Manhole
Nasa huling taon ako ng aking pagaaral sa kolehiyo ng maranasan kong mahulog sa manhole. Hindi naman sa katangahan pero kadahilanang hindi ko siya naiwasan. hehehe...
Kung magbabalik tanaw ako sa araw ng mahulog ako sa manhole sa kahabaan ng Mantrade, isa ito sa araw na masasabi kong pinakamalas na araw sa buhay ko. Kasama ang dalawa kong thesis-mates habang sakay kami sa jeep papuntang Sucat mula Buendia. At ng dumating kami ng Mantrade, pumara ang kasama ko para bumaba. Dahil ako ang may bitbit ng tonetoneladang CPU (jurrasic era pa!) hehehe!!! di ko namalayang meron palang naghihintay na manhole sa aking pagbaba at "plangak!!!" isang paa ko nasa kahabaan ng EDSA at ang isa ay kumakaway sa ilalim ng manhole habang nailigtas ko ang CPU sa tiyak na kamatayan. hahaha!
Isang malalim at mapanlinlang ang manhole: puno ng itim na burak at ang makabaligtad sikmurang amoy nito. Isang malaking pasa sa hita at tuhod ang aking inabot at kasabay noon ay ang paghabol sa akin ng aso na hindi mo alam kung sinasabi niyang lumayas ka dito dahil sa aking amoy.
Reflection:
Minsan dumarating sa ating buhay na mahuhulog tayo sa MANHOLE.
Teka ano nga ba ang manhole sa atin buhay? Ito yung PALAGES (Pride, Anger, Lust, Avarice, Gluttony, Envy, Sloth) or PALAGI or paulit-ulit nating ginagawang kasalanan.
Masakit at mahirap umahon kapag nahulog tayo sa manhole ng ating buhay, kailangan natin ng kamay na tutulong sa atin para makaahon sa pagkakalugmok sa mabaho at nakakarimarim na amoy ng manhole at ito ang kamay ng Diyos.
Bahagi sa ating buhay na tayo ay nadarapa at nasasaktan pero ang tanong, sa tuwing ikaw ba ay nadarapa hinahayaan mo na lang ang sarili mo sa pagkakalugmok or ikaw ba ay nagsusumikap para umahon? Kapag sumapit ang araw na nasa harapan ka ng Diyos hindi ka Niya tatanungin kung ilang beses ka nahulog sa Manhole, tatanungin ka Niya kung ilang beses kang nagpumilit na makaahon sa Manhole.
Ano kapatid, nasa loob ka pa ba ng manhole? Halika, subukan nating umahon para kay Kristo.
#TGIF

Mga Komento