Ellen

Napansin ko lang na halos lahat ng mga kabobohan ko sa buhay ay hindi ito nawawala sa aking kaisipan. :) Hindi naman ako nagkikimkim ng galit, pero masaya lang akong balikan ang nakaraan at dahil Biyernes ngayon hayaan ninyong ikwento ko ang isang madamdamin kong karanasan sa kamay ni Ellen. Teka sino ba si Ellen?


Noong kasagsagan ng aking karera sa Pilipinas lagi akong nasa client meeting ng mga kumpanya. Isang araw, merong akong client meeting at kuntodo de kurbata pa ang lolo nyo. Dahil medyo maaga pa ako para imeet ang VP ng kumpanya umupo muna ako sa desk ng isang Manager at nakiki-chikka ako. Habang nagkukuwnetuhan kami, hinding-hindi ko malilimutan na biglang may babaeng dumaan sa aking harapan na nagpatigil sa ikot na aking mundo. Nginitian ko siya pero mukhang di niya ako na pansin. Dagli kong tinanong ang manager na kausap ko.

Me: Maam ka-team po ba ninyo yung babaeng dumaan?
Mngr: Sino?
Me: Yung babae po, yung nsa likod ng cubicle na yun..
Mngr: Ah! Oo, matagal na yan dito.
Me: Di po ba si Ellen yun?
Mngr: Oo, bakit mo kilala?
Me: Kasi po kaklase ko siya sa Adamson (shy smile pa ang hayuff. hahaha..).
Mngr: Di nga? Sandali tawagin ko.. Ellen! Ellen! Punta ka dito. (makasigaw naman si maam wagas na wagas. hahaha.)
Ellen: Yes ma'am, ano po yun.
Mngr: Kilala ka daw nito. Taga Adamson ka ba?
Ellen: Opo.. (sabay tingin sa akin.)
Mngr: Kaklase mo daw siya.

Mega smile naman ako at talagang ready to chikka na ako sa kanya ng bigla niyang basagin ang katahimikan ng paligid.

Ellen: Ma'am, ganun na po ba ako katanda?

Sabay alis sa tabi namin at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mga oras na iyo.. Gusto kong sabihin: BUKA LUPA AT AKOY IYONG LAMUNIN!!!


Mode:
**Wag etchochera kaklaseng mahadera!!! LOL!!! (bitter ocampo).
**Ang batang malikot nakakahipo ng ipot!
**Biyernes dapat masaya

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin