Paano kung walang langit?
Minsan ba sumagi sa inyong isipan ang katanungang ito? Paano kung dumating ang araw sa iyong huling hininga nalaman mong walang langit. Yung wala na, as in walang life after death. Yung walang Langit o walang impiyerno. Yung walang sasalubong sa inyong anghel na maghahatid sayo sa pintuan ng Langit? o diablo na galak na galak sa inyong pagdating sa kumukulong lawa ng nagbabagang apoy.
Minsan pag-tumitingin ako sa langit, iniisip ko paano ko kung wala talagang langit. Yung bang konting kabutihan na nagawa ko sa lupa ay mababalewa na lamang? Eh bakit pa ako magpapakabuti? dapat gawin ko na lamang ang mga bagay na sa tingin ng tao ay masama; sabi nga enjoy life to the fullest as in try everything without limitation regardless kung makasakit ka ng ibang tao. Subukan ang lahat ng bisyo, lasingin ang sarili na tila wala ng bukas, magpakatamad, magnakaw, as in lahat-lahat na ng masamang tumatakbo sa isipan mo.
Reflection:
Mga kapatid, sa buhay natin marami tayong mga katanungan na minsan ay mahirap bigyang kasagutan pero ang ating panampalataya ang siyang magpapatibay sa atin. Paano nga ba kung walang langit? Siguro para sa akin, kung talagang walang langit sa pagsapit ng dapithapon ng aking buhay masasabi kong kahit paano nadama ko ang langit sa lupa sa piling nga mga taong nagmamahal sa akin.
Pero paano kung merong langit? Handa ka na ba? o hindi pa? Huwag nating sayangin ang panahon habang meron pang pagkakataong magbago at magbalik loob sa Kanya.

Mga Komento