Mirror Mirror on the Wall

Bawat isa sa atin ay may kani-kanilang karanasaan noong ating kabataan na hindi natin malilimutan, yung tipong pag-naalala mo ay matatawa ka at masasabi mong bakit ko ba ito ginawa. Siguro ang pinagkaiba lang natin ay nasobrahan ata ako ng karanasaan noong aking kabataan kaya marami akong naisusulat. hehehe.

Isa sa hinding-hindi ko malilimutan ay itong susunod kong kwento, kwentong gusto ko ng mawala sa limot at ibaon sa libingan pero pagnaiisip ko ito natatawa ako sa aking sarili kya ikukuwento ko na lang sa inyo (wag nyo akong ikakahiya pag nagkita tyo). Hindi naman ako artista pero bata pa lang ako marami na akong kalokohan sa buhay: Parang buhay sa Pinilakang Tabing ang drama lang drama neng! hehehe.

Sa bahay namin meron isang malaking aparador na may salamin from top to bottom. And for sure kayo din merong ganitong aparador lalo na kung sa probinsya kayo nakatira. Ewan ko kung bakit halos lahat ng bahay merong ganito.. hehehe.. portal ata ito ng wicked witch na naninirahan sa kabukiran. LOL! Anyway, hindi ko alam pero sa tuwing pinapagalitan ako ng aking mga kapatid dali-dali akong umaakyat sa 2nd floor ng bahay namin (wow sosyal may 2nd floor ang bahay pero butas naman ang sahig na yari sa kawayan.. hahaha..). At pagdating ko sa 2nd floor dali-dali akong uupo sa harap ng salamin ng aming mahiwagang aparador at doon ako iiyak na para akong nasa harap ng camera. Feeling ko awang-awa ako sa sarili ko pag-umiiyak ako sa harap ng salamin.. hahaha.

So paulit-ulet ko itong ginagawa… tuwing papagalitan ako takbo agad sa harap ng salamin tapos sabay tulo ng luha (kaliwang mata.. tapos kanan naman.) hahaha… **artista lang ang drama**

Isang araw habang pinapagalitan ako ng aking kapatid dali-daling tumalikod sa kanya na parang isang teleserye sabay tatakbo na sana ako papunta sa harap ng salamin ng bigla niyang sinabi: "O pupunta ka na naman sa harap ng salamin at doon ka iiyak!!!" Jusme pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig!!! at gusto kong iuntog ang sarili ko sa salamin sa kahihiyan. Ang akala ko, ako lang ang nakakaalam ng kalokohan ko sa mundo yun pala alam na din nila. LOL!!

Hay naku, itong kapatid ko talaga pambasag ng trip! Akala ko pa naman makukuha ko na ang Best Actor award.. hmpf!!! naging Supporting Actor lang tuloy ang drama ko. LOL!

Tanong:
Bakit pagnakikita mong naiiyak ka sa harap ng salamin kahit hindi naman kaiyak-iyak ay bigla ka na lang maawa sa sarili at tutulo ang mga nagbabagang-luha? paki-explain!

#mirrormirror
#dramaking
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin