Nosebleed

Naranasan mo na bang mag-nosebleed? as in duguan ang iyong ilong at tainga dahil sa walang habas na pagunawa sa iyong kausap na ibang lahi? Yung tipong nga-nganga ka na lang at hahayaan mo ng tumulo ng bongga ang dugo sa iyong mukha. hahaha! Ako ilang beses ko na yang naranasan. Pero paano naman kung yung kausap mo ang pinadugo mo ang mukha. hahaha! Halina at samahan ninyo ako sa isa na namang kwento ng aking kalokohan sa buhay!

Ang mag-trabaho sa ibayong dagat ay di biro. Andyan ang ma-homesick ka, malungkot at tutulo na lang ang luha mo sa emote pero ang pinakamahirap sa lahat ang umunawa sa mga salita ng iba't-ibang lahi na iyong makakausap araw-araw. Dito ka duduguin ng walang pasintabi at bonggang-bongga.

Noong nakaraang dalawang linggo abala ang inyong lingkod sa pag-oorganize ng event sa kumpanya. Isang araw pumunta ako sa desk ng pinaka-pinuno ng asya kasi may kailangan ako sa kanya. Ng patayo na ako ng kanyang opisina bigla niya akong tinanong at heto ang aking pagkakanig sa kanya: kung sapat na ba daw ang lugar na pagdarausan ng event sa higit isang daang tao. Sumagot ako at sabi kong siguro sapat na para sa isang daang katao. Neng, first time kong makakita ng isang puti na napanganga at tumigil ang ikot ng kanyang mundo. hahaha!!! Natigalgal ang lolo mo sa sagot at muntik na siyang mag-collapse sa pagtulo ng dugo nya sa mukha!!!. hahaha

Feeling ko mali ang dinig ko sa tanong nya at hindi nya alam ang sasabihin nya sa sagot ko tungkol sa table... hahahahahaha... Bakit, tayo lang bang mga Pinoy ang may karapatang duguin pagkausap ang mga puti na mahirap unawain ang accent? Minsan maranasan din naman nila ang duguin sa pagunawa sa atin noh!!! Ano tayo na lang lagi??????? Abuso na sila ah!!! Di na yun makatarungan!!! hahahaha.. Talo-talo na lang!!! Iniwan ko nagsuswimming sa dugo lolo mo... hahahahahaha..

#nosebleed_all_over
#nganga
#tissue_please
#bingi

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin