No GOUT no Glory

Masakit, makirot at pumipintig-pintig sa sakit na tila may sariling buhay ang hayop na gout, yan ang aking pakiramdam ng higit isang lingo. Actually nag-start siyang sumakit noong nag pa-practice pa lang kami ng cheering. Sabi ko dahil siguro dahil sa sapatos. Anyway noong nagdaaang linggo hindi namin pinatawad ang apat na pakete ng mani sa opisina matapos noon umattend pa ako ng bday ng kaibigan namin na lumaklak pa ako ng wine at nagpakasasa sa mani at ang resulta: GOUT.

Nakakatuwang pagmasdan ang GOUT para siyang mahiyain na bwisit. bakit kamo? kasi mamula-mula ang hayuff na parang ang-ba-blush lang ang peg! at nakaka-bwisit ang sakit! I'm telling you ang sakit ng GOUT ay para kang mapapa-ihi na hindi mo alam. hahahaha!! Alam mo ang hitsura ng pusang di mapaanak... yung ikot ng ikot... parang ganun! At ang nakakairita pa kahit madaling araw at mahimbing ang iyong tulog magigising ka na lang na parang mayroong nag-mamartilyo sa iyong gout. hahaha! Sabi ko nga pwede bang de-screw na lang muna ang paa, yung tipong pag masakit tanggalin mo muna tapos pag-hindi na masakit ibalik na lang ulet. LOL! parang manika ka lang ang drama ko nun!

Buti na lang marami na akong kaibigan na nagka-gout at marami marami na din ang naka-experience ng ganitong kalokohan sa buhay na gusto mo na lang munang magpatiwakal sa sakit. hahaha! Well kung hindi ako nagka-gout di ko masyadong ma-aapreciate na masarap lumakad na di pakaang-kang. hahaha! No GOUT no Glory ang drama?

#gout

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin