Goodbye Philippines
Dahil bagong taon na kaya dapat merong akong kwentong walang kakwenta-kwenta na inaabangan ng mga nakakarami. Sabi nila nagbibigay daw ng mga ngiti sa kanilang mga labi kaya naman heto kahit ala-una na ng madaling araw at katatapos pa lang ng putukan pinipilit umisip ng kwentong magpapaputok sa mga nahihimlay ninyong isipan. LOL!
Marami na namang naputulan na naman ng daliri sa Pilipinas ngayon dahil sa paputok at talagang inaabangan ko ito dati sa Magandang Gabi Bayan ang kanilang episode tungkol sa Bagong Taon na talaga namang parang longganisa ang mga tinamaan ng lintek. Imagine kumakain ka ng hapunan tapos mapapanuod mo ay ang mga daliring laylay dahil sa pla-pla at super lolo.
Pero pansin ko lang ang aso ata ang pinaka-stress na hayup tuwing sasapit ang bagong taon. Dalawang uri ng aso ang kapansin-pansin tuwing bagong taon: una yung halos mag-collapse na lang sa takot tuwing puputok sa sobrang takot at ang pangalawa ay ang tinatawag kong hyper-dog. Ano ba ang hyper-dog? Neng, merong aso ang kapitbahay namin noon sa Batangas na sa halip mag-collapse sa takot sa paputok, ito naman ay halos mag-collapse sa pagod. Paano ba naman hindi mapapagod lahat ng kwitis na pumuputok ay hinahanabol ng bwisit at ng lumabas ng ang sinturon ni hudas ay halos mautas ang kawawang aso sa kahahabol sa bawal putok ni Hudas.
Hindi ko din malilimutan ang kwento ng ka-opisina ko dati na taga-Bulacan (Bayan ng Paputok). Noong malapit na ang bagong taon merong naglalako ng paputok sa kanilang barangay at ang kapitbahay nila bonggang tinanong kung ano ang tinda ng lola. Sa dami-rami ng tinda ng lola mo isa ang naka-agaw ng pansin sa kapitbahay ng ka-opisina ko.
Kapitbahay: Manang ano po yung tawag sa paputok na iyon? (sabay turo.)
Tindera: Ah! Goodbye Philippines yan.
**Goodbye Philippines - parang kasing laki ito ng kalabasa na tinitinda sa palengke**
Anyway, noong araw ng ng Bagong taon at sabik na sabik na ang kapitbahay ng kaopisina kong mag-goodbye philippines.. Heto na at niligay nya sa drum ang mahiwang paputok. Pagdating ng alas dose sabay sindi ng mitsa. 10.9.8.7.6.5.4.3.2.1.000000000 00 kaloka at mahibang-hibang ang mokong dahil lagpas alas-dose na di pa nagbibigay pugay ang Goodbye Philippines na nakalagay sa drum. So dahan-dahan siyang lumapit para tingnan. Neng, pagtapat nya sa drum sabay isang bonggang KABOOM ang sumambulat sa kanyang mukha. hahahaha... so dinala ang lolo mo sa ospital. Kinabuksan, walang kilay ang lolo mo. hahahaha... at mamula-mula pang parang naka-extraderm ang drama ng fez. hahaha. Di pala Goodbye Philippines... Goodbye Kilay!!! hahaha..
Yun lang!!! So sa mga kababayan ko sa Pilipinas hinay-hinay sa pagpapaputok dyan. Ang mga nasa motel...opppsss ibang usapan naman yan... Sa mga nasa ibayong dagat na tulad kong bawal ang paputok ma-inggit na lang tayo sa mga nasa Pinas.
Happy New Year sa lahat. Umaasa sa isang magadang pasok ng taong 2014.
#NewYear
#GoodbyePhilippines
#2014
Marami na namang naputulan na naman ng daliri sa Pilipinas ngayon dahil sa paputok at talagang inaabangan ko ito dati sa Magandang Gabi Bayan ang kanilang episode tungkol sa Bagong Taon na talaga namang parang longganisa ang mga tinamaan ng lintek. Imagine kumakain ka ng hapunan tapos mapapanuod mo ay ang mga daliring laylay dahil sa pla-pla at super lolo.
Pero pansin ko lang ang aso ata ang pinaka-stress na hayup tuwing sasapit ang bagong taon. Dalawang uri ng aso ang kapansin-pansin tuwing bagong taon: una yung halos mag-collapse na lang sa takot tuwing puputok sa sobrang takot at ang pangalawa ay ang tinatawag kong hyper-dog. Ano ba ang hyper-dog? Neng, merong aso ang kapitbahay namin noon sa Batangas na sa halip mag-collapse sa takot sa paputok, ito naman ay halos mag-collapse sa pagod. Paano ba naman hindi mapapagod lahat ng kwitis na pumuputok ay hinahanabol ng bwisit at ng lumabas ng ang sinturon ni hudas ay halos mautas ang kawawang aso sa kahahabol sa bawal putok ni Hudas.
Hindi ko din malilimutan ang kwento ng ka-opisina ko dati na taga-Bulacan (Bayan ng Paputok). Noong malapit na ang bagong taon merong naglalako ng paputok sa kanilang barangay at ang kapitbahay nila bonggang tinanong kung ano ang tinda ng lola. Sa dami-rami ng tinda ng lola mo isa ang naka-agaw ng pansin sa kapitbahay ng ka-opisina ko.
Kapitbahay: Manang ano po yung tawag sa paputok na iyon? (sabay turo.)
Tindera: Ah! Goodbye Philippines yan.
**Goodbye Philippines - parang kasing laki ito ng kalabasa na tinitinda sa palengke**
Anyway, noong araw ng ng Bagong taon at sabik na sabik na ang kapitbahay ng kaopisina kong mag-goodbye philippines.. Heto na at niligay nya sa drum ang mahiwang paputok. Pagdating ng alas dose sabay sindi ng mitsa. 10.9.8.7.6.5.4.3.2.1.000000000

Mga Komento