Pista sa aming Nayon

Abril na naman at sa tuwing sasapit ang ika-22 ng buwan na ito, isa sa aking naaalala ay ang kapistahan sa aming nayon. Ilang taon na din akong hindi nakakadalo sa kapistahan sa aming nayon dahil unang-una nasa ibayong dagat ako at pangalawa wala namang tao sa aming bahay sa Laurel.

Anyway, di porke't nasa kabundukan kami nakatira hindi na kami na-aabot ng kabihasanan (hmpf! wag ninyo kaming ismolin). O heto samahan ninyo akong balikan ang Pista sa aming Nayon noong dekada otsienta (80).

1.) Walang mahirap sa araw ng pista, sukdulang magkanda utang-utang makabili lang ng baboy para may maihanda sa mga bisita. hehehe. 
2.) Bisperas pa lang kinakatay na ang baboy at ang pinakaweird na hanggang ngayon ay di ko maunawaan kung bakit yung nguso ng baboy ay ipinapakain sa akin dahil gamot DAW sa balingoy-ngoy (dumudugo kasi ang ilong araw-araw noong bata ako.) Anong meron sa nguso ng baboy na nakakapagpagaling sa nose bleed? paki explain at isulat sa 1/4 sheet of paper.
3.) Kung patay na ang baboy sa madaling araw ng bisperas, hapon pa lang kalahati na ang ulam kasi madami ng taong nakikipamista. Parang advance screening lang ng movie ang drama. hehehe..
4.) Sandamak-mak na pineapple juice at alak sa bahay tuwing pista sa amin dahil yun ang dala ng mga namimista. Tapos pag-pista sa kabilang nayon yun din ang dadalhin namin... parang pasa-bola lang ang laro. hehehe... (wala kayang expiration ang pineapple juice at ginebra na gin? kung palipat-lipat lang tuwing me pistahan?)
5.) Kahit sinong dadaan sa bahay: pinsan, kaibigan, taga tinda ng ice cream, magtataho, magtitinapay... walang sini-sino.. kahit sino pwedeng lumafang with matching pabaon pa yun after mabusog.  At saka bawat bahay na dadaanan mo pipilitin kang kumain kahit halos masuka ka na sa dami ng pagkain. BAWAL ang magsabi ng AYAW KO... isang malaking kasalanan yan... (TAMPO-ROROT ang sasabihan mo nyan.) hehehe.. so Kung nag-di-diet ka, kalimutan mo muna. hehehe... sa susunod na araw na lang.
6.) Walang gun ban sa amin, kaya paglasing na ang mga tao... mahihiya ang Iraq sa amin. LOL! (exaherente lng! pero merong putukan talaga, mga every 2 minutes merong BANG! BANG! hahaha..)
7.) Pinaka-gusto ko ang bisperas ng gabi kasi merong sayawan, neng ihanda mo ang sarili mo sa araw na ito. Libre ang mga babae, pero me bayad ang mga lalake (di talaga patas ang mundo,as if naman ayaw umattend ng mga babae sa sayawan. hmpf!!! if I know excited ang mga yang pumunta kahit magbayad pa sila.)
8.) Dahil summer pag-pista sa amin, kaya sobrang init. Ang ginagawang sayawan ay gitna ng araruhan. Imagine ang mga babae noon, taas ng buhok sa ka-ti-tis with matching isang bote ng aquanet at spraynet tapos ang dance floor mo ay araruhan na sobrang alikabok...neng, pag nagsimula ng arikomambo na tugtog parang me smoke machine na effect pero this time libre fez powder ang mga utaw, mapapasigaw ka na lang ng ALAPAAP sa kapal ng alikabok sa dance floor.
9.) Dahil wala namang gym sa amin, ang fence ng sayawan ay gawa lang sa kawayan at ang tabing (cover sa tabihan) ay dahon ng niyog. Para sure na walang tatakas sa pagbabayad, ang dahon ng niyog ay lalagyan ng maraming maraming langis ng dyip. I'm telling you, pagtatanga-tanga ka at nadikit ka sa dahon ng niyog, uuwi kang parang kang zebra dahil itim ang kulay ng langis na didikit sa iyong puting damit long sleeves na sobrang luwag. hehehe..
10.) Ito ang pinaka-winner, taon-taon na lang dati di natatapos ang pista sa amin na walang merong gripo ang tagiliran. Alam mo ba ang gripo sa tagiliran? Well, pag nagkapikunan na sa sayawan o inuman, AWAY na agad at habulan ng balisong, malas mo lang kung itak ang ihabol sayo.. hehehe! 

Yun lang ang ilan sa mga eksenang aking naalala pag-pista sa aming nayon. 

Sa mga taga Laurel (Ulango), aba'y makikipista ho. Ano ga hong handa dyan? Magtira naman kayo ng tarapilya.. hahaha.. 


Mode:**HAPPPY EARTH DAY!!! hahaha.. ang layo sa topic.**

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin