Look into Bang-ga
Isang lalaki ang nangarap na magkaroon bagong kotse kaya naman nagsumikap siya para mapalitan ang kanyang kakarag-karag na lumang auto.
Matapos ang matagal na paghihintay nabili nya ang bagong kotse.
Habang minamaneho nya ang bagong kotse, he's taking it with pride and happiness, fruits of his labor ika nga. Pero isang araw sa hindi niya inaasang pagkakataon ang kanyang magarang kotse ay nabundol at nagkaroon ng maraming gasgas at napipi ang ilang bahagi nito. Umuwi siya sa bahay na galit at naghihimutok.
"Lord naman ang unfair mo. Pinaghirapan ko itong bago kong kotse pero tingnan mo ngayon. Ang dami-daming gasgas at pipi."
Paulit-ulit niyang kinukulet ang Diyos sa kanyang reklamo dahil sa sinapit ng kanyang auto, hanggang sumagot ang Diyos.
"Ano bang nirereklamo mo? tingnan mo ang kotse mo?"
"Heto nga po at ang pangit-pangit na!" reklamo na ng lalaki
"Tingnan mo ulit ang kotse."
"Si Lord naman ang kulet! di ba nga ang daming sira."
"Tingnan mo ulet ang kotse."
"Ano pa bang titingnan ko Lord? kitang-kita mo naman ang daming sira."
"Buksan mo ang pinto at subukan mong paandarin, umaandar pa ba?"
"Oo"
"Kumpleto pa ba ang gulong?"
"Oo"
"May aircon pa ba?"
"Oo"
"Eh ano ang nirereklamo mo?"
At tumahimik ang lalake.
Reflection:
Sa buhay natin may mga bagay na dumarating na hindi natin inaasan, tulad ng mga pagsubok na minsan ito yung nagpapalugmok sa atin sa kalungkutan at kawalan ng tiwala sa Diyos. Halintulad ng lalaki sa kwento, lagi tayong tumitingin sa bang-ga ng ating buhay, yung mga bagay na magpapalungkot at magpapawala ng tiwala natin sa Diyos. Ngunit ano ba ang gusto ng Diyos? Ang nais Niya ay tumingin tayo sa kabuoan ng ating buhay. Maaring maraming pagsubok ngunit alalahanin natin na sa bawat sikat ng araw ay kaakibat nito ang panibagong pagasa ng buhay.

Mga Komento