Best Customer Service

Paano mo ba masasabi na ang isang Customer Service (CS) ay the best? Para sa akin if yung CS ay nagtrabaho beyond na sa tawag ng tungkulin. Eh paano naman kung yung tumawag sa CS ay sagad ang katangahan o kabobohan sa buhay? Aba teka, ibang usapan na yan. hahahaha! At yan ang ikukwento ko sa inyo. hahaha!

Ang sunod kong kwento sa inyo noong panahong nakatira pa kami sa Sengkang. Sa mga hindi pa nakakadating sa Singapore, ang Sengkang ay 2nd sa last station ng Singapore (North-East Line) pagkatapos noon nsa ibang bansa ka na (Malaysia) kaya nga noon niloloko kami ng mga kaibigan namin if kailangan pa daw ng passport pagpupunta sa bahay. Mga hayuff na yun, maganda kaya sa Sengkang… hehehe.. sariwa ang hangin at maganda ang kapaligiran. LOL! Maliit lang naman ang Singapore, 30mins via train lang ang Sengkang going to the City so kaya wag ninyo kaming hamaking mga Sengkangers! hahaha! Anyway highway, hindi naman geography ang aking ikukwento kaya tigilan na natin ang Geography 101.

Heto na ang tunay na kwento.

Isang araw bahang tahimik ang buhay ng inyong abang lingkod sa kanyang trabaho biglang kumiriring ang aking telepono. KKRRRIIINNGGG!!!!!! Jusme si Teng lang pala ang aking butihing sis-in-law. Wag ko kayang sagutin? hahahaha.. Kidding aside sinagot ko naman. LOL! **takot ko na lang! hahaha.. PEACE Zonker**

Teng: Renie wala tayong electricity sa bahay! (high pitch yan! charot!)
Renie: Ha? Bakit? Anyway, sige tawagan ko ang may ari ng bahay.

Di naman ako masungit pero minsan topakin din ako at dinadalaw din ng Mr.Sungit mode. hahaha… Malas na lang landlord namin at tinopak ako that time. Paano ba naman sinong di maasar! Bakit kami mawawalan ng kuryente eh nagbabayad naman kami ng tama sa araw ng renta. So tinawagan ko ang aming landlord na wagas na wagas na nagpainit lalo ng ulo kong makinis pa sa bao ng niyog. LOL!

Renie: Nazri! We don't have electricity at home!
Nazri: Ha? Where you're staying 'leh?

Potek! tanungin pa ako kung saan kami nakatira. Hayuff na yun eh kami lang naman ang nagrerenta ng kanilang bahay. So lalong umusok ang ilong ko sa asar!

Renie: Sengkang lah! (Sing-lish na ako.)
Nazri: Ah. New HDB lah!

**HDB - ito yung tawag sa bahay dito sa singapore.

Renie: Yah lah! So how ha? We don't have electricity. What to do?
Nazri: Hmmm.. You go out the house and you can see the a small cabinet near the door, open it then switch-on the switches.

Anyway, dali-dali kong tinawagan si Teng para ipagawa yung sabi ni Nazri at sa awa ng Diyos ay nagkaroon kami ng electricity. Matapos noon tumawag si Teng kay Nali para sabihin na mayroon na kaming kuryente sa bahay.

Teng: Dai, meron na tayong electricity. Tinawagan na ni Renie si Nazri.

Halos matigalgal si Nali sa kanyang nadinig at feeling nya gusto niyang mag-chartweel sabay tambling (joke lang booging.. hehehe)

Nali: Ha? Nazri? Bakit niya tinawagan si Nazri? eh si RAUZI ang ating landlord! hahahaha..

Jusme sa halip uminit ang ulo ng mga tao sa bahay nagtawan silang dalawa ng walang humpay at pagdating ko sa bahay ipangkwentuhan pa namin si Nazri. hahahaha… Hayuff na yun di naman lang sinabi sa akin na hindi pala siya ang landlord namin… hahaha.. At talagang mega guide pa niya ako kung paano ang aking gagawin. Sumakit ang tyan namin katatawa sa bahay. Eh anong magagawa ko eh magkatunog naman ang Nazri at Rauzi di ba? hahaha.. At talagang i-justify ko pa ang katangan ko sa buhay.

By the way, si Nazri ay isang travel agent sa beach resort sa Malaysia na halos araw-araw kong kausap ng mga panahon na yun dahil sa SFC na activity. hahaha… Kaloka… sumakit ang anit ko katatawa… hahaha.

And the Best Customer Service Award goes to Nazri while the Best Customer goes to Renie. LOL!!!

#CustomerService
#Nazri
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin