Bagyo
Sa buhay ng bawat Filipino hindi natin maitatago na may kanya-kanya tayong kwento ng ating karanasan pagdating sa bagyo at dahil binagyo na naman ang pinas, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang isa sa di ko malilimutang pangyayari sa aming buhay ng sumapit ang bagyo.
Dati-rati ang pangalan lang ng bagyo ay puro babae at puro may ING sa dulo ng pangalan tulad ng Maring, Rosing, Esing, Charing.. LOL!!! Hindi ko alam kung bakit dati puro babae lang ang pangalan at dapat me ING sa dulo pero ang alam ko lang ROSING ang pinaka-bongga at nagpagimbal sa aming buhay. hahaha!!!
3rd year High School ako noon at buwan ng Nobyembre ng dumating si Rosing sa Pilipinas at bongga niyang ginulat ang Pinas ng panahon na yun. Mula sa simpleng Bagyo na naging Super Bagyo. Parang yun ata ang una kong nakadinig na umabot sa signal number 4 ang bagyo sa pinas. Anyway, dahil puro anay (termites) na ang bahay namin kaya may nakahanda na kaming lubid tuwing sasapit ang bagyo at kaloka talaga, tinatalian namin ang bubong na bahay ng lubid tapos itatali namin ito sa poste ng bahay para di liparin ng hangin ang bubong. LOL!! Noong araw na iyon ako at si Ate Irene ang magkasama sa bahay. Ang inay di pa dumarating galing sa pagtitinda sa palengke at ng dumating ang inay lumipat kami sa bahay ng mga nanay (lola) namin na katabi lang naman ang bahay. Neng saktong paglipat namin at habang tuwang-tuwa si Rosing sa lakas nya kitang-kita namin kung paano bonggang-bonggang nilipad ni Rosing ang buong bubong ng bahay namin. hahaha.. para siyang nag-take-off na spaceship... hahaha... tapos di ko talaga malilimutan na umiyak ang inay. Para kaming teleserye sa TV noon. hahaha.. mala-Judy Ann Santos ang peg??? tumutulo ang luha sa kaliwang mata lang? LOL!!!
Ganun si Rosing, winasak niya ang buong bahay namin ng walang pakundangan. hahaha!!! Kung sikat na ang kanta ni nicki minaj na starship ng panahon na yun baka na-upload sa youtube ang palipad ng bubong ng bahay namin sabay sa kanta ni nicki minaj. LOL!!!
Reflection: Sa buhay natin dumarating ang bagyo o unos, minsan ang unos na ito ang sumisira sa atin. Pero gaano man kalakas ang unos sa buhay mo ngayon lilipas din yan at ang kailangan mo lamang ay harapin ito. Sabi nga: "After every storm the sun will smile; for every problem there is a solution..."
Mode:**nakiki-bagyo kasi walang bagyo dito… na-miss ang walang pasok tuwing me baha.**

Mga Komento