Mga Post

Ano ang lihim ng Hapon sa likod ng pamaypay?

Noong bago pa lang ako sa Singapore at umuuwi ng Pilipinas kalimitan ay nagbu-bus lang ako from Manila to Batangas tapos jeep papunta sa bukid kasi wala naman kaming sasakyan sa bukid. hehehe.. Nakakatuwa pagsumasakay ka sa jeep papunta sa bukid, lahat ng tao ay magkakakilala. Dahil hindi na ako halos nakakauwi yung mga matatanda sasabihin sa'y o: "Ay kanino ka gang anak?" Tapos pagsinabi mong anak ni ganire at ni ganoon... ay sasabihin sa'yo: "Ay pukikinang-ina ire.. ay ikaw na ga yung bunsong anak ni Kumareng Esing? Aba'y napaka-pogi eh!" sabay hampas pa sa iyong hita eh... hahaha.. Sakit sa bangs ng expression ng mga matatanda sa bukid.. walang rated SPG!!! hahaha... Simula ng lumipat sa US ang buong pamilya namin, minsan na lang ako nakakapunta sa bukid kasi wala naman doon ang mga inay kaya normally after ng Bacolod na bisita namin if kailangan pang mag-stay ng few days sa Pinas normally sa Makati na lang kami nag-hohotel. Anyway, noong hindi pa kam...

Basurang itinapon… babalik din sa'yo!

Dahil Chinese New Year ngayon kaya dapat ang kwento ko ay nababagay sa okasyon. hehehe… haller dapat IN ang drama natin lagi noh!! "the NERD!" LOL! Anyway di naman masyadong bago ang kwento ko pero masasabi kong isa ito sa kwentong di ko malilimutan ng lumipat ako sa Singapore... Matapos ang aking higit 3 months na pagiging ampon ni Ate Bangs sa Tio ng Bahru, nag-decide akong lumipat ng bahay kasama ang aking new found friend na si Hansel. hahaha.. Nakakatuwa ang kwento namin ni Hansel; noong magka-trabaho kami sa Citibank Makati magkatabi lang kami ng upuan at ang nakakatawa pa hindi kami nag-uusap dalawa. LOL.. pero sabi nga pag nasa ibayong dagat ka na.. you are longing sa parehong lengwahe para hindi naman duguan ka araw-araw ka e-english noh… So noong nagkita kami ni Hansel sa SG at pareho kaming nakakita ng trabaho, we decided na mag-sama sa isang bahay sa bundok ng Anchorvale,Sengkang. Noon ilang pinoy lang kami sa Sengkang pero ngayon mga pinoy na ata ang nakatira sa ...

Lokohin mo ang lolo mong panot

Bawat isa sa atin seryoso man o kasing kulet ko, may tinatawag tayong kulit moments. Yung tipong dadalawin ka lang ng kakulitan sa buhay at mangungulet ka lang sa mga kaibigan or pamilya mo. Pero para sa akin… pang-araw-araw ko ata ito. LOL! ** parang rice lang ---> can't live without ang drama lang!** Anyway, ang susunod kong kwento sa inyo ay nangyari sa  lang noong sabado. hehehe.. O di ba, maiinit-init pa na parang galing sa pugon de manila ang peg. LOL!. Ewan ko ba kahit saan habulin ako ng mga kabobohan sa buhay. hahaha..   Isinilang ata akong me balat sa pwet... Noong sabado pagkatapos kong mag-trabaho sa opisina nagkita kami nina Mama, Nali & Kin sa Orchard para mag-shopping. (pero feeling ko si Kin lang ang nag-shopping. hahaha!!!) So ikot-ikot kami sa ION na mall. Eh dahil magkatapat lang naman ang pull&bear na shop at promod sabi ko sa pull&bear ako since merong pang-lalaki doon unlike sa promod na for ladies lang. Dali dali akong pumasok ng pull...

Best Customer Service

Paano mo ba masasabi na ang isang Customer Service (CS) ay the best? Para sa akin if yung CS ay nagtrabaho beyond na sa tawag ng tungkulin. Eh paano naman kung yung tumawag sa CS ay sagad ang katangahan o kabobohan sa buhay? Aba teka, ibang usapan na yan. hahahaha! At yan ang ikukwento ko sa inyo. hahaha! Ang sunod kong kwento sa inyo noong panahong nakatira pa kam i sa Sengkang. Sa mga hindi pa nakakadating sa Singapore, ang Sengkang ay 2nd sa last station ng Singapore (North-East Line) pagkatapos noon nsa ibang bansa ka na (Malaysia) kaya nga noon niloloko kami ng mga kaibigan namin if kailangan pa daw ng passport pagpupunta sa bahay. Mga hayuff na yun, maganda kaya sa Sengkang… hehehe.. sariwa ang hangin at maganda ang kapaligiran. LOL! Maliit lang naman ang Singapore, 30mins via train lang ang Sengkang going to the City so kaya wag ninyo kaming hamaking mga Sengkangers! hahaha! Anyway highway, hindi naman geography ang aking ikukwento kaya tigilan na natin ang Geography 101. Heto n...

Mirror Mirror on the Wall

Bawat isa sa atin ay may kani-kanilang karanasaan noong ating kabataan na hindi natin malilimutan, yung tipong pag-naalala mo ay matatawa ka at masasabi mong bakit ko ba ito ginawa. Siguro ang pinagkaiba lang natin ay nasobrahan ata ako ng karanasaan noong aking kabataan kaya marami akong naisusulat. hehehe. Isa sa hinding-hindi ko malilimutan ay itong susunod ko ng kwento, kwentong gusto ko ng mawala sa limot at ibaon sa libingan pero pagnaiisip ko ito natatawa ako sa aking sarili kya ikukuwento ko na lang sa inyo (wag nyo akong ikakahiya pag nagkita tyo). Hindi naman ako artista pero bata pa lang ako marami na akong kalokohan sa buhay: Parang buhay sa Pinilakang Tabing ang drama lang drama neng! hehehe. Sa bahay namin meron isang malaking aparador na may salamin from top to bottom. And for sure kayo din merong ganitong aparador lalo na kung sa probinsya kayo nakatira. Ewan ko kung bakit halos lahat ng bahay merong ganito.. hehehe.. portal ata ito ng wicked witch na naninirahan sa kab...

Goodbye Philippines

Dahil bagong taon na kaya dapat merong akong kwentong walang kakwenta-kwenta na inaabangan ng mga nakakarami. Sabi nila nagbibigay daw ng mga ngiti sa kanilang mga labi kaya naman heto kahit ala-una na ng madaling araw at katatapos pa lang ng putukan pinipilit umisip ng kwentong magpapaputok sa mga nahihimlay ninyong isipan. LOL! Marami na namang naputulan na naman ng  daliri sa Pilipinas ngayon dahil sa paputok at talagang inaabangan ko ito dati sa Magandang Gabi Bayan ang kanilang episode tungkol sa Bagong Taon na talaga namang parang longganisa ang mga tinamaan ng lintek. Imagine kumakain ka ng hapunan tapos mapapanuod mo ay ang mga daliring laylay dahil sa pla-pla at super lolo.  Pero pansin ko lang ang aso ata ang pinaka-stress na hayup tuwing sasapit ang bagong taon. Dalawang uri ng aso ang kapansin-pansin tuwing bagong taon: una yung halos mag-collapse na lang sa takot tuwing puputok sa sobrang takot at ang pangalawa ay ang tinatawag kong hyper-dog. Ano ba ang hyper-dog...

LANDMARK

Title: LANDMARK Narasan mo na bang maging Landmark? Yung tipong madidinig mo sa usapan sa telepono na parang ganito: "Oo, madali mo akong makikita katabi ko yung gwapong lalake na naka-blue." Di ba ang sarap pakinggan? Pero paano kung ang description sa'yo ay di kagandahan? Aba, ibang usapan na yan. Noong una akong dumating sa SG way back 2005 (okay inugatan na ako dito), lahat halos ata ng mg a nakilala kong hindi pinoy lagi nilang sinasabi sa akin na ay mula sa Malaysia, Indonesia, Thailand at ang pinakamalupit sa lahat taga Hong Kong (haller sa laki ng mata kong ito mapagkakamalan pa akong chekwa?). Anyway highway, isang araw magkikita kami ni misis sa Orchard so habang sakay ako ng train sa may Cityhall biglang me sumakay na noypi at ng nsa may Dobhy Gaught Station, bonggang tumunog ang telephono ng lolo mo. Since nasa likod lang naman siya at wagas na wagas ang kiririiiinnggg ng kanyang iphone. Well, itong lolo mo mukhang may kikitain based sa pagkakaintindi ko sa pa...

Bagyo

Sa buhay ng bawat Filipino hindi natin maitatago na may kanya-kanya tayong kwento ng ating karanasan pagdating sa bagyo at dahil binagyo na naman ang pinas, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang isa sa di ko malilimutang pangyayari sa aming buhay ng sumapit ang bagyo. Dati-rati ang pangalan lang ng bagyo ay puro babae at puro may ING sa dulo ng pangalan tulad ng Maring, Rosing, Es ing, Charing.. LOL!!! Hindi ko alam kung bakit dati puro babae lang ang pangalan at dapat me ING sa dulo pero ang alam ko lang ROSING ang pinaka-bongga at nagpagimbal sa aming buhay. hahaha!!! 3rd year High School ako noon at buwan ng Nobyembre ng dumating si Rosing sa Pilipinas at bongga niyang ginulat ang Pinas ng panahon na yun. Mula sa simpleng Bagyo na naging Super Bagyo. Parang yun ata ang una kong nakadinig na umabot sa signal number 4 ang bagyo sa pinas. Anyway, dahil puro anay (termites) na ang bahay namin kaya may nakahanda na kaming lubid tuwing sasapit ang bagyo at kaloka talaga, tinatalian namin ...

Nosebleed

Naranasan mo na bang mag-nosebleed? as in duguan ang iyong ilong at tainga dahil sa walang habas na pagunawa sa iyong kausap na ibang lahi? Yung tipong nga-nganga ka na lang at hahayaan mo ng tumulo ng bongga ang dugo sa iyong mukha. hahaha! Ako ilang beses ko na yang naranasan. Pero paano naman kung yung kausap mo ang pinadugo mo ang mukha. hahaha! Halina at samahan ninyo ako  sa isa na namang kwento ng aking kalokohan sa buhay! Ang mag-trabaho sa ibayong dagat ay di biro. Andyan ang ma-homesick ka, malungkot at tutulo na lang ang luha mo sa emote pero ang pinakamahirap sa lahat ang umunawa sa mga salita ng iba't-ibang lahi na iyong makakausap araw-araw. Dito ka duduguin ng walang pasintabi at bonggang-bongga. Noong nakaraang dalawang linggo abala ang inyong lingkod sa pag-oorganize ng event sa kumpanya. Isang araw pumunta ako sa desk ng pinaka-pinuno ng asya kasi may kailangan ako sa kanya. Ng patayo na ako ng kanyang opisina bigla niya akong tinanong at heto ang aking pagkakanig...

Connected or Disconnected

Habang binabagtas ang kahabaan ng Red Line kung saan ako lulan ng isang tren, waglit akong natigilan sa aking iphone na wala akong ginawa kundi kalikutin at paglaruan. Pinagmamasdan ko ang mga kapwa ko pasaherong pawang abala din sa pagkalikot ng kanilang mga gadgets; may nakangiti habang may binabasa sa kanyang telepono naisip ko baka boyfriend niyang nag-text na nagpa saya ng kanyang araw, may tila naiiyak naman habang nakatingin lang sa screen ng kanyang ipad; siguro nanunuod ng korean novela, may sobrang likot na lalaki habang parang nagdi-drive ngunit wala namang sasakyan; siguro naglalaro ang mokong, at mayroon namang isang galaw ng galaw ang ulo na tila merong sariling mundo habang nakikinig sa kanyang mp3 player. Habang pinagmamasdan ko sila bigla akong natigilan at napaisip. Noong aking kabataan, hindi pa uso ang cellphone pero napansin kong hindi masyadong late ang mga tao sa kanilang usapan. Halimbawa,dati kung lalabas kami ng aking mga kaibigan sasabihin lang namin ang oras...

Manhole

Nasa huling taon ako ng aking pagaaral sa kolehiyo ng maranasan kong mahulog sa manhole. Hindi naman sa katangahan pero kadahilanang hindi ko siya naiwasan. hehehe... Kung magbabalik tanaw ako sa araw ng mahulog ako sa manhole sa kahabaan ng Mantrade, isa ito sa araw na masasabi kong pinakamalas na araw sa buhay ko. Kasama ang dalawa kong thesis-mates habang sakay kami sa jeep papuntan g Sucat mula Buendia. At ng dumating kami ng Mantrade, pumara ang kasama ko para bumaba. Dahil ako ang may bitbit ng tonetoneladang CPU (jurrasic era pa!) hehehe!!! di ko namalayang meron palang naghihintay na manhole sa aking pagbaba at "plangak!!!" isang paa ko nasa kahabaan ng EDSA at ang isa ay kumakaway sa ilalim ng manhole habang nailigtas ko ang CPU sa tiyak na kamatayan. hahaha! Isang malalim at mapanlinlang ang manhole: puno ng itim na burak at ang makabaligtad sikmurang amoy nito. Isang malaking pasa sa hita at tuhod ang aking inabot at kasabay noon ay ang paghabol sa akin ng aso na h...

Paano kung walang langit?

Minsan ba sumagi sa inyong isipan ang katanungang ito? Paano kung dumating ang araw sa iyong huling hininga nalaman mong walang langit. Yung wala na, as in walang life after death. Yung walang Langit o walang impiyerno. Yung walang sasalubong sa inyong anghel na maghahatid sayo sa pintuan ng Langit? o diablo na galak na galak sa inyong pagdating sa kumukulong lawa ng na gbabagang apoy. Minsan pag-tumitingin ako sa langit, iniisip ko paano ko kung wala talagang langit. Yung bang konting kabutihan na nagawa ko sa lupa ay mababalewa na lamang? Eh bakit pa ako magpapakabuti? dapat gawin ko na lamang ang mga bagay na sa tingin ng tao ay masama; sabi nga enjoy life to the fullest as in try everything without limitation regardless kung makasakit ka ng ibang tao. Subukan ang lahat ng bisyo, lasingin ang sarili na tila wala ng bukas, magpakatamad, magnakaw, as in lahat-lahat na ng masamang tumatakbo sa isipan mo. Reflection: Mga kapatid, sa buhay natin marami tayong mga katanungan na minsan ay ...

Look into Bang-ga

Isang lalaki ang nangarap na magkaroon bagong kotse kaya naman nagsumikap siya para mapalitan ang kanyang kakarag-karag na lumang auto. Matapos ang matagal na paghihintay nabili nya ang bagong kotse. Habang minamaneho nya ang bagong kotse, he's taking it with pride and happiness, fruits of his labor ika nga. Pero isang araw sa hindi niya inaasang pagkakataon ang kanyang mag arang kotse ay nabundol at nagkaroon ng maraming gasgas at napipi ang ilang bahagi nito. Umuwi siya sa bahay na galit at naghihimutok. "Lord naman ang unfair mo. Pinaghirapan ko itong bago kong kotse pero tingnan mo ngayon. Ang dami-daming gasgas at pipi." Paulit-ulit niyang kinukulet ang Diyos sa kanyang reklamo dahil sa sinapit ng kanyang auto, hanggang sumagot ang Diyos. "Ano bang nirereklamo mo? tingnan mo ang kotse mo?" "Heto nga po at ang pangit-pangit na!" reklamo na ng lalaki "Tingnan mo ulit ang kotse." "Si Lord naman ang kulet! di ba nga ang daming sira....

No GOUT no Glory

Masakit, makirot at pumipintig-pintig sa sakit na tila may sariling buhay ang hayop na gout, yan ang aking pakiramdam ng higit isang lingo. Actually nag-start siyang sumakit noong nag pa-practice pa lang kami ng cheering. Sabi ko dahil siguro dahil sa sapatos. Anyway noong nagdaaang linggo hindi namin pinatawad ang apat na pakete ng mani sa opisina matapos noon umattend pa ako ng bday ng kaibigan namin na lumaklak pa ako ng wine at nagpakasasa sa mani at ang resulta: GOUT. Nakakatuwang pagmasdan ang GOUT para siyang mahiyain na bwisit. bakit kamo? kasi mamula-mula ang hayuff na parang ang-ba-blush lang ang peg! at nakaka-bwisit ang sakit! I'm telling you ang sakit ng GOUT ay para kang mapapa-ihi na hindi mo alam. hahahaha!! Alam mo ang hitsura ng pusang di mapaanak... yung ikot ng ikot... parang ganun! At ang nakakairita pa kahit madaling araw at mahimbing ang iyong tulog magigising ka na lang na parang mayroong nag-mamartilyo sa iyong gout. hahaha! Sabi ko nga pwede bang de-screw ...

Barbie Hair

Do you still remember you're hair style when you're still young? Ako most of them nare-remember ko pa... Well siguro dahil sa bundok ako nakatira that time kaya alam ko na ang hair style ko... hehehe.. Isa lang ang barbero ko that time si Tiyo Atring. Siya ang barbero sa pook namin. Astig, after nya sa bukid at magpapahinga na siya saka kami magpapagupit sa kanya... hehehe.. To be honest, bata pa lang ako mahiyain na ako... promise totoo ito... hahaha.. though ngayon di na ako mahiyain pero that time sobrang tame ako... Pagsinabi sa akin ni nanay na pumunta ako kina Tiyo Atring para magpagupit, di ako pumupunta kasi nahihiya ako, bagkus sasamahan pa ako ni nanay para sabihin na gupitana ako... hahaha...  Itong si Tiyo Atring, masyadong perfectionist pagdating sa pag-gupit... mga higit isang oras ka ng gupitan pero di pa din natatapos... hahaha.. ito yung tipong may coffee break at ilang ikot bago sabihin sayo na: "Okay tapos na..." hahaha.. Well dahil bagsak ang hair ...

Patak ng ulan

Marahil marami sa inyo ang ma-ihahambing ang kanilang karanasan sa akin sa tuwing pumapatak ang ulan sa bubong ng kani-kanilang tahanan. Yun bang ang pakiramdam ay tahimik at payapa habang ikaw ay nakaupo sa may bintana at pinagmamasdan ang bawat patak nito. Nakakatuwang balikan ang panahon ng aking kamusmusan tuwing sumasapit ang tagulan. Pag nakikita na naming magpi-pinsan ang madilim na papawirin, tulad namin ay mga balisang hayop sa parang, hindi dahil sa takot kaming mabasa ng ulan bagkus hudyat na ito ng isang masayang araw sa ilalim ng ulam. Pagbuhos ng malakas na ulan, kanya-kanya na kaming labas sa kani-kanilang tahanan saliw walang humpay na tawanan. Habulan sa gitna ng bukid na tila mga ibon na malayang lumilipad sa malawak na papawirin. Habulan na tila walang bukas na hinihintay. Mga halakhak na parang walang problema sa buhay. Marami sa atin na iniisip na ang ulan ay simbolo ng kalungkutan, pighati, at pagdurusa ngunit kung iisipin natin, isa itong simbolo ng isang masayan...

Titanic

Naalala nyo pa ba ang pelikulang Titanic? Siguro ang iba sa inyo ay ilang beses pa itong pinanuod sa pinilakang tabing ng paulit-ulit. Tulad ko, tatlong baon ko ata ang nilustay ko para lang makapanuod...hahaha... Di ko alam kung bakit ko ito pinanuod na paulit-ulit, dahil ba umaasa akong hindi lulubog ang titanic pag inulit kong panoorin or baka pag-inulit ko hindi na kamay ni Rose ang makikita ko sa salamin ng kotse... baka paa naman.. LOL!!! **bad renie** Anyway, meron akong hindi makakalimutan sa pelikulang ito at iyon ay ang walang kamatayang My Heart Will Go On ni Celine Dion. Neng, i'm telling you, kahit AM station ng radyo pagbinuksan mo si Celine Dion ang walang habas na bumibirit. hahaha... At yan ang kwento ko ngayong araw na ito. Di ba naging SA (Student Assistant) ako noong college para may pang-tuition ang lolo nyo dahil poorita mirasol lang naman kami. hehehe.. Isang araw habang tahimik ang office ni Engr.Rene P.David saliw sa mga makabagong tugtugin sa radyo biglang...

Ellen

Napansin ko lang na halos lahat ng mga kabobohan ko sa buhay ay hindi ito nawawala sa aking kaisipan. :) Hindi naman ako nagkikimkim ng galit, pero masaya lang akong balikan ang nakaraan at dahil Biyernes ngayon hayaan ninyong ikwento ko ang isang madamdamin kong karanasan sa kamay ni Ellen. Teka sino ba si Ellen? Noong kasagsagan ng aking karera sa Pilipinas lagi akong nasa client meeting ng mga kumpanya. Isang araw, merong akong client meeting at kuntodo de kurbata pa ang lolo nyo. Dahil medyo maaga pa ako para imeet ang VP ng kumpanya umupo muna ako sa desk ng isang Manager at nakiki-chikka ako. Habang nagkukuwnetuhan kami, hinding-hindi ko malilimutan na biglang may babaeng dumaan sa aking harapan na nagpatigil sa ikot na aking mundo. Nginitian ko siya pero mukhang di niya ako na pansin. Dagli kong tinanong ang manager na kausap ko. Me: Maam ka-team po ba ninyo yung babaeng dumaan? Mngr: Sino? Me: Yung babae po, yung nsa likod ng cubicle na yun.. Mngr: Ah! Oo, matagal na yan dito. ...

Graduation Song

Naalala nyo pa ba ang graduation songs ninyo? Masasabi kong isa sa mahalagang alaala sa mga nagsisipagtapos ng kanilang pagaaral ay ang pag-awit kanilang graduation song. Minsan nga makikita mo pa ang iba mong kaklase na umiiyak habang kinakanta nila ito, halimba na lang ang Farewell to you my friend.. maraming napaluha ang kantang ito. Kung pagsasama-samahin ang lahat ng luha sa mga taong nag-graduate sa kantang ito siguro marami ng tao ang pwedeng maligo sa disyerto. LOL! Naalala ko tuloy noong kami'y magtatapos ng pagaaral sa Elementarya. Simple lang ang aming paaralan. Malayo sa bayan at malawak ang bukirin na matatanaw mo sa kalayuan (naks makata!). Anyway, wala naman kaming music class ng mga panahon na yun kaya me import pa kaming ibang tao na magtuturo sa amin ng kanta. hehehe.. astig di ba?! Pebrero pa lang magsisimula na kami ng aming ensayo ng aming graduation song. At ng ibinigay na sa amin ang aming kakantahin... TSSSAAARRRAAAANNN!!! simple lang ang aming bibiritin: WH...

Pista sa aming Nayon

Abril na naman at sa tuwing sasapit ang ika-22 ng buwan na ito, isa sa aking naaalala ay ang kapistahan sa aming nayon. Ilang taon na din akong hindi nakakadalo sa kapistahan sa aming nayon dahil unang-una nasa ibayong dagat ako at pangalawa wala namang tao sa aming bahay sa Laurel. Anyway, di porke't nasa kabundukan kami nakatira hindi na kami na-aabot ng kabihasanan (hmp f! wag ninyo kaming ismolin). O heto samahan ninyo akong balikan ang Pista sa aming Nayon noong dekada otsienta (80). 1.) Walang mahirap sa araw ng pista, sukdulang magkanda utang-utang makabili lang ng baboy para may maihanda sa mga bisita. hehehe.  2.) Bisperas pa lang kinakatay na ang baboy at ang pinakaweird na hanggang ngayon ay di ko maunawaan kung bakit yung nguso ng baboy ay ipinapakain sa akin dahil gamot DAW sa balingoy-ngoy (dumudugo kasi ang ilong araw-araw noong bata ako.) Anong meron sa nguso ng baboy na nakakapagpagaling sa nose bleed? paki explain at isulat sa 1/4 sheet of paper. 3.) Kung patay na...