFW dahil sa simpleng animation na yun??? siguro sapat na para lumubog ang kahabaan ng Espana from Rotonda all the way to Quaipo underpass. LOL!!! Yung mga nag-aral sa University belt for sure makaka-relate sa baha sa Espana... Anyway, sa ganitong panahon ramdam mo na ang simoy ng kapaskuhan. Malamig at malamyos ang simoy ng hangin sabay sa saliw ng pamaskong awitin ni Tito Joe... toroy!!! aminin mo unang kantang pumasok sa isip mo ay Christmas in our Heart... hahaha!!! Anyway, ang mga bahay na kahit payak ay pilit gagayakan na kahit simpleng parol para magbigay kinang sa mga mata ng bawat batang nagaabang sa pagsapit ng kapaskuhan. Davah!! Star ng Pasko ang peg.  May mga ilang bagay ang ...

Pamayanan sa paligid ng Mababang Paaralan ng Laurel (tanong 1985-1990)

Paalala: Ang inyo pong mababasa ay may konting kahabaan, maaring hindi inyo ito magustuhan pero yung mga taong naranasaan ito sa kanilang buhay alam ko matutuwa sila.  Pag-iniisip ang 1985, parang kailan lang, pero pag-binilang ko, OMG!!! 30-35 years ago na pala yun!!??? Ang bilis-bilis ng panahon. Matanda na talaga ako. hahahaha!! Anyway, ngayong araw na ito, iguguhit ko sa inyong isipan ang hitsura ng pamayanan sa paligid ng mababang paaralan ng Laurel (Tanauan, Batangas) noong taong 1985-1990 (higit-kumulang). Gusto kong ikwento ang lugar na ito dahil balang araw makakalimutan ng madaming tao ang hitsura ng lugar dahil sa lahat ng mga pagbabagong nagyayari sa paligid nito. Minsan iniisip ko kung ano ang hitsura ng lugar namin noon 1900, wala naman akong makitang larawan o kahit anong nailathala kaya sisimulan ko sa panahon na aking naaalala para pagdating ng panahon may babalikan ang mga tao. Halina't samahan ninyo akong magbalik tanaw sa baryo ng aking kinalakhan. Sis...

Ugat ng lahat ng kasamaan

Noong bata pa ako laging kong nadidinig na ang pera daw ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo. Kasi pag may pera ka magagawa mo ang lahat ng gusto mo: ang luho, ang pagiging ganid o makasarili, mapagmataas, at kung anu-ano pa. Totoo naman di ba? Minsan ang tao pag naging mayaman o mapera nagbabago talaga ang ugali, marahil sumasabay sila sa agos ng buhay. Noong mga nag-daang buwan, ewan ko pa parang hindi ito mawala-wala sa isip ko. Pakiramdam ko kasi sa panahon natin ngayon hindi na pera ang ugat ng lahat ng kasamaan. Marami na tayong nakikita o kilala na mayaman na ginamit ang kanilang pera para makatulong sa mga mahihirap, tumutulong para sa komunidad, tumutulong para mapa-angat ang estado ng buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kakulangan ng pang-matrikula, pagbibigay ng mga aklat o computer para sa mga eskwelahan na hindi nabibigyang pansin ng gobyerno, may mga NGOs tayo para sa pagpapatayo ng mga bahay ...

Tiwala at Pag-asa

Ika-tatlo ng Agosto, araw ng Sabado ng lisanin ko ang bansang Singapore na naging tahanan ko sa loob ng higit labing apat na taon. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, kasama ang mga malalapit na mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay kahit sa huling sandali ay hindi nila ako iniwan. Lungkot at takot ang bumabalot sa akin ng mga oras na iyon. Lungkot dahil iiwan ko ang madaming taong naging malaking bahagi ng aking buhay at higit sa lahat ang aking pamilya. Hindi ko maiwasang pumatak ang mainit luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Pero kailangan kong magpakatatag. Ito ang laban na hindi kailangang sumuko. Takot ako noong mga panahon na iyon dahil makiki pagsapalaran ako sa bansang hindi pa nakakatuntong ang aking mga paa at hindi ko alam kung ano ang naghihitan. Pero mabait ang Diyos dahil may mga kaibigan akong naghihintay sa aking pagdating.  Umaga ng ika-apat ng Agosto ako dumating sa New Zealand. Maulan at malamig ang klima. Ibang-iba sa Singapore n...

Silid Tulugan

Magisa lang ako sa bahay ngayon.  Habang ako ay nakahiga sa kama at pinagmamasdan ang apat na sulok ng kuwarto kung saan ako namamalagi ngayon, biglang bumalik ang aking ala-ala noong aking kabataan. Malilimutan ko ba ang hitsura ng aming higaan noong ako'y musmos pa lamang? Kahit baligtarin ko man ang mundong aking ginagalawan, hinding-hindi ko malilimutan ang panahong nakahiga ako sa aming mumunting bahay. Samahan ninyo akong silipin ang silid ng aking kamusmusan. Pagpasok mo sa loob ng aming tahanan, ang una mong mapapansin ay ang sahig na lupa at may konting semento na tumigas dahil sa pinaghaluan ng semento para sa dingding. Sa tuwing tag-araw, ang sahig namin ang aming laruan. Nakaupo sa alikabok na wala kaming pakialam na kahit gaano pa ito kadumi. Sa pagsapit ng tag-ulan ay putik naman ang naghihitay.  Dalawa hanggang tatlong hakbang at mahahawakan mo na ang hagdan paakyat ng bahay. Hindi ko ito malilumutan dahil sa hagdan na ito marami mga bagay ang na...

Kung ako'y isang halimaw gusto kong maging?

Lahat halos ng tao sa mundo gustong maging super hero or should I say may ina-idolized na super hero.  Kanina I watched Spiderman sa halagang NZD20.00. hahahaha.. Jusme ang mahal ah!! gusto kong sabihin na hindi po balcony ang gusto ko kaso walang teller eh.. machine lang lahat... hahahahaha.. Oh well siguro kaya ito ang entry ko today dahil sa inspiration ko kay Spiderman... inspiration daw oh... hahahahaha... LOL!!!  maisama lang sa entry ang Spiderman talagang i-nintro ko pa davah... to think ang kwento ko naman talaga ay tungkol sa halimaw. hahahahaha.. :D Anyway, forget the super heroes marami ng may gusto sa kanila. So today, kung ako'y magiging isang halimaw gusto kong maging isang.............. tsaran!!!!!! KABOOMM!!! POW!! ZAP!!! KABOOMM!!!!!!!! isang MANANANGGAL!!! hahahahahaha!!! wag kayong ano dyan for sure pag nalaman nyo ang mga reasons ko baka manananggal na din ang gusto nyo paglaki nyo! hahahaha. Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit gusto kong maging manan...

Isang Linggo sa Ilalim ng Mundo

Heto na! Heto na! at naka-isang linggo na ang inyong lingkod sa ilalim na mundo. Opo nasa ilalim ako ng mundo ngayon nakatira as in literal na nasa ilalim ng mundo. LOL! Nakakatuwa dahil sa loob ng isang linggo ang dami-dami ko ng nagawa or should I say na pasyalan. LOL!!! Salamat sa keneksyen (koneksyon lang yan.. umaarte ng kasing magsalita.. you know, i already have accent... charot!!! hahahaha...) Anyway, marami akong napansin sa loob ng aking isang linggo dito sa NZ.  Friendly ang mga tao. If bibigyan ng award ang mga tao dito (in general) Congeniality ang perfect sa kanila. Even naglalakad ka lang sa kalsada, they will say good morning or hey how are you. Oh syempre aarte pa ba ako? Syempre smile and wave ang peg ko. LOL!!! Or khit tatawid ka ng kalsada, they normally stop and ma-wave pa sila sa'yo for you to cross the street. hehehe!!! 4 seasons in one day. Yes it's true. Akala ko dati joke joke lang, totoo nga. hahahaha.. yung ang init-init, tapos biglang uulan o...

Mamasko po

Magpapasko na naman. Iba na ang simoy ng hangin sa paligid. Alam ko namang hindi umuulan ng nyebe dito sa kung saan ako nakatira ngayon, pero sa tuwing sasapit ang kapaskuhan nag-iiba ang simoy ng hangin. Ito nga siguro ang hiwaga ng pasko. Ang ngiti ng mga tao sa paligid na kahit hindi naman Kristiyano ay nandoon ang sigla sa kanilang mga mata na paparating na ang pasko. Habang ako ay naka-upo sa isang sulok at minamasdan ang paligid bigla akong natigilan: Kailan ba ako nagpasko kasama ang aking tatay, inay, at mga kapatid? Sa isang iglap bigla akong dinala sa panahon ng aking kamusmusan. Naalala ko pa dati noong bata pa kami na tuwing sasapit ang Disyembre araw-araw kaming nag-ka-karoling ng mga pinsan ko. Iisa-isahin namin ang mga bahay sa aming purok na pawang mga pinsan din naman namin. Hindi mahalaga kung tama o mali sa tono ang pagkanta basta ang importante kakanta kami ng walang humpay hanggang abutan kami ng piso o minsan pagsinusuwerte may limang piso. Uulitin namin ito...