LANDMARK

Title: LANDMARK

Narasan mo na bang maging Landmark? Yung tipong madidinig mo sa usapan sa telepono na parang ganito: "Oo, madali mo akong makikita katabi ko yung gwapong lalake na naka-blue." Di ba ang sarap pakinggan? Pero paano kung ang description sa'yo ay di kagandahan? Aba, ibang usapan na yan.

Noong una akong dumating sa SG way back 2005 (okay inugatan na ako dito), lahat halos ata ng mga nakilala kong hindi pinoy lagi nilang sinasabi sa akin na ay mula sa Malaysia, Indonesia, Thailand at ang pinakamalupit sa lahat taga Hong Kong (haller sa laki ng mata kong ito mapagkakamalan pa akong chekwa?). Anyway highway, isang araw magkikita kami ni misis sa Orchard so habang sakay ako ng train sa may Cityhall biglang me sumakay na noypi at ng nsa may Dobhy Gaught Station, bonggang tumunog ang telephono ng lolo mo. Since nasa likod lang naman siya at wagas na wagas ang kiririiiinnggg ng kanyang iphone. Well, itong lolo mo mukhang may kikitain based sa pagkakaintindi ko sa paguusap nila (nakikialam lang).

Heto ang scenario habang may kausap siya sa phone:

"Oh nakasakay ka na ba ng train?"
"Uyy tamang-tama kasasakay ko pa lang.. Dobhy na ako."
"Di na ako baba sa train, kita tyo sa Orchard."

Pagdating sa orchard (2 stations away sa Dobhy)

"Dito ako sa malapit sa harapan."
"Nakita mo na ba ako?"
"O heto, dito ako malapit sa pinto. Pagbumaba ang KALBO doon ako naka-pwesto."

'teh, muntik na akong mag-cartwheel sa description ng lolo mo. Gawin ba akong landmark? Okay lang naman sana kung sinabing: Pag me bumabang pogi doon ako.. aba at hindi talagang bongga pa niyang sinabing: yung KALBO! ggrrr... **roll-eyes** LOL!!! Anyway natawa lang ako sa pagkakasabi nya na feeling na lolo mo na hindi ko siya nauunawaan. Gusto ko sana siyang balikan at sabihin: Hoy Pinoy din ako.. nauunawaan kita iho!! LOL!

Happy Midweek everyone!

Mode:**Pag-Kalbo pwedeng mag-joke **

#kalbo
#pinoy
#landmark

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin