Lokohin mo ang lolo mong panot

Bawat isa sa atin seryoso man o kasing kulet ko, may tinatawag tayong kulit moments. Yung tipong dadalawin ka lang ng kakulitan sa buhay at mangungulet ka lang sa mga kaibigan or pamilya mo. Pero para sa akin… pang-araw-araw ko ata ito. LOL! ** parang rice lang ---> can't live without ang drama lang!**

Anyway, ang susunod kong kwento sa inyo ay nangyari sa lang noong sabado. hehehe.. O di ba, maiinit-init pa na parang galing sa pugon de manila ang peg. LOL!. Ewan ko ba kahit saan habulin ako ng mga kabobohan sa buhay. hahaha..  Isinilang ata akong me balat sa pwet...

Noong sabado pagkatapos kong mag-trabaho sa opisina nagkita kami nina Mama, Nali & Kin sa Orchard para mag-shopping. (pero feeling ko si Kin lang ang nag-shopping. hahaha!!!) So ikot-ikot kami sa ION na mall. Eh dahil magkatapat lang naman ang pull&bear na shop at promod sabi ko sa pull&bear ako since merong pang-lalaki doon unlike sa promod na for ladies lang. Dali dali akong pumasok ng pull&bear na parang hayok na cheeta. LOL!! *hexagge* Sa awa ng Diyos wala akong nakitang bag na gusto kong bilhin. I decided na lumabas na lang at sumunod kina misis sa Promod na shop.

Pagpasok ko ng shop nakita ko agad si Nali natumitingin ng damit sabi ko sa sarili ko… jo-jokin ko siya. hahaha... Dali-dali akong lumapit kay Nali at sabay sabing: "Exkyut me… do you need help?" hahahaha… Lagi ko itong ginagawa kay misis pag-nagiikot kami sa mall. hahaha.. at hindi normal voice ang ginagamit ko… yung boses IPIS… gets nyo? yung super liit na boses na parang si Weng-weng? (ok fine mas lalong naging malabo) heto na lang yung boses na pinaliit na parang boses ng naipit na daga. hahahahaha… Ah basta maliit na boses. LOL! **dinugo ako sa pag-explain!!!**

Anyway, balik tayo sa kwento… pagkatapos kong sabihin ang "Exkyut me… do you need help?" Dahan-dahan siyang tumingin sa akin na parang slow-motion sa pelikula sabay sabing: "No, it's okay!" Ng makita ko ang mukha ni misis para akong binuhusan ng malamig na tubig at gusto kong gumuho ang buong building para matabunan ako ng pader. hahaha. Ang hayuff na iyon… yung babae pala na sinabihan ko na parang boses ng naipit na daga ay HINDI PALA SI MISIS!!! wwwhhhhhhhaaaaa… dali-dali akong umalis sa tabi ng babae na parang cartoon character na si mr.beep beep (road runner) ng looney toons. hahahaha… Ng makita ko sina Nali dali-dali kong ikinukwento sa kanila ang kabobohan ko na naman sa buhay. hahaha.. 'neng, mahihiya ang teenager na nag-blush ng makita nya ang crush nya sa sobrang pula ng tainga ko… hahaha.. gusto kong mag-harakiri sa hiya. hahahaha...

Dali-dali kaming lumabas ng promod para di na makita ng babae ang kalbong nag-"Exkyut me" sa kanya.. hahahaha. Pero infairness ke ate feeling nya salesman ako doon kaya medyo deadma sa bangga lang ang drama nya sa akin. LOL!

Mode: "Basta't driver sweet driver.. pero pag kalbo??? ah joker!!!"

#exkyut_me
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin