Patak ng ulan

Marahil marami sa inyo ang ma-ihahambing ang kanilang karanasan sa akin sa tuwing pumapatak ang ulan sa bubong ng kani-kanilang tahanan. Yun bang ang pakiramdam ay tahimik at payapa habang ikaw ay nakaupo sa may bintana at pinagmamasdan ang bawat patak nito.

Nakakatuwang balikan ang panahon ng aking kamusmusan tuwing sumasapit ang tagulan. Pag nakikita na naming magpi-pinsan ang madilim na papawirin, tulad namin ay mga balisang hayop sa parang, hindi dahil sa takot kaming mabasa ng ulan bagkus hudyat na ito ng isang masayang araw sa ilalim ng ulam.

Pagbuhos ng malakas na ulan, kanya-kanya na kaming labas sa kani-kanilang tahanan saliw walang humpay na tawanan. Habulan sa gitna ng bukid na tila mga ibon na malayang lumilipad sa malawak na papawirin. Habulan na tila walang bukas na hinihintay. Mga halakhak na parang walang problema sa buhay.

Marami sa atin na iniisip na ang ulan ay simbolo ng kalungkutan, pighati, at pagdurusa ngunit kung iisipin natin, isa itong simbolo ng isang masayang alaala ng kahapon ng ating kamusmusan.

Ngayon habang pinagmamasdan ko ang bawat patak sa labas ng aming opisina tila tinangay ako sa malayong panahon saliw ng bawat halakhak at tuwa sa ilalim ng malakas na ulan sa kabukiran.

#emoterang_froglet
#ulan
#gusto kong matulog

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin