Connected or Disconnected
Habang binabagtas ang kahabaan ng Red Line kung saan ako lulan ng isang tren, waglit akong natigilan sa aking iphone na wala akong ginawa kundi kalikutin at paglaruan. Pinagmamasdan ko ang mga kapwa ko pasaherong pawang abala din sa pagkalikot ng kanilang mga gadgets; may nakangiti habang may binabasa sa kanyang telepono naisip ko baka boyfriend niyang nag-text na nagpasaya ng kanyang araw, may tila naiiyak naman habang nakatingin lang sa screen ng kanyang ipad; siguro nanunuod ng korean novela, may sobrang likot na lalaki habang parang nagdi-drive ngunit wala namang sasakyan; siguro naglalaro ang mokong, at mayroon namang isang galaw ng galaw ang ulo na tila merong sariling mundo habang nakikinig sa kanyang mp3 player. Habang pinagmamasdan ko sila bigla akong natigilan at napaisip.
Noong aking kabataan, hindi pa uso ang cellphone pero napansin kong hindi masyadong late ang mga tao sa kanilang usapan. Halimbawa,dati kung lalabas kami ng aking mga kaibigan sasabihin lang namin ang oras at kung saan magkikita at tiyak darating sila sa tagpuan. Ngunit ngayon, kung kailan mas madaling makipagcommunicate sa pamamagitan ng sms mas napapansin kong mas maraming na-lalate sa kanilang tagpuan.
Dati-rati paglumalabas kami at kumakain kasama ng mga kaibigan, inaabot kami ng magdaling araw ng walang patid na kwentuhan at tanging kwentuhan lang ang ginagawa namin. Ngunit ngayon, parang magkakasama kayo ng iyong kaibigan pero bawat isa kanya kanyang pindot ng kani-kanilang cellphone. Hindi ko lubos maisip kung ako ba ang gusto nilang kasama o baka naman may hinihintay pa silang darating.
Naexperience nyo bang magkapenpal? Naalala ko bigla noong ako'y nasa Elementarya pa lamang ako at ka-penpal ko yung mga nsa kalapit na school. Nakakatuwang isipin na araw-araw dati nagsusulatan kami at hindi ko alam pero nakapupuno ko ng kwento ang isang buong papel at ipapadala ko sa kanila ang sulat at pagbalik ng kanilang sagot excited akong sagutin ito. Pero ngayon, kung kailan na tila isang pindot mo na lang sa iyong mga daliri ang pagpapadala ng liham minsan hindi pa natin magawa.
Ilan lang sa mga nabanggit ko ang aking napansin sa kasalukuyang panahon; minsan iniisip ko the more we are connected to everyone the more we became disconnected. Ironic pero pagmasdan nyo ang inyong paligid sa ngayon; parang we are creating our own world and we don't have time to create a world together with people around us.
Life is so short; try to disconnect with your own world and connect with the people around you.
#tgif

Mga Komento